Part[9]Nine

11.6K 252 0
                                    


Nine

Matapos kung pagpawisan sa cr, alam niyo na 'yon. Haha! Agad akong naglakad palabas. Siguro nainip na si Eunice sa kakahintay saakin. Tan*inang Atalya kasi pinatayo pa. Eh lalaki lang din naman ako natutukso.

"Brace. Ang tagal mo naman sa cr."

Ang lamig. Ang lamig ng kamay niya.
"Ano ba 'yan, baby. Ginulat mo ako, at saka bakit ang ginaw nitong kamay mo?" Hinawakan ko ang mga palad niyang maginaw.

"Ganyan lang talaga 'yan. Uhm Brace."

Nagsimula na kaming maglakad. Late na nga kami eh, kailangan kasing makaraos ng alaga ko.

"Hmm?" Hawak ko parin ang isa nalang niyang palad.

"Pwede mo ba akong samahan pumuntang mall?"

"Mall? Bakit?"

"Hindi pa kasi ako nakapunta ng mall. Katunayan nga ngayon lang ako nakakapunta ng ibang lugar dahil ikinasal ako sa'yo. Sobrang strict kasi nina lolo at lola." Kahit gwapo ako nakaramdam rin ako ng awa sa asawa ko. Ano siya? No experience to go outside since birth?

"Oo naman. Mula ngayon, lahat ng mg bagay na 'di mo pa nagagawa. Gagawin natin"

Tumigil si Eunice sa paglalakad kaya tumigil din ako.

"Ang saya ko at dumating ka Brace. Dahil sa'yo mararanasan ko ang mga 'yon."
Ngumiti siya at tumingkayad.

Napapikit ako ng ilapat niya ang mga labi niya saakin.

"Yown! Bago ah!" Nilingon ko ang kaklase kong si Jude. Hindi lang pala siya ang nakatingin marami ring school mates namin.

Nahiya tuloy ako. Shet, si Brace Ching nahiya? Bago ulit 'yon ah?

"Private ang mga ginagawa ng mag-asawa baby, kaya 'di dapat natin dito ginagawa."

Inakbayan ko siya at nagsimula ng maglakad ulit.

You're So Innocent Baby(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon