Chapter 4

6.3K 134 3
                                    


  "Connan! Connan!"
Isang lalaki ang nag mamadali, sumimisigaw papalapit sa truck ng gulay. Mula sa likuran ng truck sumilip ang isang binatang naka clean cut ang buhok, walang suot na t shirt, pawisang pawisan. Masayang masaya lumapit ang lalaking sumisigaw.
"Connan, connan tingnan mo dali" sabay abot ng fliers na hawak hawak niya.
"Ano nanaman ito Alfred" nakasimangot na hinalbot ang fliers
"Pupunta daw sa bayan ang parokya ni edgar, tara manood muna tayo."
Tininingnan ni connan si alfred ng naka kunot ang ulo. Isimpal sa dib dib alfred ang fliers.
"Ahoo hoo hoo, aray ang sakit non ah" sabi alfred hawak hawak ang dib dib niya.
"Langya ka alfred kung tinutulungan mo ako dito para kauwi na tayo hindi yan kung ano anong kalukuhan ang pinagkakaabalahan mo" sabi ni connan na nag patuloy sa baba ng mga gulay.
"Sige na minsan lang ito" pangungulit nito"
"Hindi puwede, nag aantay si itay sa bahay, mabuti pa tawagin mo na si anna sa loob sabihin mo matatapos na ako" nag patuloy sa pag baba ng gulay si connan malungkot na pumasok sa loob si alfred. Pag labas nila kasama na niya si anna pati ang taong bumibili ng gulay niya.
Nang mag kabayaran na nag hahanda na silang umalis.

Binuhat ni conna si anna pasakay sa loob ng truck napansin nito na nakasimangot si alfred.
"Hoy connan anong nangyari sa mukha non at di maipinta" tanong ni anna habang nakatingin kay alfred.
"Hayaan mo nayan, parang di mo yan kilalakilala" sumakay na si connan at tinawag si alfred.
"Hoy alfred ano mapapaiwan ka ba"
Malungkot na sumakay si alfred. Maluha luha pa siya habang pinag mamasdan ang bayan na unti -unti lumalayo.  

Wolf blood-completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon