CHAPTER 9

324 13 0
                                    

BLUE’S POV

Bakit ang dilim ng boong paligid? Kanina pa ako naglalakad at pagod na rin ang katawan ko pero hindi ko makita kung saan ako dapat dumaan. Puro sugat na ang tuhod ko dahil sa mga tinik na nasa paligid at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko makita ang way to go out. The hell! Halos hindi ko na kaya at gusto ko nalang magpahinga dahil nga sa sobrang pagod. Biglang may kung anong imahe ang lumabas sa kawalan at nakita ko si Sunshine na hawak ng isang babae sa leeg.

“Blue…” bagamat nahihirapan parang sinusubukan nyang lumaban.

“S-Sunshine.” Bigla itong tumalsik sa labas ng k’warto at nakita kong nakahandusay doon si Patrick.

Iyong kaibigan ni Zaico. Sino ba ang babaeng ito? Bakit nya sinasaktan ang mga kaibigan ko? Biglang may kung anong itim na usok ang bumalot sa katawan ko at hindi ako makagalaw.

“Blue, alam kong hindi ikaw ‘yan. Alam kong nakakulong ka sa isang kawalan na walang kasiguraduhan. Hanapin mo ang liwanag na p’wedeng makapagpalaya sa totoong, Blue. Alam ko, kaya mo ‘yan.”

Ang boses na iyon ay hindi galing kay Sunshine or kay Pinky o kay Greeny o kay Violet. Hindi ito galing sa mga kaibigan ko. Pero, sino naman sya? Bago lang sya sa pandinig ko. Luminga-linga ako sa buong paligid at wala talaga akong makita. Nanghihina ang buo kong katawan pero ng makita ko ang nakahandusay na Sunshine bigla akong napaluha. Hindi totoo ‘tong nakikita ko. Malakas ang kaibigan ko. Malakas sya alam ko kasi kaibigan ko ‘yan. Kahit pasaway at minsan talagang may sapak alam kong malakas sya. Lumitaw sila Violet at gulat na napatingin sa papalapit na babae. Naguguluhan ako. Sino ba kasi ‘yang tanginang ‘yan!

“Pakawalan nyo ‘ko!” sigaw ko.

“Hindi ako papayag mawala sila sa ‘kin. Hindi ako papayag na isa sa mga kaibigan ko ang mawala ng dahil sa ‘kin! AAAHHH!” sigaw ko saka pinilit na kumawala sa usok na kabalot sa katawan ko.

Kailangan kong mahanap ang lagusan papalabas dito. Hindi ako papayag na makulong sa pesteng lugar na ‘to habang pinapanood ang mga kaibigan kong nahihirapan na. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hinayaan ko ang enerhiyang lumabas mula sa katawan ko, hangang sa mapunta ito sa palad ko at itinaas ito. Gumawa ako ng isang malaking bola na puno ng enerhiya mula sa katawan ko at binato ito sa kawalan. Sumabog ang liwanag nito sa buong paligid at doon na ako nawalan ng malay.

-

Nagising ako at nakita kong tinatapik ni Zaico ang pisngi ko. Pero bakit parang wala akong marinig? Med’yo malabo din ang paningin ko at hindi ko alam kung patay na ba ako? May tama ako or what. Bakas ang pag-aalala ni Zaico at ramdam ko ‘yon. Iginala ko tingin ko sa paligid at ang daming nagkalat na sirang gamit at halos lahat ng bahay warak na rin. Pero napahinto ako ng tingin ng makita ko si Sunshine na walang malay at duguan. Hawak sya ngayon ni Patrick at kita kong naiiyak ang mga mata nito.

“S-Sun…shine,” mahinang usal ko.

Sinubukan kong bumangon kahit na nahihirapan ako. Gusto kong lapitan si Sunshine. “Sunshine gising. Ano ba! H’wag mo naman ipikit ang mga mata mo! Pun’yeta ka!” naiiyak na singhal ni Pinky kay Sunshine.

Bumuhos ang luha ng bawat isa mula sa duguan na Sunshine at halos mawala ang liwanag ng kalangitan dahil si Sunshine ang nagbibigay lakas dito. Unti-unting nalalanta ang bawat puno at halaman na syang ikinabahala ko. Hindi ‘to p’wedeng mangyare! Hindi ‘to p’wede dahil si Sunshine ang halos buhay ng mundo. Hindi ko alam pero bigla akong nagkaroon ng lakas at agad na kinuha ang bestfriend ko mula kay Patrick. Gulat syang tinignan ako ngunit hindi ko sya pinansin at binaling ko ang tingin kay Sunshine. Nawawala na ang kulay ng dilaw nyang mga mata at nagiging itim na ito.

“H-Hindi… Sun… shine. This is not fucking true! Sunshine? Don’t you dare leave us. Don’t you dare close your fucking eyes! Sunshine please! Hold on.” Tinapik ko ang pisngi nya.

Kasabay ng luha ko ang malakas na pagpatak ng ulan sa paligid. Unti-unting nawawalan ng buhay ang mga damo at ramdam kong paghina ng pintig ng puso ni Sunshine. “Tang’na, Sunshine! Subukan mong ipikit ‘yang mga mata mo, kung ‘di dudukutin ko ‘yan!” naiinis na sabi ko.

“Hindi kami nakaabot. Sinugod din kasi ang flowerian ng tiya Amanda mo Blue. Lahat ng mga nasasakupan ko do’n ay halos mawala. Kaya hindi rin namin alam na may nangyayare din dito,” iyak na paliwanag ni Pinky.

“Kung sana hindi kami umalis, kung sana nanatili kami dito, e’di sana naligtas pa namin si Sunshine,” sabi ni Violet.

“Patawad, Blue. Hindi ko sya naprotektahan.” Umiiyak na sabi ni Patrick.

“Hindi ‘to totoo… hindi sya p’wedeng mamatay… hindi p’wede ‘to… kailangan mong mabuhay.”

“B-blue.” Tumingin ako sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi.

“H’wag ka na magsalita. Lalo kang mapanghihinaan,” halos hindi na ako makapagsalita. Garalgal na ang boses ko at sobrang sakit ng puso ko. Para itong tinutusok ng libong beses sa buong pagkatao ko. “Walang mamamatay. Hindi ka mamamatay. Pun’yeta ka imulat mo mga mata mo! H’wag kang pipikit gago,” inis na sabi ko.

Inilagay ko ang kamay ko sa kaliwang dibdib nya. Saka ako tumingin kay Patrick na tila naguguluhan pero hinawakan nya ako sa balikat. Tumingin ako kila Violet, Pinky, Greeny, at Zaico.

“You need to put your hands on me. And use your powers to give her some light energy to get her life back,” sabi ko.

“Pero… paano mo magagawa ‘yon?”

“Iipunin ko ang nakuha kong liwanag mula sa inyo at gano’n din sa ‘kin. Pero kailangan ko kayo para magawa ito. Kayo lang ang makakapagpalabas ng light energy sa ‘kin. Dahil mas kakailanganin ko ang konting liwanag sa inyo. Patungo sa kanya,” paliwanag ko at hindi na sila nag-atubili pa.

Agad na nagliwanag ang katawan nila patungo sa ‘kin. Sa lakas ng enerhiya nila ay hindi ko alam kung kakayanin ng katawan ko hangang sa maisalin ko ito kay Sunshine. May posibilidad kasi na mawala ang o manghina ang kapangyarihan ko at maging itim ang mga mata ko na magiging hud’yat na wala na akong k’wenta. Pero hindi ako papayag na mawala si Sunshine. Ramdam ko ang lakas ng bawat isa sa kanila. Itinapat ko ang isang kamay ko kay Sunshine saka ko sinumplay ang white energy to back her life again. Pero dahil nga sa sobrang lakas ng kapangyarihan nila na dumadaloy sa katawan ko, namumuo ang sugat sa buong katawan ko. Pero bago pa tuluyan manghina ang katawan ko at buong lakas kong isinalin ito kay Sunshine.

BLUE FAIRY PRINCESS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon