.
Twenty-two
Eunice's POV
"Nasaan 'yong boyfriend mo?" Tanong ni Casper saakin. Two days nang wala si Brace, namimiss ko siya pero kailangan niya 'yong gawin.
"Uh, nasa Cebu, may training sa pagmamange ng companya nila." Sinasabayan ako ni Casper papuntang gate. Wala kasi si Britany eh, pero nagpaalam naman siya na hindi niya ako masasabayan pag-uwi.
"Mayaman talaga siya no?" Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Oo nga, mayaman si Brace, mayamang gwapo raw sabi niya.
"Uhm... Eu..."
"Hmmm?" Nakatingin lang ako sa daan, nakayuko, nahihiya kasi ako sa mga estudyanteng nakakasalamuha namin.
"Uh. May sasabihin sana ako. Wag ka sanang magagalit." Tumango lang ako habang nakatingin sakanya.
"Ano kasi... Gusto kita. Eunice, unang kita ko pa lang sa'yo, alam kong may kakaiba na sa'yo, don't get me wrong ha. Hindi kita ina--" Natigilan ako dahil sa inamin niya.
"Eh anong ginagawa mo? Sa tingin mo hindi pang-aagaw ang ginagawa mo?! Tang*na mo pare!" Akmang susugod si Brace peron pinigilan ko. Nandito na siya? Akala ko ba one week siyang mawawala?
"Please Brace. Let's go. Uhm--Casper" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinila na ako ni Brace.
--
"What the hell?! Its not my fault kuya!" Halatang naiinis si Britany.
"Tangna naman kasi! Diba sabi ko bantayan mo si Eunice?!"
"Kuya! Ate isn't bata pa! She knows what to do! And kuya! Hindi ko kasalanan na may magkagusto kay ate! Kuya wake up! Its not my fault!" Nalilito na ako kung ano ang gagawin. Palipat lipat lang ang tingin ko sakanilang dalawa.
"Bullsh*t! Get out! Go home!" Galit na umalis si Brace, narinig ko pa ang malakas na pagsara ng pinto.
"Sige na Brit, ako ng bahala sa kuya mo."
"Talaga, galit ako sakanya. I won't talk to him."
Naiwan akong nag-iisa sa sala kaya sinundan ko nalang si Brace sa kwarto matapos kong i-lock ang pinto.Pagpasok ko, wala si Brace, naririnig ko naman ang tubig na bumabagsak sa sahig ng cr.
It's his hobby, na magshower kapag galit. I once asked him why, sabi niya, naaalis daw ang init ng ulo niya.
Humiga na ako sa kama, hihintayin ko na munang matapos si Brace.
Nagulat ako ng biglang may tumunog, nilingon ko ang itaas ng table ng kwarto namin. Umiilaw ito. Cellphone ni Brace. Nilingon ko ang pinto ng cr. Hindi naman siguro ako papagalitan ni Brace? Titignan ko lang naman cellphone niya.
Kinuha ko ito, mabuti walang password.
From: Kathy Lazada
Hi Brace! I miss you. Bakit ka umuwi?
Bigla kong nabitawan ang cellphone. Sino si Kathy? At bakit ganito?
Bakit parang may masakit sa bandang puso ko? Ano 'to?
Napahawak ako sa pisngi ko dahil may biglang tumulo. Umiiyak ako?
Umalis ako ng kwarto. Hindi ko kinaya. Naguguluhan ako.
BINABASA MO ANG
You're So Innocent Baby(Completed)
Teen FictionWarning! Magulo ito! Bookcover by: TOPAegiii Highest rank #123 in teen-fiction