Nag lalakad pa uwi sina connan at alfred. Galing sa pag haharvest ng gulay. Pasan pasan ni connan ang isan kaeng na gulay.
"Hoy kuya connan, dadaanan mo pa ba si ate anna mamaya" tanong ni alfred na parang may balak puntahan.
"Bakit may pupuntahan ka nanaman, hindi puwede" supladong sabi ni connan.
"May dadaanan lang sana ako bago tayo umalis mamaya"
"Tapos pag aantayin mu kami ng matagal gaya ng dati" sagot ni connan.
"Hindi naman" nakasimangot na sagot ni alfred.
"Teka!" Tumigil si connan ng matanaw niya ang kanya itay na parang may kaaway labas ng bahay nila.
"Bakit " tanong ni alfred nag tataka kung bakit tumigil si connan.
"Kilala mo ba ang kausap ni itay" tanong ni connan na nag aalala sa kanyang itay.
Tiningnan ni alfred nilagay niya ang kamay niya sa may itaas ng kanyang mata para makita ng maayos.
"Hindi kuya."
Mamaya ng kaunti nakita nilang hinampas ng rifle ang kanilang itay dahilan kaya bumagsak ito sa lupa.
Nag aapos sa galit si connan hinagis ang dala dala niyang gulang at mabilis na tumakbo palapit sa kinaroonan nila. Sa bawat hakbang ng mga paa niya siyang pag papalit ng itsura niya dahil sa galit. Humahaba ang mga balahibo sa kanyang kamay. Pag kalapit niya sa lalaking nanakit sa itay niya hindi na siya makilala ng kanyang ama. Parang isang halimaw. Ang lahat ay na natakot.
Hawak hawak ng mabalahibo niyang kamay ang leeg nito galit na galit. Nag sitakbuhan ang dalawa pang kasama ng lalaki.
Unting unting natauhan si conna ng mapansin niyang dahan dahang nawawala ng hininga ang lalaki. Binitiwan niya ito at tininingnan ang sarili. Nagibal siya sa kanyang sarili. Nilingon niya ang kanyang itay. Nakita niya ang takot sa mga mata nito. Kaya nagtatakbo siya palayo.Kasabay ng pag patak ng luha niya ang pag balik ng kanyang pagkatao. Napaluhod ito sa layo ng tinakbo. Nakatuon ang dalawa niyang kamay at sumigaw ng napaka lakas. Na parang umaalolong na aso.
Sa di kalayuan, may nakamasid sa kanya. Nakakubli sa likod ng puno pinapanood kung pano nalaman ni connan kung ano siya.
"Napapanahon na. Kailangan ka na namin" ang mga katagagang pinigkas nito.
BINABASA MO ANG
Wolf blood-completed
WerwolfSa gitna ng tahimik at malayong kagubat. Isang sangol ang ngayon ay isisilang. Si Eddie, ang pinuno sa grupo ng mga taong lobo. Ang ngayon nanginginig ang mga kamay at palakad lakad sa iisang dereksyon. Inaantay niya kasi ang pag silang ng kanya p...