Chapter 32

1.3K 34 1
                                    


  Mag tapatan nakatayo sina deizuke at cardo. Nag hahanda na sila sa pag sasanay.

Bago sana sila mag simula gusto niyang malaman kung bakit nanduon siya sa araw ng namatay ang kanyang ama. Bumabalik ang galit sa puso niya tuwing naalala niya, nag lakas loob na siyang mag tanong dito.
"Bago tayo mag simula, gusto sana malaman ang konting bagay"

Natigilan si cardo, parang alam na niya ang itatanong nito.

"Ano naman ang bagay na iyon"

Lumakad ng pakanan si deizuke at sinabing.
"Anong ginagawa mo doon sa gubat, sa araw naman namatay si mr tabayoshi."

Nalungkot si cardo, at tumungo ng marinig niya ang pangalan ni tabayoshi.
"Kasalanan ko, gulong gulo ako noon. Patawad"

Nainis si deizuke sa sagot ni cardo. Galit na galit na sinabi niyang.
"Ganon lang yon patawad, matapos mong patayin ang ama ko."
Hinawakan ni deizuke ng kanang kamay niya ang esapada nasa kaliwa beywang niya.

Humarap si cardo ka deizuke at sinabing
"Hindi ko siya pinatay, hindi ko kayang pumatay ng matinong tao. Lalo na." Natigilan ito at humugot ng lakas ng loob.

"Lalo na, asawa ng kapatid ko"

Nanlaki ang mata ni deizuke sa narinig. Kabiguan ang nadarama, napaatras ito at napaupo sa lambot.

"Nanduon ako para hungi ng tulong, 21 palang ako noon, hindi pa sapat ang kakayahan ko." Malulungkot na mata ang makikita kay cardo.
"Kasalanan ko, dinala ko sila sa inyo." Maluhaluhang sabi nito.

"Dumating sila, sinabi sakin ng iyong ama na itakas kita. Subalit pagod na ako sa katatakbo noon kaya pag lapit ko sa iyo nahulog tayo sa bangin" napaluhod si cardo at Napaluha.
"Nang magising ako binalikan ko siya, subalit. Puro kagat na siya sa ibat ibang parte ng kanyang katawan." Tumayo si cardo at pinunasan ang kanyang luha.
"Simigaw ako ng malakas tapos nag tatakbo ako hanggang makaratin ako kila tata pidel." Pinusan siya ang sipon sa kanyang ilong.
"Kinuwento ko ang nangyari agad silang nag punta doon ngunit wala na kayo." Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili.
"Hinanap kita, noong natagpuan kita nasa mabuti kanang kalagayan. Nahihiya na akong mag pakita sayo. Pero nasa paligid lang ako, binabantayan kita. Baka puntahan ka nila".
Tumayo si deizuke, dahang dahang lumapit kay cardo. Nadarama niya ang mga pag sisi nito ng makalapit na siya, niyakap niya ito.  

Wolf blood-completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon