BLUE’S POV
Nakakunot ang noo kong nakatingin kay Tyrone na ngayon ay kasama ni kumag. Tumayo muna ako saka nilapitan si Ty. “What the hell are you doing here?” inis na tanong ko sa kanya.
“Ganyan ka ba mang-welcome?” Nakataas kilay nyang tanong.
“You need to go back,” walang lingon-lingon kong sabi saka bumalik sa p’westo ko kanina.
Umupo sa harapan ko si Pinky at saka tumabi sa kanya sina Greeny, Violet, at Sunshine. Tumingin ako kay Zaico hud’yat para paupuin sya sa tabi ko. Agad naman na sinunod nya ako at umupo din si Ty sa tabi ni Zaico. Hindi ko muna sya inaway bagama’t busy ako.“Bakit?” tanong ni Zaico sa ‘kin.
Inilahad ko ang palad ko at napakunot sya ng noo na nakatingin dito. Inirapan ko sya saka kinuha ‘yong kamay nya at ipinatong do’n. I need his element power para makausap ang legendary princess. Hindi na naghintay ng hud’yat ang iba at naghawakan sila sa isa’t-isa. Naramdaman kong dumaloy sa katawan ko ang enerhiya mula sa kanila at ipinikit ko ang aking mga mata. Matapos kong gawin ay inilahad ko ang palad ko sa planggana na may tubig at sinubukang konektahin ito sa legendary princess. Lumabas ang isang imahe ng babaeng naka-violet na damit, buhok at mata. Parang si Violet din pero iba ang kanya. Para syang goddess sa ganda ang haba ng buhok at mukhang nasa silid aklatan sya.
“Who are you?” Taas kilay nyang tanong sa akin. Hindi ako na-inform na mataray ang legendary princess? Parang hindi naman? I took a deep breath, then I started to talk. “If you want to talk to her. Better to contact her not me,” hindi pa ako nagsasalita agad na nyang pinutol.
“Huh?” takang napatingin si Ty sa akin.
“Pero sa ‘yo tumungo ang liwanag,” sabi ko naman.
“Maybe because her light is part of this, and one thing is this is her home. She’s now on a mission. Hindi ko alam kung matutulungan ka nya gayong may tinutulungan din syang iba,” paliwanag nya.
“Sino ba ang tinutukoy nya, Blue?” takang tanong sa ‘kin ni Sunshine.
“Si Nanami Lyme Deondole o mas kilala bilang Princess Shane,” sagot ko.
“Paano ka nya matutulungan? Bakit sya ang gusto mong kausapin?” takang tanong din ni Greeny.
“I’ve search about her. She’s a legendary, so why not ‘di ba?”
“But she’s not a fairy.” Bigla ay napatingin ako sa tubig.
“P’wede nya akong matulungan.”
“Yes, she can. But, she have something to do right now. Hindi lang din mundo nyo ang maliligtas nya kung ‘di ang buong mundo. Ngayon ay hindi mo sya mate-trace dahil nasa Agartha sya. Ang pagkakatanda ko nanganganib ang lugar na ‘yon at maaaring nadamay ang buong mundo kapag nangyare ‘yon. Kung pati ang mundo nyo ay gano’n din hindi na alam ni Nanami kung anong uunahin. She’s now in a strange position that she didn’t know how to cut her self into pieces. Ang punto ko dito ay kung hindi mo kayang ipagtanggol o ipaglaban ang iyong kaharian paano na lang? Yes, she’s a legendary but it doesn’t mean na makakaya nyang lahat. You’re a princess too, Blue I know that. That man besides you is also like us. He can protect you and can help with your problem. Intindihin mo din sana ang sitwasyon ni Nanami ngayon. Mas mahalaga ang ginagawa nya. Paalam.” Nawala ang imahe sa tubig.
Totoo ang sinabi ng babaeng iyon. Kung hindi ko kayang ipaglaban ang nasasakupan ko paano na lang. Hindi ko p’wedeng gambalain ang misyon na mero’n ang legendary. Besides, this is my kingdom. Agad na gumawa ako ng portal papunta sa kaharian at nakita kong namamahinga si Ina. Ngayon ay napagpasyahan ko na ang lahat. Ang harapin ang kamatayan at mabura ang lahat ng alaala kasama ang nga mahal ko sa buhay. Kung hindi ko ito gagawin maaaring makakasagabal ito upang maligtas ni Nanami ang buong daigdig. Ikinumpas ko ang aking kamay at lumabas doon ang kulay asul na ilaw at pumulupot iyon kay Ina. Umaangat ito sa ere at pinikit ko ang aking mata upang mailagay sya sa lugar kung saan sya mas ligtas.
Kakailanganin ko ng ihanda ang mga kawal para sa magaganap na laban at paglusob nila Tiya Amanda at Ero. Napatingin ako sa dumating at napatigil sa ginagawa ko ng maalala ko si Tyron.
“What the hell! Bigla kang sumusulpot,” singhal ko sa kanya.
“Hindi mo ko binati kanina tapos pinapalayas mo ko. Tapos pinapalayas mo ako ulit?” Napairap na lang ako sa kanya.
“So, why are you here?” Umupo ako sa tabi nya.
“To give this to you.” Isang k’wintas na may pendant ang inilabas nya at ipinakita sa akin.Napakunot ang noo ko sa kanya habang nakatingin naman sa k’wintas. Its look like a diamond with blue color. Maliit lang ito at singlaki lang ng hikaw na bilog. Nagliwanag ito at kinuha ko iyon mula kay Tyron pero hindi nawawala sa aking mukha ang pagtataka.
“Tutulong ako dito. Tutulungan kita kay Tiya Amanda at sa obsess na si Ero. I give that necklace to you ‘cause maybe you need it someday?” hindi na ako nakpagtanong pa ng dumating si Sunshine at Greeny.
Agad na ibinulsa ko ‘yong k’wintas tapos ay napatayo. Kita ko ang kaba at takot mula sa mga mata ni Greeny. “Anong nangyare?” kinakabahang tanong ko.
“Sina Violet at Pinky tsaka si Sunshine,” mahinang usal nya.
“Ano nga!” sigaw ko at hindi ko na napigilang mainis.
“Blue! Kinuha sya ng tiya mo! Kapag hindi ka pumunta ngayon sa kanya maaring mamatay sila!” iyak nyang sabi pero pasigaw.
Agad na gumawa ako ng portal at pumunta kung nasaan naroroon si Tiya pero mukhang planado na nya lahat kaya nahuli nya ako sa pagkakayaon na ‘to. Nakikita kung gaano kasama ang kanyang aura at nakikita ko kung paano sya tumingin sa ‘kin na wari’y sya ang nagtagumpay.
“Itigil mo na ang kahibangang ito tiya! Alam naman natin na hindi ka magtatagumpay.”
“Ang iyong tinuran ay hindi makatwiran aking paboritong pamangkin. No’ng isang araw ay sinugod ka ni Ero, I have a chance to take that opportunity to destroy your kingdom. But, there’s someone na handang ialay ang buhay nya just for you? How pathetic.” Lumapit sya sa akin at may kung anong ipinakita mula sa kanyang palad.
“Siguro ay naaalala mo ang kasunduan natin hindi ba?”
“I’ll never forget that,” matigas na sabi ko.
“Ngayon na ang takdang oras na ‘yon paborito kong pamangkin. Kaya naman ang iyong minamahal na mga kaibigan ang aking bihag ngayon. Oh! Pati na rin ang aking pinakamamahal na kapatid. Alam mo ba kung anong mas exciting?” Hinawakan nya ang baba ko saka iniharap sa kanya ang mukha ko. “Kasi lahat kayo ay mamamatay, right now, right here.” Saka sya malakas na tumawa at tila abot kamay ang tagumpay.
Hindi maaring maging ganito ang katapusan ng lahat. Ano bang ginawa mo Zaico at bakit naging komplikado ang lahat. Wala akong maalala na mero’n silang kasunduan ni Zaico. Pero bigla akong napahinto sa pag-iisip ng makita kong nakatali si Zaico habang may kung anong bagay ang nakalagay sa kanyang katawan at doon ay pinapahirapan.
BINABASA MO ANG
BLUE FAIRY PRINCESS [COMPLETED]
FantasíaDo you believe in fairies? Just like in a fantasy world. Because me? I believe on that. I've been in love with that fairy. I don't know how, I don't know where and I don't know why. How can I protect her by the evil monster, if I don't have a power...