ZAICO’S POV
Ngayon ay naramdaman ko ang pagbibigay ng lakas nila Patrick sa akin upang wakasan na ang lahat ng kahibangang ito. Marahan kong binitawan si Blue at saka tinignan sina Ero at ang babaing naging sakim sa kapangyarihan. Agad na gumawa ako ng isang malaking fire ball with electric na nakapalibot dito saka ko itinapat sa kanila. Tumalsik silang pareho at umangat ako sa ere upang patayin ang lahat ng kalaban.
“Ako naman ang gagawa para sa ‘yo, Blue.” Nagliwanag ang buong paligid.
Ramdam ko ang pagdagdag ng bawat namamatay na kalaban dahil nadadagdagan ang aking kapangyarihan. Bignigyan ako ng isang nanlilisik na tingin ng dalawa saka sila sabay na sumugod sa akin. Una ay si Ero tinamaan nya ako sa aking likuran kaya naman nalaglag ako pababa. Bumaon ang aking katawan sa semento at nag-iwan ito ng bakas. Agad na lumipad ako papalapit sa kanya at pinatamaan ng isang malaking fire ball.
Ikinumpas ko ang aking kamay saka umangat ang tubig sa buong paligid. Gumawa ako ng water ball at ikinulong silang pareho do’n.“Ngayon kayo tumawa. Ngayon nyo sabihin kung sino ang panalo.”
“Alam ko na kung bakit pinapatay ni Sunshine si Blue. Buong akala ko ay isa iyong hud’yat para sa aming pagkapanalo… pero sa puntong ito… Ikaw… ikaw ang nagtataglay ng buong lakas—” hindi ko na sya pinatapos at pinainit ko ang tubig.
“Hindi ako p’wedeng matalo! Not this time! Gayong wala na ang babaeng humahadlang sa aking pagiging reyna!” sigaw naman ng tiya ni Blue.
Pero hindi ko na pinatagal pa ang laban. Iniangat ko sila saka ko pinasabog ang bolang tubig at nilagyan ko ito ng apoy at nabura ito na parang bula sa hangin. Tumingin ko sa kinaroroonan ni Blue at agad ko syang nilapitan.
“Tapos na Blue,” iyak kong sabi habang haplos ko ang kanyang mukha.
Unti-unting umangat ang katawan ni Blue, gano’n din ang katawan nila Greeny, Pinky, Violet at Sunshine. Napapagitanaan nila si Blue na parang isang bilog at nagliwanag ang kanilang mga katawan. Sumulay ang ang pigura ng dalawang tao mula sa itaas.
“Q-Quantum,” nauutal na banggit ni Zack sa pangalan ng isa sa mga ito.
Lumapit si Patrick sa akin upang alalayan ako. “Hindi na muli pang makakapinsala sina Ero at Amanda sa mundo ng mga fairy. Bagama’t med’yo madugo ang laban patuloy nyo pa rin itong ginampanan ayon sa inyong mga tungkulin. Ngunit, kinakailangan mawala ang inyong mga alaala sa sandaling kunin ko na si Blue para maibalik na ang dati sa lahat,” lumapit sya sa aming tatlo.
“B-bakit k-kailangan m-ma-w-wala n-ng alaala n-namin?” bagaman hirap ay pinilit ni Zack magsalita.Inilagay ni Quantum ang kanyang kamay sa ulo ni Zack. Unti-unting nawala ang mga sugat nito at umayos na agad ang kanyang lagay. Gano’n din ang ginawa nya sa amin at kita kong nanunumbalik ang mga bagay sa paligid.
“Sa sandaling mawala ang prinsesa ng fairy land. Kailangan tanggalin ang kanyang alaala hud’yat para sa bagong simula. Hindi ba’t nasabi na sa inyo na kapag namatay si Blue at muling isilang ay maibabalik ang lahat sa dati?” Tumigin ako kay Zack.
“Oo ngunit muntik na nya masira ang lahat kanina.”
“Kaya nga si Sunshine na mismo ang naging tulay. Kahit pa buhay nya din ang naging kapalit. Ang tadhana ay tadhana. Walang ibang makapagpapabago no’n. Dahil kung patuloy nabuhay si Blue. Mag-isa nyang haharapin ng lahat. Magiging madilim ang mundong ito at walang patutunguhan. Kaya nagpapasalamat ako sa ‘yo Zack, Zaico at Patrick. Ngayon ay magpaalam na muna kayo sa kanila,” tinuro nya ang landas papunta sa limang fairies na walang buhay.
Ngayon ay naiintindihan ko na kung naging sila ni Zack malamang ay mas matindi pa ang mangyayare. Mamamatay ang mga kaibigan nya. Mamamatay ang mga kalaban ngunit mabubuhay naman sya sa dilim at kalungkutan. Ngayon ko nauunawaan na ang pagkawala ng alaala nya ang magiging dahilan upang mabalik ang lahat sa dati at magkaroon ng bagong panimula.
Lumapit ako sa kanilang lima. They all look so beautiful—the most beautiful fairies that I have ever met. Even though in a short time. I know that this is not the last time that I will see them. Siguro ngayon kailangan namin maghintay ng ilang taon para sa pagbabalik ng limang babaeng ito. Marahan kong hinawakan si Blue. Maluha-luha akong nakita kong ganito ang kalagayan nya. She’s different from the others. Naging kulay brown ang kanyang buhok at nanatiling maputi ang kanyang balat.
“I will wait until you come back again, my fairy princess. Maybe on that day, you will love me like you loved Zack before. Sana kapag dumating ang araw na ‘yon ay maalala ako ng puso mo.” Hinalikan ko ang kanyang labi kahit sa huling pagkakataon.Unti-unting kinuha na sila ng liwanag mula sa kalangitan. Natanaw ko ang mapaklang ngiti ni Zack. I know that he still love Blue. Kahit pa sino ang ipalit sa p’westo nito mananatili parin syang mahal nito. Katulad ng inaasahan ay nabuhay ang kapaligiran. Nawala ang gulo sa paligid at pagkasira ng plasyo. Mga paro-parong nagliliparan sa paligid at mga ibon. Pati ang ibang hayop ay nabuhay.
Kumalat ang liwanag sa buong paligid at pare-pareho kaming napapikit dahil sa sobrang liwanag nito. Parang may kung anong sumabog sa boong paligid at naging makulay ito. Sobrang ganda na nito ngayon at tila isa itong bagong panganak na sanggol. Nakakamangha ang kakayahan na meron si Blue. Napangiti nalang ako saka ninamanam ang kapayapaan ng boong fairy land. Napahiga kami sa damuhan dahil sa sarap nito sa pakiramdam. Nararamdaman kong unti-unting sumasara ang aking talukap at bigat nito sa pakiramdam. Parang hinehele ako ngndamuhan na matulog at magpahinga sa gitna ng nangyare sa boong fairy land. Kailangan na muna namin kalimutan ang lahat at mag-umpisa ulit sa una. Kung saan walang Blue akong nakilala.
Mananatili ang iyong alaala sa aking puso Blue. Hindi man kita makilala sa personal makikilala kita sa pamamagitan ng pagmamahal ko sa ‘yo. Dumilim ang kapaligiran at lahat ng alaala sa aking isipan ay unti-unting nawawala. Tuluyan na akong nakatulog at hindi ko na alam ang sunod na nangyare matapos ‘yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/104369771-288-k114010.jpg)
BINABASA MO ANG
BLUE FAIRY PRINCESS [COMPLETED]
FantasyDo you believe in fairies? Just like in a fantasy world. Because me? I believe on that. I've been in love with that fairy. I don't know how, I don't know where and I don't know why. How can I protect her by the evil monster, if I don't have a power...