Fifteen"Hey! Eunice!" Agad ngumiti si Eunice ng malawak.
"Casper! Ba't ka nandito?" Oo nga, sino ba 'tong Casper na 'to at napapadpad dito?
"Eu, kaibigan ako ng kapatid ni Dane." Napatango naman si Eunice.
"Ehem." Mahina kong tikhim, tang*na naman kasi, nakakabastos. Nandito ako eh, si Eunice lang pinapansin aba't tarandato talaga 'to eh.
"Oy. Pre, nandito ka pala." Iniabot niya ang kamay niya na sinalubong ko.
"Obviously, pinsan ko ang celebrant." Halata naman sa itsura niya ang pagkagulat.
"By the way, ayusin mo ang pakikitungo sa pinsan ko ha, kundi sapak ka sakin." Hinila ko na si Eunice saka pinaupo sa table talaga namin.
"Bad 'yon Brace." Inabot ko sakanya ang gusto niyang ulam. Hindi ko na lang siya sinagot, mahirap na, baka pag-awayan na naman namin 'yong ogag na 'yon.
Kanina pa nagsimula ang party, halatang nasisiyahan sila sa mga kaganapan.
"Ate Eunice! You're heree!" Niyakap pa ni Britany ni Eunice, sus! Nagpapalakas lang 'yan.
"Hehe, ang ganda mo Brit."
"You too ate."
"Anong you too? Si Eunice lang ang maganda, hindi ikaw, umalis ka ng dito Brit!"
"No! Aalis ako dito together with ate, so ate lets go? Pakilala kita sa mga pinsan namin. They are maganda rin like us."
Tsk. Mag-isa nalang tuloy ako.
Dahil wala naman si Eunice, sumama nalang muna ako kina Tawi."Yown! At naalala rin tayo!" Sabi ni Luke.
"Aba't nahiwalay sa asawa niya oh!" Naghiyawan sila.
"Pwede ba? Kainis naman kayo oh." Kinuha ko ang isang basong may laman at deretsong ininom.
"Inom ka lang pre, haha! Ngayon ka nalang ulit uminom."
Mga pitong shots lang ang ininom ko, ayokong malasing, mahirap akong intindihin.
Inaantok narin ako, kanina pa kami dito.Tumayo na ako.
"Oh saan punta mo?"
"Dun, kay Eunice."
"Di rin natiis. Hahaha!"
BINABASA MO ANG
You're So Innocent Baby(Completed)
Teen FictionWarning! Magulo ito! Bookcover by: TOPAegiii Highest rank #123 in teen-fiction