Chapter 20

1.8K 45 1
                                    


Malayo layo na ang narating nilang tatlo. Nang mapagod na si connan, nahinto ito at binaba niya si deizuke. Nag tanong siya kay cardo.
"San ba tayo pupunta"
Naupo si cardo sa tabi ni deizuke para mag pahinga.
" malayo pa, pero may madadaanan tayo matutuluyan natin. Para magamot di ang mga paa nito" sabi cardo.

Pag katapos nila mag pahinga ng ilan minuto nag patuloy sila sa pag lalakad.

Samantala,

" hoy liam, ano tama pa ba ang amoy na sinusundan mo" sabi will na nasa likod ni liam. Nabubugnot at nababato na.

"Wag kang maalala, malapit lang sila" sabi ni liam habang inaamoy ang paligid. Pasan pasan ang malaking maso.
"Huh! Ilang beses mo nang sinabi yan" bulong ni will tapos tumingala pero ang mga mata ay nakatingin sa kinatatayuan ni liam.
"May sinasabi ka" sabi ni liam habang nag patuloy sa pag lakad.
"Wala " sagot ni will na sumunod nalng sa kanya.

Nakarating ang tatlo sa isang parang baranggay na kakaunti lang ang bahayan. Nakatayo ang tatlo sa ilalim ng isang arko na may pangalan ng lugar. Gawa sa pawid at dahon ng niyog ang lahat ng mga bahay doon. Tahimik, tila ba kakaunti lang ang mga nakatira doon.

"Nakarating na tayo" nakangiting sabi ni cardo.
"Ito na ba iyon, ang pamumunuan ko. Ang liit naman" birong sabi ni connan.
Pag hakbang nila, nagulat sila ng mga nag lipadang mga pana papunta sa kanila. Hindi ito mabilang ng kanilang mga mata. Napa talon sila para umilag. Mag kakahiwalay silang na sipag tago.
"Sino kayo" tanong ng isang matandang lalaki na lumabas mula sa gilid ng bahay. Maputi at mahaba ang buhok, may balbas na hanggang dibdib at may hawak na tungkod.

"Cardo, kaibingan si cardo to" dahan dahang lumabas si cardo sa pinag tataguan. Nakangiti tila ba hindi natatakot.

Naglabasan ang lahat ng namamana sa mga bubungan ng bahay. At ang matandang lumabas ay nakangiting binati si cardo, mga mata niya ay nanliit halos di na makita.
"Ikaw pala, tuloy kayo."

Pinatuloy sila sa mismong bahay ng matanda. Ibat ibang klase ng libro ang nanduroon, mga librong marahil ay sing tanda na rin niya. Sa mga pader may mga ibat ibang imaheng pang ritual.
"Anu bang sadya niyo dito cardo" tanong ng matanda.
"Kasama ko na siya" sagot ni cardo.
Nagulat ang matanda at nilingon si cardo.
"Sino sa kanila" sabi ng matanda tapos tumingin sa dalawa.
"Ang lalaking malaki ang katawan gaya ng ama niya, si connan." Sabi cardo.
Lumapit siya kay connan at tiningnan niya ito ng malapitan. Medyo matangkad si connan kaya tinitingala niya ito.
"Kamukha mo nga siya lalo na ang nanay mo" sabi nito na nakangiti.

"Ki - kilala nyo po sila" sabi ni connan na nalilito sa nang yayari.

"Kilalang kilala ko sila. Saksi ako sa pag mamahalan nila." Sabi nito tapos lumakad malapit sa mga nakahilirang libro.
"Ako ang guro ng ina mo" dag dag nito. Saka tinawag si deizuke.
"Ikaw iho maupo kana dito"
Nag taka si deizuke at napalingon kay cardo.

"P - po!" Sabi deizuke.

"Halika dito gagamutin ko yang pilay mo" sabi nito nanakatayo sa harap ng upuan.
Paika ikang lumapit si deizuke tapos naupo ito sa harap ng matanda. Itinaas niya ang paa na may pilay. Itinapat ng matanda ang kanang palad niya sa paa ni deizuke. Nagliwanag na parang ilaw ang kamay nito habang nakapikit siya.

Kakaibang init ang nararamdaman ni deizuke, masakit na halos mapapikit siya.
"Ah ah" ungol ni deizuke.
"Tiisin mu lang iho, saglit lang to" sabi ng matanda .

Dahan dahan nawawala ang liwanag sa kanyang kamay kasabay ng pag dilat ng kanyang mga mata. Tapos na ubo.
"Hahoo ahoo tumatanda na talaga ako." Sabi ng matanda tapos nag lakad palapit kay cardo.
"Cardo iho, mag kuwentuhan nga muna tayo dito halika" sabi ng matanda tapos lumabas ng silid.
"Ah eh opo, tata pidel" sagot ni cardo tapos sumunod sa matanda.
Nagulat si deizuke dahil mabilia na gumaling ang mga paa niya gayon din si connan. Manghang mangha silang dalawa.

Wolf blood-completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon