BLUE’S POV
Pati ako ay naguguluhan sa nangyayare. Gusto kong bumalik sa fairy land dahil sa mga tanong na gusto kong masagot. Kanina pa ako palakad-lakad at hindi mapakali sa iisang lugar lang. Kailangan makaisip ako kaagad ng paraan para matalo ko ang tiya Amanda ko sa binabalak nya. Pati ang binabalak ni Ero na makuha ako at gamitin sa kasamaan nya.
“Baby naman kanina ka pa lakad ng lakad nahihilo na ako sa ‘yo.”
“Letche ka? Nakita mo na lahat ng mero’n kami ‘di ba? We’re not like you Zaico, but why are you still here? Bakit ba trip mo pa rin ako?” naiinis na tanong ko sa kanya.
“Kasi nga gusto kita. Yes, I saw that you have a powers. All of you has a powers. Then? Who cares? I don’t care about that,” seryosong sabi nito.
Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang gray nyang mga mata. Biglang may kung anong mga alaala ang bumabalik sa isip ko kaya naman napahawak ako dito. Bigla naman nataranta si Zaico at pinaupo muna ako. Saka sya kumuha ng tubig at pinainom sa ‘kin.
“Are you ok?”
“Not really but I can manage,” saad ko at napabuntong hininga sya.
“Kailangan nating bumalik,” biglang singit ni Violet.
Tumayo ako sa sumunod sa kanya at gumawa sila ng portal para makabalik kami kaagad. Pero hindi ko ata napansin na sumunod pala sa ‘min si Zaico kaya nandito sya ngayon kasama namin. Biglang nabahala ang mga bantay ng palasyo kaya agad ko silang sinenyasan na ayos lang. Pumasok kami sa loob at nakita kong nagpupulong sila kasama si Ina. Agad ko syang nilapitan at niyakap ng mahigpit.
“Buti na lang at ligtas ka.”
“Ikaw!” bigla kaming napatingin sa matandang babae na dinuduro si Zaico.
“Wow, relax Lola. I know that I---”
Hindi naituloy ni Zaico ang sasabihin nya nang magsalita ang matanda. “Ikaw ang sinasabing magiging kasiraan ng lahat! Ngunit ikaw din ang magiging dahilan ng pagkatalo ng mga kalaban,” hindi alam ni Zaico ang isasagot sa matanda.
“Blue anong sinasabi ng matandang ‘to?” takang tanong ni Pinky.
“Hindi ko alam. Pero t’yak akong may kung anong bagay ang mero’n sa ‘yo. Paniguradong may kakayahan ka na hindi mo alam,” sabi ko at saka ako tumingin kay Zaico.
“What the heck? Isa lang akong hamak na mortal at walang anong kapangyarihan. Blue pa’no ba lumabas dito. Uuwi na ako,” sabi nito na para bang naiinis.
“Hindi ka totoong mortal. Pagka’t ang dumadaloy sa iyong ugat ay ang dugo ng isang dyos,” sandaling natahimik ang lahat.
“I gotta go. Malamang hinahanap na ako ni Mommy,” sabi nito at sinenyasan ko si Sunshine na pauwiin na sa totoong mundo si Zaico.
Agad naman nya’ng sinunod ang utos ko. Biglang nagbago ang expresyon ng mukha ni Zaico at halata ang pagkalito sa isip nya. Kung tutuosin isa nga naman syang mortal. Pero bakit parang sa kanya ata may balak na lumapit ang mga nakasagupa namin kanina? Simula ng araw na makilala ko sya may naramdaman na akong kakaiba. Marahil nga ay nasa kanya ang hinahanap kong sagot sa mga tanong sa aking isipan. Nang makaalis sila Zaico ay umalis din ako. May kailangan akong asikasuhin at pumunta ako sa silid aklatan. ‘Yong matanda kasi sa mundo nila ang weird. There’s something na may alam sya sa nangyayare sa ‘kin at kung bakit ako nasa mundo ng mga tao.
I’d radder chose to avoid some issues that making my brain so drain. Nakakainis kasi. Kailangan ko bang sisihin ang bathala ukol sa nangyayare sa ‘kin o kailangan kong tanggapin ang kapalaran ko ay ito. Habang nasa liblary ako ay biglang may nagliliwanag na kung anong bagay sa may dulo nito kaya naman nilapitan ko iyon. Nang makita ko ito ay bigla itong lumutang sa harapan ko at bumukas. Lumitaw ang mga letra sa hangin.
“Kapangyarihang taglay sa iyong katawan ay nananalaytay. Panganib na batid, pag-ibig na sabik. Puso’y mangangalit, buong fairy land ay madadawit. Kasira’y ikaw ang kaayusan. Mundo mo ay babalik at magiging matiwasay.” Napahinto ako.
Parang ako ang tinutukoy na kaayusan pero sino naman ang kasiraan? Muli ay binaling ko tingin sa libro na nakalutang. Bigla ito bumagsak sa sahig at biglang may kung ano akong himahe na nakita. Isang batang babae na ang edad ay nasa labing limang taon at lalaking tant’ya ko ay nasa labing syam na taon. Bakit parang kilala ko sya? Napahawak nalang ako sa ulo ko at hindi ko alam kung anong gagawin para mawala ang kirot nito. This is such a shit. Hindi na maganda itong nangyayare dahil habang tumatagal mas lalong kumukumplekado ang lahat. Kung si Zaico ang magiging kasiraan ng lahat paniguradong sya ang magiging dahilan para mas lalong magalit si Ero. Si Tiya ay mangangamba at t’yak kong magsasanib p’wersa sila laban sa ‘kin. Kailangan kong makausap si Zaico at makumbinsi na tulungan ako upang mailigtas ang mundo ko. Pero pa’no? E, wala syang alam na may kapangyarihan sya at p’wedeng maging dahilan ng kasiraan?
“Blue!” Napatingin ako sa may pintuan at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Ina na hawak ni Tiya Amanda.
“Kamusta pamangkin ang pamangkin ko? Kinagagalak kong makita kang muli,” mapang-asar nitong tanong sa ‘kin.
Tumayo ako saka humugot ng lakas ng loob. Hindi ko inaasahan na mangyayare ito ngayon.
“It’s nice to see you too my dear aunti,” saad ko at pinakita ko na hindi ko kayang magpatalo sa kanya.
“Oh, palaban ka talaga kaya naman ikaw ang pinaka paborito kong pamangkin,” sabi nito at napa-roll ako ng mata ko at saka ako naglabas ng kapangyarihan at ibinato sa kanya.
Lumapit ako kay Ina at saka kami gumawa ng lagusan. Hindi na maganda ito. Dahil mas lalo akong nanlumo ng makita ko ang angkan na libong alagad ni tiya Amanda sa labas ng aking palasyo at sinisira ang barrier nito. Ngunit paano nakapasok si Tiya Amanda?
“Eto na ang simula anak, kailangan mo na harapin ang nakatakdang mangyare,” sabi ni Ina at hindi ko maintindihan.
Bakit parang sa pagkakataon na ‘to bigla akong napanghinaan? Saan ako p’wedeng lumugar? Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko mula sa aking mga mata. Dahil sa pagkakataon na ‘to parang hindi ko kinaya ang lumaban. Pero kailangan kong gawin dahil ako lang ang may kakayahan. Itinaas ko ang aking kamay saka ako gumawa ng isang malaking bola ng kapangyarihan saka ito ibinato sa mga kalaban sa labas. Hindi pa ako nakuntento ay lumipad ako sa ere at pinagdikit ang dalawang palad ko saka lumabas ang mga pana sa kawalan. Itinapat ko ang palad ko sa mga kalaban saka naman nagsiliparan ang mga pana papunta sa gawi ng mga kalaban. Sa ngayon eto na muna ang magagawa ko. Kailangan ko ang tulong ni Zaico. Kailangan ko ang tulong ng lalaking ‘yon para sa muling pagbabalik ng kapayapaan sa buong fairy land.
![](https://img.wattpad.com/cover/104369771-288-k114010.jpg)
BINABASA MO ANG
BLUE FAIRY PRINCESS [COMPLETED]
FantasyDo you believe in fairies? Just like in a fantasy world. Because me? I believe on that. I've been in love with that fairy. I don't know how, I don't know where and I don't know why. How can I protect her by the evil monster, if I don't have a power...