PROLOGUE

1.6K 46 0
                                    

“Ikaw ang prinsesa, Blue, mero’n kang karapatan na ipaglaban ang nasasakupan mo. Hindi ka na p’wedeng magpaligoy-ligoy dahil malaki ka na. Kailangan mong protektahan ang kaharian at nasasakupan mo mula sa iyong tiya Amanda,” sabi ng aking ina.

Tama, mero’n akong karapatan na protektahan ang buong fairy land. Pero paano? Hindi lang sya ang kalaban ko ngayon dahil nangangamba sila na baka balikan ako ni Ero. Hindi p’wedeng mangyare na makuha nya ako upang magamit sa masama nyang binabalak sa nasasakupan ko.

“Kailangan ko ng sapat na oras para dito. Pero sa ngayon lalagyan ko muna kayo ng proteksyon laban sa kanila, ina. Sa mundo ng mga tao muna ako mananatili upang mapaghandaan ko ang lahat,” sabi ko at itinaas ko ang aking dalawang kamay saka may lumabas na makikinang na bagay mula sa aking mga palad.

Mundo’y pagtibayin

Proteksyon ko’y pag-ibayuhin

Walang ibang papasukin

Kung ‘di ang mga mabubuting panauhin.

Busilak na puso

Bubuksan ang pinto

Papasok ang kapangyarihan

Sa mundo’ng aking lalabasan

Hanapin ang paraan, matalo ang kasamaan.

Puso ko’y dingin.

Panalangin ko’y ibayuhin

Ako si Blue, ang prinsesa ng fairy land

Ako’y nagsusumamo

Mundo ko’y proteksyonan.

Lumiwanag ang buong paligid kasabay ng isang malaking harang sa buong fairy land. Sa ngayon may kailangan muna akong asikasuhin. Para paghandaan na rin ang nalalapit na paghaharap namin ni tiya Amanda.

“Kayo po muna ang bahala, ina. Babalik din ako,” sabi ko at saka ako nawala sa kanyang harapan at pumunta sa lagusan.

Susubukan kong hanapin ang sulusyon. Kung hindi ko mababago ang tandahan ng aking mundo, maaring masira ito at gumuho. Mawawala ng bigla na parang isang bula sa hangin.

Kailangan ko lang hanapin ang taong makakatulog sa akin, t’yak kong nasa mundo ka ng mga tao. Pinagdikit ko ang pareho kong palad at saka ko ito inilapat sa pader. Naging parang galaxy ito at tuluyan na akong pumasok doon upang harapin ang reyalidad.

BLUE FAIRY PRINCESS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon