Chapter 29

1.3K 40 1
                                    


Pinatuloy ni gismo ang apat sa kanilang bayan at doon sinabi ni jc ang pakay niya.

"Ano!" Nabiglang sabi ni gismo sa kaibigan.
"Bakit ako? Pano kung kami naman ang sugurin dito" reklamo ni gismo sa kaibigan.

Kahit malayo si cardo naiintindihan niya ang pinag uusapan ng dalawa. Base kilos at galaw ng dalawa. Hinayaan nlng niya ang dalawa at nilingon niya ang magandang tanawin mula sa taas ng kinaroroonan nila. Isang malawak na kagubatan, malaya ang mga ibon, payapa. Huminga ng malalim si cardo at nilanghap ang sariwang hangin na doon lang matatagpuan.

"Ito ang bagay na iniingatan ni gismo" bulong ni cardo sa sarili.

Galit na lumabas si gismo sa kuwarto. Kasunod si jc. Napatingin si jc kay cardo. Nahahalata na ni cardo sa mukha ni jc na hindi pumayag si gismo para tulungan sila.

Agad sinundan ni jc si gismo. Tinatanaw ni cardo ang dalawa habang nag lalakad sa hallway na gawa sa mga bagin at mga sanga ng kahoy na tila nag aaway.

Pano kaya kung hindi siya pumayag may ibang paraan pa kaya. Mga tanong sa isip ni cardo habang nag aantay sa sagot ni gismo. Muli niyang tiningnan ang paligid.
"Sa ganitong kagandang lugar, maiipagdadamot ko ito sa mga taong posibleng mag wasak nito". Bulong niya uli sa sarili.

Mamaya lumapit na si jc sa kanila.
Nag sitayuan sina connan at deizuke. Habang si cardo nanatili sa kanyang lugar at tila ba al na niya ang sasabihin nito.

"Si cardo" mahinahong tawag ni jc kay cardo.

Hindi niya nilingon si jc, sa halip na pa buntong hininga.
"Naiintindihan ko walang problema" sabi nito tapos tumalikod handa nang umalis.

"Ok na, payag na. Simulan na natin ang training" nakangiting sabi ni jc.

Nagulat si cardo. Napadilat ng konti ang mga mata. Sabay sabing
"Buti naman".

Nag tinginan sina deizuke at connan tila walang idea sa mang yayari.

Wolf blood-completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon