"Dude, uuwi na ako." Mahina kong saad."Tsk, maya na, o kung gusto mo sa bahay ka nalang unuwi." Sabay ngisi, tsk, may iba sa ngiti niya.
"No. Uuwi na ako, baka magising pa 'yong asawa ko."
"Ang kj oh!" Napailing nalang ako, mukhang hindi na naaalala ng ogag na 'to na may asawa na ako, tsk.
Iniwan ko na siya doon, bahala na siya sa buhay niya.
Pag-uwi ko ng bahay, madilim, siyempre, tulog na 'yong asawa ko eh.
Uminom muna ako ng tubig. Pumasok ako sa kwarto namin, nahimasmasan ako ng makarinig ako ng mahihinang hikbi. Shet! May multo na ba sa bahay namin? Dapat bang magpa-blessing ulit kami?!
Napailing nalang ako. Tsk, masyadong praning.
Nang tumama ang mga mata ko sa kama, naka-upo doon si Eunice, nakasubsob ang mga mukha sa braso niya.
"Baby, baby, bakit? May masakit ba? Anong nangyari? May problema ba?" Nag-aalala kong tanong. Shit naman! Dapat hindi na ako umalis!
Umangat ang mukha niya, shet talaga! Puno ng luha ang mga mata niya. Kinagat niya ang ibabang labi niya, para siguro mapigilan ang mga hikbi niya.
"Baby... Baby ko, bakit?" Lumapit ako sakanya. Nalalagkitan pa naman ako, gusto ko ng magbihis pero heto 'tong baby ko, umiiyak.
"Ikaw... Ikaw kasi eh!" I tried to hug her pero nagpupumiglas siya, ng makalayo siya saakin, tumayo siya, inangat ko ang mukha ko para makita siya, umiiyak parin.
"Ikaw!" Tinuro niya ako. Parang inis na inis siya.
"Baby bakit? May nagawa ba ako?"
Yumuko siya at muling yumugyog ang balikat niya."Bakit?! Bakit mo mukha mo! Akala mo ba hindi ko alam na umalis ka! Bakit Brace? Nagkulang ba ako? May mali ba?! Huhuhu!" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, ano ba 'yan. Napakamot tuloy ako sa noo ko.
"Baby... Inaya lang naman ako ni Tawi, siyempre matagal narin noong huli akong lumabas, kaya ayon, pinagbigyan ko na."
"Nooo! May babae ka eh! Cheater!" Gumuhit sa mga mata ko ang sakit dahil s sinabi niya. Eto na nga bang sinasabi ko, masyado narin siyang praning, normal pa ba 'to? Dahil ba talaga sa pagbubuntis niya ito?
"No, baby. Hindi ako nangbabae, ikaw lang... Ikaw lang sapat na." Umupo siya sa kama pero malayo saakin.
"Liar." Mahina niyang bulong pero narinig ko.
"Baby please, matulog na tayo, bawal sa'yo ang magpuyat please..."
Inaantok na ako, hindi na muna siguro ako magbibihis. Lumapit ako sakanya at sinkap na maabot siya pero noong nakalapit ako sakanya tinulak niya ako, shet, hindi ko 'yon inakala, ang lakas! Muntik na akong mahulog sa kama.
"What the fuck?! Eunice!" Galing konh sigaw, nabigla talaga ako, ba't ba nanunulak ang buntis na 'to?!
"Ah ngayon minumura mo na ako?! What the fuck ka rin!"
Kumunot na ang noo ko, shet she's crossing the line. Ano ba talagang problema niya?
"'Wag ka ngang magmura! Hindi kita minumura Eunice, nabigla lang ako," yumuko ako, what the fuck?! Hindi ko talaga kasalanan.
"... I'm sorry."
"Sorry your face! Ayoko! Doon ka sa labas matulog! I hate you! Dahil sa'yo nagutom kami ng baby ko!"
I smile. Baby niya? Masyado na yata siyang insensitive.
Tumayo na ako at bumuntong hininga.
Okay. Suko na ako, hindi ko na siya kukulitin.
Kinuha ko ang mga unan at kumot ko. Hindi na muna ako dito lalabas.
"W-wait-- saan ka pupunta?" Bakas sa boses niya na maiiyak na naman siya. Pero tama na muna, magpapahinga muna ako, pagod ako ngayon, sobrang stress pa.
"Sa labas. Bukas nalang tayo mag-usap. Kapag hindi ka na galit."
I heared her sob, gusto ko man siyang balikan at kausapin, pagod na talaga ako, gusto ko ng matulog. Bukas nalang namin 'to aayusin.
---
I'm sorry ito lang kinayanan ko. Please vote and comment!Paki-basa naman po ng Running Away From my Boss, sobrang fast forward po ng story na 'yon, kaya madali niyo lang matatapos, under Romance po 'yon kaya warning. HAHAHA. Bye!
BINABASA MO ANG
You're So Innocent Baby(Completed)
Fiksi RemajaWarning! Magulo ito! Bookcover by: TOPAegiii Highest rank #123 in teen-fiction