Thirteen
Talya's POV
"Babe, akin ka nalang ulit." Hindi ko mapigilang saad. I badly want to be with him.
Niyakap ko ang sarili ko ng makita ko si Brace na inaayos ang kanyang pantalon.
"Talya, hindi pwede mahal ko si Eunice."
"Sino ba 'yang Eunice na 'yan?! Mas maganda ba sa'kin? Mas mayaman? Mas magaling ba siya?! Brace please. Mahal na mahal kita!"
Iniwas niya ang tingin niya.
"Pasensiya ka na Atalya, you deserve someone better.""I don't care if you are not even better for me Brace! I love you, please come back." Tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Para silang water falls na hindi ko mapigilan.
"Im sorry."
At tuluyan na siyang umalis ng hindi ako tinitignan. I left alone, empty, parang napkin na pagkatapos duguan, gamitin, iniiwan, tinatapon, pinapabayaan.
Mali ba talaga ang magmahal ng labis labis? Masama na ba ako sa lagay na 'to? Kung ang gusto ko lang naman makuha ang mahal ko?
Whoever you are Eunice, hahanapin kita. I am the best for Brace. I am.
--
"Brace, sorry." Pagpasok ko pa lang ng bahay sinalubong na ako ng mainit na yakap ni Eunice.
Umiiyak siya, nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ko."Ako dapat ang mag sorry baby, sorry nagkamali ako. Sorry mali ako."
Mali talaga ang ginawa ko. Maling sumama ako kay Talya.
"Hindi Brace, ako 'yon."
"Shh.. Mahal kita Eunice, mahal na kita. Sana kahit 'yon lang alam mo 'yon." Pinunasan ko ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya.
Noong iniwan ako ng ogag kong pinsan sa bar na 'yon, napaisip ako, mahal ko na ba talaga si Eunice? Hindi na ba mapipigilan?
At ngayon napagtanto kong mahal ko na pala siya. Ang sarap sa pakiramdam, kung alam ko lang na ganito pala ang pakiramdam ng mainlove, hinayaan ko na sana ang puso kong mahulog. Natakot kasi ako, oo si Brace Ching natatakot mahulog pero ngayon? Hindi na. Hindi na ako takot mahulog, mas takot na akong mawala si Eunice.
Kasi si Eunice?, siya ang anghel ko. Pinatunayan niya na kaya pang magbago ng isang taong demonyo.
Demonyo sa kama! Hindi demonyo na satanas!
Mabait akong gwapo no!Talya... Sana lubayan mo na ako.
BINABASA MO ANG
You're So Innocent Baby(Completed)
Teen FictionWarning! Magulo ito! Bookcover by: TOPAegiii Highest rank #123 in teen-fiction