Nakasandal si connan sa bakod na gawa sa kahoy ng madre kakaw. Nakaupo sa damuhan habang pinapanood ang malawak na taniman ng gulay. Kitang kita niya ito dahil liwanag ng buwan. Kakaibang kaligayahan ang nadarama habang nahigop siya ng kape.
"Sarap pag masdan ano" sabi ng itay niya na hindi niya namalayan ang pag lapit.
"Ah eh opo" nagulat ito at tumayo.
"Malamig na itay baka samain po kayo." Sabi ni connan na nag aalala sa ama.
"Ok lang ako iho" naupo ito sa damuhan kung saan si connan nakaupo.
"Salamat connan" sabi nito nanakatingin sa kalangitan.
Naupo si connan sa tabi niya.
"Salamat po saan" pag tatakang sabi ni connan.
"Salamat sa pag aalaga mo samin ni alfred kahit di mo kami kamag anak"Na patingin si connan dito at napaisip
"Itay naman, kayo na ang pamilya ko. Kung balang araw may dadating. Walang magbabago" madamdaming sinabi ni connan.
"Inaamin ko noon unang sinabi sakin yon ni inay, nalungkot ako. Pero di naman naging dahilan iyon para di ko maramdaman na di ako kapamilya."
Maluluhang sabi nito habang iniisip ang kanyang inay."Kaya itay, tayo na sa loob at tama na ito. Baka magkaiyakan pa tayo" pag yakad sa ama napumasok sa loob.
Muling bumabalik kay connan ang mga araw na kasama niya ang kanyang inay habang inaakay niya papasok ang itay niya. Hindi na niya napigilan ang pag luha niya. Hindi niya lang ito pinahalata
BINABASA MO ANG
Wolf blood-completed
WilkołakiSa gitna ng tahimik at malayong kagubat. Isang sangol ang ngayon ay isisilang. Si Eddie, ang pinuno sa grupo ng mga taong lobo. Ang ngayon nanginginig ang mga kamay at palakad lakad sa iisang dereksyon. Inaantay niya kasi ang pag silang ng kanya p...