Chapter 25

1.4K 43 1
                                    


Nag bago ng tuluyan ang itsura ni connan. Mula sa pagiging tao naging isang mabangis na halima na may mahabang buntot. Nagulat si will at liam sa nakita, nag tataka sila kung pano nagawa ni connan maging katulad nila. Naging alerto sila sa mang yayari
sumugod si connan ng napakabilis, bago siya makalapit may inilabas siya na puwersa mula sa bibig niya derekta sa kinatatayuan ni will. Nabigla si will ang tangin nagawa nito ay salagin ng kanyang espada ang pag atake ginawa ni connan.
"Ehghhh!" Napapaatras siya lakas ng tira.

Nang matapos napaluhod si will sa pagod. Napansin nalang niya na sumugod si connan mula sa itaas. Hindi na niya ito na pigilan. Naramdaman nalng niya ang matalas ng pangil ni connan na bumaon sa leeg niya.
"Ahhhhhh" nahiyaw siya sa sakit iniangat niya ang espada sa pag kakatusok sa lupa at ibinaon sa gilid ni connan.
Hindi ininda ni conan ang espada tila ba walang nararamdamang sakit.

Nagulat ang lahat sa mabilis na pangyayari, namamangha sila sa ginawa ni connan. Nakatulala lang sila habang pinapanuon ang dalawa.
Hindi na nakatiis si liam gamit ang kanyang maso, malakas niya inhapas kay connan.
Tinamaan si connan sa kanya tagiliran at tumalsik ng napakalayo, pagulong gulong ito hanggang sa huminto.
Sobrang sakit ang naramdaman ni connan pinilit niya tumayo ngunit hindi na niya kaya dahan dahan bumalik siya sa dati nyang anyo. Agad na siya ni cardo.

"Ahoo ahoo" ubo ni will na nahihirapan nang huminga. Halos maubos na ang leeg nito sa kagat ni connan.
"Will will" sabi ni liam habang hawak hawak niya ang ulo nito.

"Kuya!" Sabi ni will habang dahan dahan ipinikit ang mga mata.

Nagiginig sa galit si liam at dahan dahang sumigaw ng malakas.

"Waaaah" nakatingin siya taas na galit na galit.
Muli itong tumayo, tumakbo papalapit kina cardo at connan. Bago siya makalapit gumawa ng spell si tata pidel.
Itinaas niya ang kanyang tungkod at ipinaikot ng pakanan tapos itinapat kay liam ng mabilis. Isang ipo ipo ang nag paangat ka liam at itinapon siya sa malayo.
Daliang inilayo niya si connan na nawalan ng malay.

Nang nakatayo na si liam binaling niya ang atensyon niya sa matanda. Nag madali itong lumapit kaladkad ang kanyang maso.
Nag alala si deizuke at humarang sa unahan ng matanda kahit alam niya na wala siyang magagawa. Ipinuwesto ang espada niya sa harapan para protektahan ang matanda na hinihingal dahil sa ginawa niyang spell .
Nang malapit na si liam iniangat niya ang maso para pisain si deizuke. Bumilis ang tibok ng puso ni deizuke ang tangin nagawa niya ay pumikit ng biglang.
.
.
.
.
Isang malakas na empak ang nang yari.

Wolf blood-completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon