.
Twenty-three
Tang*na! Pagkagising ko ng umaga wala na si Eunice, at ito pa! Hindi niya ako hinintay. Hindi niya rin ako pinapansin sa school.
Hindi ko nga alam kung ano ang nagawa ko. Sa pagkakaalam ko nga ako dapat 'yong nagagalit ngayon, diba ako 'yong nasaktan nong nakita ko silang magkasama ng ogag na si Casper?!
Nagkabaliktad na nga yata, ako pa 'tong nakokonsensya at nag-iisip ng paraan para makausap siya.
Nakita ko si Casper na padaan malapit saakin, tinignan ko siya ng matalim saka umiwas ng tingin.
"Uh. Bro, alam ko kung nasaan si Eunice." Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya 'yon. Wag niyong sabihing magkasama sila?! Tang*na talaga!
Agad ko siyangbkinwelyuhan at tinignan ng matalim.
"Iwasan mo na si Eunice. Hindi ka pwedeng lumapit sakanya." Mahina kong sabi habang may diin.
"Pero bro. Hindi naman pwede 'yon. Kaibigan niya ako, boyfriend ka lang niya. Hindi kayo mag-asawa." Sagot niya. Napatawa ako dahil sa sinabi niya. Ginagago ba ako nito?
" 'Yong na nga eh, pa'no ba 'yan asawa ko siya."
Napatawa siya ng mahina kaya hindi ko napigilan ang sarili ko. Nasuntok ko siya.
"Tang*na mo! Anong tinatawatawa mo?!" Napipikon kong tanong.
"Anong asawa ang pinagsasasabi mo?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinagot niya. Tang*na! Nadulas ako.
"Nasaan si Eunice?" Mahinahon kong tanong.
"Per--"
"Nasaan?!"
"Library."
--
Naabutan ko siya na nagbabasa ng libro.
"Eunice." Lumingon siya saakin at mukha siyang nagulat.
"Ah. B-brace... Anong ginagawa mo dito?"
Sininamangutan ko siya dahil sa tanong niya.
"Galit ka?" Kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko."Hindi mo 'ko pinapansin." Lumambot ang expression niya dahil sa sinabi ko.
"W-wala. Wag mo 'yong intindihin."
"Anong hindi?!" Napataas ang boses ko dahil sa inis.
"Shhh! This is a library, kung mag-aaway kayo. Pwede sa labas?" Sabi ng librarian.
"Brace, mamaya na tayo mag-usap."
Inis na tinignan ko siya. Hindi ko talaga maintindihan 'tong babaeng 'to.
"Eunice ano ba?!"
Tinignan niya ako. I saw pain in her eyes.
"Eunice, tell me."
"Sino si Kathy?" Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa tanong niya. Teka--ba't kilala niya si Kathy?
BINABASA MO ANG
You're So Innocent Baby(Completed)
Teen FictionWarning! Magulo ito! Bookcover by: TOPAegiii Highest rank #123 in teen-fiction