CHAPTER 14

280 14 0
                                    

BLUE’S POV

Hindi p’wedeng humantong sa ganito ang lahat. Sa puntong ito ay hindi ko alam ang gagawin. Siguro nga ay kailangan ko na lang hintayin ang mangyayare at tanggapin ang katotohanang talo ako at makukuha na ni tiya Amanda ang gusto nya. Nakayakap ako sa aking mga tuhod at umiiyak sa sobrang galit at inis.

“Kunin sya.” Napatayo ako bigla ng marinig ko ang tinig ni Tiya.

“H-h’wag! H’wag si Pinky please! Nagmamakaawa ako. H’wag nyo syang sasaktan,” pagsusumamo ko.

Pero hindi ako pinakinggan at patuloy na dinala si Pinky na walang malay. I use my powers but it’s nothing. Walang lumalabas mula sa aking palad at wala akong maramdaman na enerhiya mula sa aking katawan. Siguro ay dahil na rin sa dilim ng lugar na syang nakakapagpababa ng light energy mula sa katawan namin. Unti-unting nanlabo ang aking mata at nakarinig ako ng mga inda mula sa paligid. Kita ko kung paano nagsitumbahan ang mga tauhan ni tiya at agad na pinakawalan si Zaico. Hindi ko maintindihan. Unti-unti na ring sumara ang aking mga talukap at nawalan ng ulirat. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog at paggising ko ay nandito pa rin ako sa aking selda.

“Wala na dapat pang makaalam sa nangyare. Kailangan na nating kumilos bago lumitaw ang kabilugan ng b’wan. Ang pagkilos ng legendary princess sa mundo mula sa ibaba ay maaring maging hud’yat mula sa ating katapusan. Mabibigyan no’n ng lakas si Blue at maaring mabura ang mundo natin mula sa mga dimensyon.” Napakunot ang aking noo ng marinig ko iyon mula sa bibig ni Ero.

Si Ero at Tiya ay nagsanib p’wersa? Kailan pa? Napansin kong wala sila Pinky, Greeny, Violet at Sunshine mula sa p’westo nila kanina. Nasaan sila? Napapikit ako muli ng aking mata ng maramdaman ang paglapit ng isa sa kanila. Ramdam ko pagbuhat nya sa akin. Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin.

Naramdaman kong nilapag na nya ako mula sa matigas na bagay at ramdam ko rin ang pagsara ng kung anong bagay mula sa leeg, paa, at mga kamay ko. Ngayon ay iminulat ko na ang mga mata ko at doon ko lang nakita kung nasaan ako.

“PAKAWALAN N’YO KO! ANO BA! NASAN ANG MGA KAIBIGAN KO? NASAAN SILA?” malakas na sigaw ko.

“You better sleep again for the rituals tonight. Kakailanganin mo ng lakas para mamaya.” Binigyan ako ng nakakademonyong ngiti ni Ero bago umalis at sinara ang pinto ng silid.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid at doon ko nakita sila Sunshine, Greeny, Pinky at Violet na kakapalibot sa akin. Nakatali sila gaya ko at kita ko ang paghihirap mula sa kanilang mga mukha. Unti-unti na ring nawawala ang kulay ng kanilang mga buhok at kinang nito hud’yat na malapit na silang mamatay. Ramdam ko ang kirot sa puso ko at hindi ko gusto ang nangyayare ngayon. Hindi ko kailan man ginusto na madamay ang mga kaibigan ko. Akala ko ba matutulungan ako ni Zaico. Akala ko ba sya ang magiging dahilan para mawala ang masasamang tao mula sa mundong ito. Akala ko ba sya ang magiging karamay ko at gagawin nya ang lahat para maligtas ako.

Ngayon ko nararamdaman ang sobrang pighati at sobrang sakit mula sa dibdib ko. Marami akong gustong gawin at hindi ko magawa. Ngayon parang ayaw ko na maniwala sa sasabihin ni Zaico. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa na maisasalba ko pa ang mundo ko. Ang mundong iniingatan ko mula sa aking tiya at si Ero. Ipinikit ko ang aking mata at muling isinariwa ang mga alaala. Ang mga ito’y alaala na lang ngayon. Pero namutawi sa akin ang alaala na sinabi sa akin ni Quantum na ako ang magiging dahilan sa pagkasira ng mundong ito. Mawawala ang alaala ko sa muling pagsilang ko. Si Zaico na lang ang natitirang pag-asa ko. Pero nasaan ka ba ngayon Zaico? Naalala ko yung k’wintas na binigay ni Tyron bago kami makuha. Agad na dinukot ko iyon sa bulsa. Hindi ko alam kung anong kaya nitong gawin pero susubukan ko.

Ipinikit ko ang mata ko at naramdaman ko ang enerhiya mula dito. Ramdam ko ang sarap nito sa pakiramdam ko at alam ko kung gaano ito kalakas. Hindi lang ito basta-basta k’wintas. Hindi rin naman basta-basta pupunta si Tyron kung walang kailangan. Napaimpit ako ng sigaw at naramdaman na nasira ko na pala ang mga nakagapos sa akin. Umangat ako sa ere at nagbago ang aking anyo.

“P-paanong.” Napatingin ako sa sarili ko at ska kinabit ang k’wintas sa leeg ko.

Hindi na ako nag paligoy pa at pinakawalan ko sila agad. Matapos ‘yon ay agad ko silang hineal just to in case na kayanin pa nila. Hindi ko kasi alam kung paano sila dadalhin ng sabay-sabay.

“B-Blue?” agad na gumaling si Sunshine.

Hindi naman sya gano’n kalubha. Pero unti-unti na rin kasing umiitim ang buhok nya hud’yat na mawawala na ang powers nya. Hindi masyadong na heal sina Greeny at Pinky dahil sa kanilang mga sugat. Inalalayan na lang sila nina Sunshine at Violet. Gumawa ako ng portal para makaalis sa lugar at nakarating kami agad sa palasyo. Pero hindi ata magandang plano ‘yon dahil nandito pala sila. Hindi ko akalain na mayro’ng nangyayari dito.

“Paano ka nakatakas!?” galit na sigaw ni Tiya sa ‘kin.

Pero hindi ko iyong pinukaw ng tingin bagkus ay nakatingin ako sa aking ina. Umitim ang bohok nya at wala ng liwanag ang buong katawan nya. Isa ‘yong kahulugan na patay na sya. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Hindi ko p’wedeng palampasin ang nangyayare ito. Lumiwanag ang boong paligid at ramdam ko ang pagdaloy ng isang napakalakas na kapangyarihan sa aking katawan. Ngayo nay hindi ko na kontrolado kung anong kinikilos at gagawin ko. Eto ang kinatatakutan kong mangyare.

“BLUE ‘WAG!” rinig kong sigaw ng isang lalaki sa dakong malapit sa puno.

Nanlaki pa ang mata ko ng makita ko ang mukha nya. Si Zack. Hindi ako p’wedeng magkamali ang taong kinamumuhian ko ang taong naging parte ng masalimoot na alaala ko. Walang buhay akong tumingin kay Tiya saka ko sya pinatalsik kung saan.

Naramdaman ko ang kasabikan mula sa katawan ko pero napahinto ako ng may humila sa akin. Tinignan ko kung sino at nakita ko ang mukha ni Zaico na puro sugat ay mukhang hirap na hirap. Hindi ko alam kung bakit pero biglang kumalma ang buong sistema ko ng makita ko sya. Napahawak ako sa kanyang mukha at napaupo dahil bigla syang bumagsak.

“B-Blue,” nahihirap nyang sabi.

“Shhh. I will not let them win this battle,” sabi ko at ngumiti ako sa kanya.

Pinagaling ko sya para mabawasan ang kanyang sugat at makalaban pa kahit papaano. Ito na ang dapat mangyare at kailangan mangyare. Hindi ko p’wedeng palampasin ito dahil kinakailangan kong tapusin ang lahat ng ito. Kahit pa ang kapalit nito ay ang buhay ko at ang alaala ko. Tumingin ako kila Sunshine at kita ko kung paano sila nahihirapan.

BLUE FAIRY PRINCESS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon