Malubhang nasugatan si connan, natusok pa ang espada ni will sa kanya. Hawak hawak siya ni cardo.
Nilapitan siya ni tata pidel para gamutin. May agam agam sa dibdib niya na magagawa niya ito. Suminga siya ng malalim at hinawakan ang espada na tusok sa kanya.
"Tibayan mo ang loob mo" sabi ni tata pidel sabay hila ng espada.
"Aaaahh" napahiyaw sa sakit si conan. Kita ni tata pidel ang bumulwak na dugo ni connan. Kinabahan ng konti si tata pidel agad na nilapit ang mga palad niya sa sugat at nag simulang lumiwanag ito.
"Aaaarggggh" napahiyaw sa sakit si connan. Napapangiwi ang lahat ng nanood sa kanila.Parang pa hina ng pahina ang liwanag na nag mumula sa kamay ni tata pidel. Nang hihina na siya gawa ng kanyang katandaan saka gumamit pa siya ng spell kanina sa laban.
"Ahoo ahoo" napaubo siya pero tuloy parin hanggang sa.
.
.
Bumagsak ito sa pagod. Habol hininga siyang naka handusay sa lupa. Tinawag niya ang kanyang apo.
"Jc, kay na ang gumamot sa kanya hooo, hooho"
Lumapit jc at pinag patuloy ang ginagawa ng kanyang lolo. Gamit ang isang kamay itinapat niya ito sa sugat ni connan nag liwanag na kulay dilaw ang kamay nito.Binuhat deizuke si tata pidel at iniupo sa tabi.
Naisip ni tata pidel na si jc ang makakatulong sa kanilang pag lalakbay papunta sa bayan ng mga lobo. Napangiti ito at masaya sa apo, dahil magagamit na niya ang natutunan nito sa kanya. Makakasama pa niya ang anak ng kanyang ate.
Nang matapos na si jc, gumaling ang sugat ni connan na parang walang nang yari. Pero dahil sa pagod nakatulog ito.
Tinawag ni tata pidel si jc at lumapit ito.
Binulungan ni tata pidel si jc dahil pagod na ito para makapagsalita ng malakas. Nanlaki ang mga mata niya at napating kay connan.
Napansin ni cardo na umiling si jc ng ilang ulit tila ba ayaw pumayag.
.
.
Sa bandang huli nakatungo nalang ito na parang napilitang pumayag.Mamaya maya ng kaunti nag silapitan na ang mga mamayan ng bayan na iyon at hinabilin ang kanyang lolo.
Lumapit ito kay cardo. Nakatayo sa harapan nito. Habang inaalalayan ang ulo ni connan.
Malulungkot ang mata nito marahil siguro ayaw iwan ang kanyang lolo.
"Tara na po, para makauwi ako agad" malungkot na sabi ni jc. Nilingon niya si connan.
"Kahawig nga siya ni ate" mahinang sabi nito.Narinig ito ni cardo. Nabigla ito, siya pala ang batang kasa kasama ni susan ng nanliligaw si pinunong eddie. Labis ang tuwa ang nadarama niya.
BINABASA MO ANG
Wolf blood-completed
Loup-garouSa gitna ng tahimik at malayong kagubat. Isang sangol ang ngayon ay isisilang. Si Eddie, ang pinuno sa grupo ng mga taong lobo. Ang ngayon nanginginig ang mga kamay at palakad lakad sa iisang dereksyon. Inaantay niya kasi ang pag silang ng kanya p...