Chapter 24

1.5K 44 1
                                    


Nakangiting papalapit si will kay cardo. Inilabas niya ang kanyang matalas na espada na nakakurba papasok ang dulo.
"Ngayon tingnan natin kung hanggang saan mo siya kayang protectahan" nag bago ang ekpresyon ng mukha ni will, nakasalubong ang mga killay at nalilisik ang mga mata. Sa pamamagitang ng isang sipa sa lupa ng kanang paa niya, mabilis itong nakalapit kay cardo at iniwasiwas ang kanyang espada.

sa sobrang bilis, halos hindi ito makita ni cardo. Pero nailagan parin niya ito. Sa pag pihit niya ng pakanan, naiwasan niya ang espada ni will at pasadsad na lumayo.

"Alam mo bang, ang mga tao katulad nila ay di dapat mabuhay sa mundo" sabi ni will na seryosong seryoso na. Muli siyang umatake, gamit ang bilis niya kaagad na nakalapit ito. Sa harap ni cardo at tinataga si ng maraming beses.
Bawat taga sina salag ito ni cardo ng kamao ni cardo na lumiliwanag.
Pimihit si cardo pakaliwa at isang sipa ang ginawa niya. Nakailag si will at tumambling palayo.

"Alam ko kung anong galit mo sa mga tao. Pero hindi naman lahat sila ganon" sabi ni cardo nanakatyo malapit sa mga kasama.

"Hindi mo alam, wala kang alam" galit na galit na susugod uli si will.

Isang malakas na wasiwas ang ginawa niya, na nag bunga ng malakas na puwersa palapit kay cardo sinalag niya ito ng dalawa niyang braso. Nagulat siya ng mawala ang mga alikabok biglang sumulpot si will na tinaga siya pataas.
Iniiwas niya ang kanyang ulo papunta sa likod at tumambling palayo.
Hinabol siya ni will, sa sobrang bilis maabutan na siya mula sa itaas.

Mabilis na nag ipon ng lakas si cardo sa kanyang kamao at sinabayan niya ng suntok si will.

*booooom*

Isang malakas na pag sabog ang naganap.

Tumilapon pa layo si will at sumadsad din palayo si cardo.

"Naranasan mo na bang nakakulong sa isang hawla habang pinag eesperementuhan ang iyong ama" nakahigang sabi ni will.

"Yung nag mamakaawa ang iyong ina habang hinihiwa ang tiyan niya" sabi ni will na dahan dahang tumatayo.

"Tao ang gumawa noon, katulad ng mga pinag tatanggol mo" sabi niya na pasugod uli kay cardo.
Nagulat si cardo at mabilis na tumayo.
Gigil na ibinaba niya ang mga kamao niya at mabilis na nag bago ang itsura niya. Dumami ang balahibo niya sa mukha at mga kamay, nag silabasan din ang kanyang matalim na pangil.

Nang makalapit si will, pinaulanan niya ito ng suntok.
Kada suntok, parang yumayanig ang paligid.

Sinalag ito ni will ng kanyang espada. Napapaatras siya kada matatanggap ang mga suntok ni cardo. Ang pang suntok sa ipinatama niya sa lupa dahilan kaya napatalsik si will.

"Tama na yan will ako ang tatapos" pang awat ni liam. Nanakikitang matatalo na ang kapatid.

"Wag na kuya! Kaya ko ito" dahan dahan tumayo ito tila nahihirapa na.

"Waaaahgh" sumigaw siya ng malakas at nag bago rin ang itsura niya.
"Hayaan mung pabulwakin ko ang dugo niya gaya ng tatay ng batang yan" sabi niya na mala halimaw na boses.
Nagulat ang lahat. Dahan dahan nag palit ng anyo si cardo at nilingon si connan.
Nanlaki ang mata niya ng makita niya si connan na galit na galit at unting unting nag babago ang itsura.

"Lagot na, deizuke kunin mo si tata pildel" balisang sabi ni cardo.

Di halos makagalaw si deizuke. Bumabalik sa alaala niya ng araw na nag wala siya.

"Deizuke, bilis" tarantang sabi ni cardo.

"Ah - eh, oo" mabilis na kinuha ni deizuke si tata pidel at mabilis na nag tago.

"Wooorgghh waaaarghhh" sigaw ni connan na nahihirapan sa pag babagong anyo.

Wolf blood-completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon