Chapter 22

1.5K 43 1
                                    

. "Hoy hoy! Sigurado ka bang andiyan ang mga yan" sabi will tila nag aalinlangan pa habang nakatayo sila sa tapat ng arko, ang bayan kung saan nanduon sila cardo.
" Sigurado ako, mag iingat ka hindi basta basta ang mga nakatira dito." Babala ni liam kay will. Ibinaba niya ang dulo ng maso, kinaladkad habang papasok sa bayan.

Gaya ng pag dating nila cardo, nagulat din ang dalawa sa mga nag lilipanang pana na mabilis na papalapit sa kanila. Subalit hindi manlang nila ito ininda. Binuhat ni liam ang malaki niyang mazo at malakas na inihampas sa sahig dahilan kung bakit nag si angatan ang malalaking bato na siyang tinamaan ng mga humahangos na pana.
"Hala kayo ginagalit nyo si liam hahahaha" sabi ni will na nasisiyahan sa nanng yayari, inilabas nito ang kanyan sandata.

Bago pa tumira uli ang mga taga bantay, hindi na ito pinayagan ni liam. Tumakbo ang liam palapit sa kinaroroonan ng mga namamana hila hila ang malaking maso. Nang malapi na siya sumigaw ito.

"Waaaaargh" sabay wasiwas mula sa kanan pakaliwa ang hawak niyang maso.
Sa tindi ng pag wasiwas may parang malakas na hangin ang lumabas papunta sa lugar ng mga namamana. Nag liparan ito kasama ang mga taong namamana.
Dahan dahang tumayo si liam mula sa pagkaluhod ng isang tuhon na nakatalikod.
Pinag masdan niya ang ginawa niya at napa ngiti.
"Maiinit ang pag tanggap nila sa atin" sabi ni liam.
"Naku naman suwapang ka talaga di ka manlang nag tira" sagot ni will habang nag lalakad papalapit kay liam.

Nagulat silang lahat, si tata pidel at sila connan ay dalian nag punta sa harapan ng bayan. Namangha sila sa nagawa ng dalawang tao lamang.
"Anong kailangan niyo" sabi ni tata pidel habang ang tatlo ay nasa likuran niya.

Habang nakikipag usap si tata pidel, pinag iisipan ni cardo kung pano nila tatalunin ang dalawa. Isang matanda at dalawang hindi pa alam pano gamitin ang kakayahan nila. Tanging siya lamang ang pedeng humarap kaso aminado siya hindi niya kayang tapatan ang dalawa.

Lumakad pa una si cardo. Disidido na siya na harapin ang dalawa. May halong kaba ang nadarama.

"Umatras na po muna kayo tata pidel, hindi po kayo sasantuhin ng mga yan" sabi cardo na hinawi niya si tata pidel papunta sa likuran niya.
"Connan! Kung may pag kakataon kayo itakas mo si tata pidel" determinadong sabi ni cardo.
"Ah - eh sige po" sagot ni connan na nararamdamn ang kaba sa dibdib.

Wolf blood-completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon