Part[38]Thirty-eight

8.8K 118 0
                                    

Dalawang buwan...

Halos dalawang buwan na ang nakakalipas. Napahawak ako sa malaki ko ng tiyan. Wala pa akong balita tungkol kay Brace Ching, iniwan na ba ako ng lalaking 'yon?

"Hayaan mo baby, babalikan tayo ng papa mo, tiwala lang."


"Hayaan mo ate, kapag bumalik na si kuya bubugbugin ko iyon. At saka ate! Stop talking to your baby k? Lalo na kapag nag-iisa ka lang. I don't like it eh."


"Pabayaan mo na ako Brit, namimiss ko na talalaga ang kuya mo."


"Hindi mo dapat 'yon namimiss."

Hindi ko nalang siya sinagot, I sigh, bakit ba kasi hindi nagpaparamdam ang lalaking 'yon?

--

Napangiti ako ng makita ko ang mukha niya sa cellphone ko.

Its been two months at miss na miss ko na ang asawa ko, pati narin siyempre ang misis ko. Nawala ako ng two months para ayusin ang ikalawa naming kasal, ang kasal kung saan nagmamahalan na kaming dalawa, ang kasal kung saan magsisimula ulit kami, payapa, masaya at nagmamahalan.

Sa unang isang buwan na nawala ako, nagnilaynilay ako, oo panget mang pakinggan pero nagnilay talaga ako. Pinuntahan ko ang lola niya ng palihim, noong mga panahong wala siya, namamasyal, pupuslit ako sa loob at magtatanong sa kanila. Tinanong ko kung anong klaseng babae si Eunice noong panahong wala pa siyang amnesia, kasi pumayag man ako o hindi, ang dating Eunice na ang makakasama ko, hindi naman kasi siya mananatiling 'si Eunice na inosente' ngayong naaalala na niya ang lahat.

Nalaman kong medyo pasaway daw si Eunice, laging nakakunot ang noo, medyo masungit pero mabait naman daw, mas lumala lang daw ang lahat ng iwan siya ni Casper. Nainis nga ako ng marinig ko 'yon. But all in all, its fine with me, kung 'di rin naman sa panggagago niya hindi siya magkakaamnesia, she will never be my innocent girl.

"Sir. Dadaan pa ba tayo sa cake shop na sinasabi niyo?" Tsk. Naalala ko tuloy, kaya pala gustong-gusto ni Eunice sa shop na 'yon, marami palang mga lalaki, mga koreano yata 'yong nandoon, nung minsang dumaan ako doon, may mga babaeng tumitili, lagi nilang bukambibig ang 'exo' anong exo? Diba candy 'yon? Tsk.

"Yup. Pakidaan nalang."

Matapos ang hidden investigation, pati narin ang paghanap sa mga dating kaibigan ng asawa ko para imbitahan sila sa kasal namin, isinaayos ko na ang mga kakailanganin sa kasal namin, lahat lahat na, bumili narin ako ng bagong wedding ring, 'yong wedding ring na binili ko with love, naks. HAHAHA.

"sir, nandito na po tayo." Tumango lang ako at lumabas na.

"Megeyndeng hapown powh." Bati saakin ng isang lalaki, sobrang puti niya.

"What is your name?" Tanong ko.

"Kris." Maikli niyang sagot saka ngumiti, mas gwapo ako sa'yo ulol!

"Ahh." Sabay tango ko.

"I want this chocolate cake."

Sabay turo.

Binalot niya naman ito.

Huminga ako ng malalim. This is it, matatapos narin ang paghihirap naming lahat.

Kinuha ko ang cellphone ko ang dialed Tawi's number.

[Hello? Sino 'to?] Kumunot ang noo ko ng babae ang sumagot nito.

"Uh... Its me Brace, pinsan ni Tawi. Nandiyan ba siya?"

[Ahm... Ahh...] Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Fvckshit? Ungol ba 'yon?

*tot tot tot*

Napailing nalang ako, binabaan lang naman ako.

"Saan po tayo sir?"

"Sa bahay nina mommy."

Doon kasi gaganapin ang welcome party at siyempre proposal ko kay Eunice. Kasabwat ko sa lahat-lahat si Brit, mom, dad, sina lola't lolo 'yong mga pinsan ko and of course 'yong relatives ni Eunice.

Maya-maya pa nag-ring ang cellphone ko.

[Shet! Sorry na loves! Pramis hindi ko 'yon sinasadya!]

[Walanghiya ka! Ginawa mo pa akong fake girlfriend kong lalandi ka lang ng iba!]

Napapikit nalang ako dahil sa sitwasyong sumalubong saakin.

Sino ba itong kaaway ni Tawi? May babae na ba siya?

[Hello?--wait! Mamay na please? May kausap pa ako!"

[Ang baboy mo! Ang baboy niyo! Stupid bitch! Alis! Umalis ka na dito kung ayaw mong kalbuhin kita!]

[Wait--loves--waagg!--ouch! Hon sto her!]

Pinutol ko na ang tawag. Mukhang nagkakagulo pa sa condo ni Tawi, ayan kasi hindi pa gumraduate ng pagiging womanizer.

---

Hi! Next chapter will be the epologue, gusto ko lang mag-thank you sa mga nagsabi saakin sa facebook na ipost ito dito sa watty, lalo na sa nagtama sa butas na meron ang story na ito. Thank you sooo much!

Sisimulan ko na po ang pag-eedit sa bawat chapter. Byeee~

You're So Innocent Baby(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon