Chapter 2

7.5K 185 3
                                    

  Akay-akay ng isang magiting na taong lobo ang asawa ni eddie habang buhat buhat niya ang sanggol. Pagod na pagod at takot na takot.
"Bilisan nyo po baka maabutan nila tayo"

Hindi nila ang mabilisang pag layo dahil nang hihinang katawan ni susan. Makailang ulit na silang nag papahinga.
"Iwan nyo na ako, itakas nyo na ang anak namin ni eddie" sabi ni susan na pagod na pagod at latang lata.
"Hindi po maari, kailangan maitakas ko kayo ng anak nyo".

Natigilan sila ng maramdaman nila na malapit na ang mga humahabol sa kanila. Kinabahan si susan at natakot. Kinuha ang anak niya at hinalikan. Muling ibinalik sa lalaki.
"Itakas mo na siya pakiusap" nag mamakaawang sabi ni susan. Itinitulak pa layo. Wala nang nagawa ang lalaki. Mula sa anyong tao nag palit ito bilang lobo at binit bit ang bata sa pagkagat nito sa nakabalot na damit sa sanggol. Lumingon muna ito kay susan. Nakita niya sa mukha nito ang labis na pag aalala sa bata kaya tumakbo na palayo iniwan si susan.

Pag dating ng mga kaaway, tumayo si susan sa harap ng mga ito ibinuka ang mga kamay tila ayaw niyang padaanin. Isa isang nag si taluan sa nanlalata at pagod na pagod na katawan ni susan. Kanya kanyang kagat sa mga bahagi nito. Napahiyaw sa sobrang sakit si susan na dumagondong sa kagubatan.
"Muhhhohhh" malungkot na ungol ng lalaking maliligtas sa anak nila nang marinig ang sigaw ni susan.  

check out the new lazada Promo click here >>> http://bit.ly/LazadaOnlinePh for a free voucherShopee: https://invol.co/cl43rsy

Wolf blood-completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon