Part[25]Twenty-five

8.8K 184 1
                                    

.

Twenty-Five

Halos tatlong linggo narin ang lumipas. Ang bilis. Mag ta-tatlong buwan na kaming magkasama ni Eunice sa iisang bubong, minsan nag-aaway kami, pero madalas minamanyak ko siya. Haha!

Wala kaming pasok, bakasyon na! Balak naming magstay ng isang linggo sa bahay at isang linggo sa grandparents niya. Tapos mag-o-outing kaming dalawa. Fully sched na talaga.

Ngayon ang ikalawang araw namin sa bahay. Nasa kwarto lang si Eunice, hindi kasi siya nakatulog kagabi, kaya bumabawi siya. Alam niyo na, anytime, anywhere. Hehe.


"Good Morning kuya!" Sumimangot agad ako ng marinig ko ang boses ni Britany. Langya, buong araw niya akong binwiset kahapon kaya inis na inis talaga ako.

"You're so mean talaga. By the way, where's ate?" Nauna na akong kumain, pahahandaan ko nalang sa kwarto si Eunice.

"Tulog."

Maikli kong sagot.

"Why are you so ikli sumagot? Anyway. Narinig mo ba 'yong mahihinang alulong kagabi? Kuya it's so creepy! Napatakbo nga ako sa kwarto niyo ni ate, kaya lang mas lalong lumakas. Thats why tumakbo ako sa kwarto nina mommy. Kuya I think theres a monster on your room. Omg!"

Tumulo agad ang pawis ko dahil sa kaba ko. Mabuti nalang talaga at inosente sa ganyang bagay si Brit, nakakabakla mang sabihin, nakakahiya 'yon.


"Tsk. Pusa lang 'yon." Napakibit balikat lang siya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Gtg kuya. I'm so busy today eh."

Umalis na siya kaya nakakain na ako ng matiwasay.

"Sir! Sir! Si mam Enis! Sir!" Nagulat ako dahil sa pagsigaw ng kasambahay namin. Tang*na!

Napatakbo agad ako dahil sa sigaw niya.

Nadatnan ko si Eunice na pinaliliguan ng sarili niyang pawis. Sh*t.

"Baby. Ba-bakit?" Pinunasan ko ang mukha niya. Mukha siyang pagod, medyo maputla rin ang mukha niya.

"Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Umiling siya bilang sagot.

"Ah, manang, paki-handa ng pagkain ni Eunice." Tumango lang 'to bago umalis.

"Baby, okay ka lang ba talaga?"

"O-oo nga."

"Ano ba kasing nangyari?"

Pina-upo ko siya sa kama at tinitigan.

"Bigla nalang akong nasuka, ang sakit pa ng ulo ko."

Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Tang*na 'di pa ako ready!

You're So Innocent Baby(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon