Five

59 3 0
                                    

Ilang weeks na ang nakakalipas simula no'ng araw na 'yon. Sabi niya, tatawagan or i-tetext nalang daw niya ako kapag kailangan niya ako. Mag Mi-May na, wala parin?!

Sana magparamdam na siya. Ang boring dito sa bahay eh, kaya minsan ayoko rin ng summer bukod sa wala nang allowance wala ka pang magawa.
Hay nako naman.

Tapos na akong mag-inquire sa mga universities. Actually may napili na ako kaso maaga pa masyado para magpa-enroll. Sa July pa naman ang pasukan eh.

Habang nakahiga ako, napapakinggan ko 'yong radyo na pinapakinggan ni nanay sa am. Pinasak ko 'yong earphones ko dahil masyadong ma-drama ang mga linya kaya nakokornyhan ako.
Tuwing tanghaling tapat, ito lang ang ginagawa namin. Nakahiga ako sa kama habang siya ay nakikinig sa sala ng radyo habang nagpapaypay kahit tutok naman sa kaniya ang electric fan.

Papikit na ako sa pinapakinggan ko nang biglang may tumawag.

Bbq Calling...

Woah! sa haba haba ng panahon, tumawag din siya!

Me: Hello?

Jalene: Dylan. Magbabakasyon kami sa Tagaytay. Sama ka?

*O*

Me: Sige ba, basta libre mo!

Jalene: Libre naman talaga, sa rest house nila Alex tayo magbabakasyon eh. Back to the topic, kailangan kita doon dahil kasama si Elle.

Me: Kaso, hindi ba nakakahiya?

Jalene: No, mga kaibigan lang naman ni Alex ang kasama and kaibigan mo rin naman siya right? tsaka kailan ka pa nagkaroon ng hiya?

Me: HINDI PORKE'T POGI AKO IBIG SABIHIN NO'N WALA NA AKONG HI--

Jalene: Okay fine. Tomorrow, 4 a.m ang alis. I-tetext ko sa'yo ang address ng meeting place. 1 month tayo doon.

*toot*

at binaba niya na 'yong call. May na-receive naman ako kaagad na text mula sa kaniya. Pagka-receive ko noon, pumunta agad ako kay nanay at nagpaalam.
Nag-impake narin ako kaagad para masaya.

-

3:30 a.m nang nakarating ako doon sa address ng bahay na tinext ni Jalene.
Subdivision ito, muntik na nga akong di papasukin n'ong guard.
Bawal daw kasi pumasok ng basta basta ang mga pogi, inggit lang naman siya psh.

Ito din pala 'yong bahay nila Alex, dito pala sila lumipat noon. Ang ganda ah, di naman siya katulad ng mga mansion na makikita mo sa mga palabas o kaya 'yong mala-mansion nila Gu Jun Pyo. Basta malaki tsaka maganda siya.

"Dy! mabuti at napapunta ka?" bungad sa'kin ni Alex.

"Sinama ako ni Jalene eh, ang kulit nga niya eh na-mimis--" siniko ako ni Jalene sa baywang kaya napatigil ako, ANG SAKIT NO'N AH!
Napatingin ako sa kaniya ng masama at binigyan niya din naman ako ng 'wag-kang-gagawa-ng-kalokohan' look.

"Ah oo. Tinanong nga rin sa'kin ni Jalene kung pwede siya magsama ng isa pa'ng kaibigan. Good to know na close na kayo."

"Hahaha ano ba love. Sobra nga kaming close niyan eh. Siyempre kung sino ang kaibigan mo, kaibigan ko na rin." emphasizing the word sobra.

"Gano'n ba, love?" sabi ni Alex sabay akbay kay Jalene,

"Love?" tanong ko, ang corny ah.

"Ah--uh. Oo! 'Love' tawagan naming dalawang magkaibigan." sabi ni Alex habang nakangiti ng pilit at napansin ko ring hininaan niya lang ang word na 'magkaibigan .

Tinignan ako ng masama ni Jalene na nagsasabing kunwari wala siyang sinabi sa'kin.

Naalala ko, nasa tapat lang kami ng bahay nila at nakikita ng mga tao sa bahay ang ginagawa namin dito.

Ang alam ni Alex ay mag-bestfriend lang ang tingin ko sa kanila ni Jalene at wala nang hihigit pa

But the only thing I think right now is dapat mapapunta si Alex kay Jalene at hindi kay Elle. Kasi 'yon 'yong napag-usapan namin eh, kahit magmukha akong masama ayos lang.

"Dylan, ipapakilala pala kita sa kanila. Guys!" sabi niya sabay lapit namin sa mga iba pang kasama.

"This guy over here is Dylan, my partner-in-crime since grade 1." ngumiti ako sa kanila.
'Yong iba ngumiti rin, pero 'yong iba snob lang.

"Dylan, sila Rhenz, Marvin, Lauren, Klarisse at" he paused.

"And she's Elle." his smile widened.

"Hi." sabi n'ong Klarisse, nilapitan niya ako at pinulupot niya ang sarili niya sa braso ko.

"Ahh-uhh Hi." sabi ko nalang.

Pagkasakay namin sa van nila Alex, di parin tinatanggal no'ng higad este ni Klarisse 'yong pagkapulupot niya sa akin.
So ganito ang sitting arrangement, si Rhenz ang driver katabi niya si Lauren, tapos sa likod naman nila ay sila Jalene, Alex, Elle at Marvin. Bale nasa gitna sila Alex at Elle, matinik din ang isang 'to aba.

At kami naman ni Klarisse dito ay nag-solo sa likod habang nakapulupot parin ang sarili niya sa braso ko.

"Dylan?" she said in  a teasing tone.

"Err.. why?" I said.

"May girlfriend ka na?" I swear, tumataas ang balahibo ko.

"Ah wala pa." sagot ko. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko at nakaharap sa leeg ko.
Nararamdaman ko ang hininga niya.
I admit may kagandahan siya, maputi pero halatang liberated. Not my type mah men!

"Bakit? gwapo ka kaya. Ang ganda ng smile mo and 'yong pilik-mata mo mahaba tapos maganda pa mata mo. Marami ka nang babaeng naiuwi ano?"
O-kay? ang awkward kasi mukha kaming naglalandian sa likod kasi parang nagbubulungan lang kami dito. Isa pa, madilim pa kasi quarter to 4 palang.

"W-wala pa." sabi ko. Tumingin ako kay Jalene and nakita kong nakatingin din siya sa'kin, I mouthed the word 'help' but she just laughed. The heck naman Jalene.

"Gusto mo ba'ng ako ang maging first mo?" she said while tracing her fingers on my chest, pababa nang pababa ito hanggang sa...

"O-okay. No. Stop." sabi ko bago pa niya magawa ang iniisip ko'ng gagawin niya. Lumayo ako sa kaniya and nakita ko naman siyang sumimangot.
Ang hirap naman maging pogi! phew!

"Huh? why?" sabi niya.

"Uh..inaantok kasi ako. Matutulog muna ako." I said while faking a smile.

siniksik ko ang sarili ko sa may bintana kaso dikit parin siya nang dikit eh!

"Let's continue it later huh?" bulong niya. Napa-facepalmed nalang ako bigla.

-

Nagising ako sa sinag ng araw sa mukha ko. Nasa biyahe pa pala kami. Si Klarisse naman nakahiga na sa dibdib ko, mukha kaming PDA dito hayst.

Napatingin ako kay Jalene, dahil magkabilaan naman ang pwesto ng upuan namin.
I stare at her as she's sleeping peacefully, napaka-inosente ng itsura niya 'pag tulog sana palagi nalang ganyan.

I looked at two couples na katabi niya, nakasandal si Elle kay Alex while Alex's leaning on Elle.
Kung ako 'yong nasa kalagayan ni Jalene, ang sakit no'n. 'Yong taong mahal kong may mahal na iba ay katabi ko at nakasandal siya sa taong mahal niya.

I want to save her from this situation.

but how can I save her if she's  into somebody else?

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon