XIV

35 3 0
                                    

Ako: Nakuha niyo na siya?

Leo: Oo, nasa tricycle na siya. Medyo nahirapan kami kasi pumapalag  siya.

Ako: Siguraduhin niyong di niyo siya sinaktan ah.

Leo: Kami nga ang sinasaktan eh!

Ako: Basta dapat pulido lang pag-kidnap niyo sa kaniya ah. Dapat 'di kayo makilala. Tsaka ihanda niyo na ang sarili niyo mamaya.

Leo: Sige, para sa ikaliligaya niyo ni Dylan.

*tooot*

Pagkababa ko ng tawag ay pinuntahan ko na si Elle.

"Ano Elle pogi ba ako?" sabi ko at nag-wacky.

"Alam mo, kung bisexual ka lang magkagusto ako sa'yo." sabi niya at tumawa.

"Chaka! 'di tayo talo ano!" sabi ko.

Tumawa lang siya.

"Baka naman hindi ka niya makilala mamaya? Ang gwapo mo kaya ngayon, baka ma-freak out 'yon mamaya?" sabi niya habang inaayos ang necktie ko.

"Hindi 'yan. 'Di ko siya hahayaang matakot sa'kin, di ko siya hahayaang tumakas ulit sa'kin. This time, mapapasaakin na siya." I said as I form a smile on my lips.

"Ang swerte ni Dylan, girl. Ikaw pa lang ang kilala kong babaeng manliligaw sa isang guy at gagawa ng effort na ganiyan." sabi niya.

"Syempre. Mahal ko eh." Naalala ko noong sinabi ko 'yon sa kaniya noon.

Si Alex pa ang tinutukoy ko noon sa mga katagang 'yon pero di ko alam na 'yong taong kaharap ko noong sinabi ko 'yong mga salitang 'yon ay siya din pala ang taong tinutukoy ng mga salitang 'yon, ngayon.

"Go girl! support kita diyan. Sige na, tutulong pa ako sa set up para mamaya." sabi niya at umalis na.

Huminga ako ng malalim dahil 30 minutes nalang at makakarating na sila.

Iniisip ko pa lang ang gagawin ko, kinakabahan na ako ng todo.

Alam ko na ngayon na hindi pala ganoon kadali manligaw at lalo na ang mag-propose.

Para sa mga nanligaw, nag-propose na at lalo na sa mga nagbigay ng todo-todo'ng effort para sa mga mahal  nila, I know your struggle and I salute all of you.

Maya-maya ay narinig ko nang namatay na ang ilaw sa labas.

Senyales na 'yon na nandito na siya...

Bumuntong hininga ulit ako,

"Kaya ko 'to." at naglakad na palabas.

---

Nandito kami ngayon sa isang byway. Noong unang punta namin dito ay medyo creepy dahil walang dumadaan na sasakyan dito, mga minero at woodcutter lang ang dumadaan dito.

'Di ko alam kung bakit alam ni Elle 'to pero sa kaniya ko nalaman 'to'ng lugar na 'to.

Medyo magubat dito at ang daan na 'to ay papunta na sa bundok malapit sa siyudad namin.

Lumabas na ako sa tent kung saan nandoon lahat ng gamit namin para sa set up.

Madilim sa labas at ang makikita mo lang ay ang buwan at mga bituin sa itaas at ang mga ilaw ng siyudad sa baba. Medyo nasa taas kasi itong lugar na nahanap namin, malapit kasi sa bundok.

At ang tanging naririnig ko lang ay ang sigaw ni Dylan na

"Pakawalan niyo ako! ano ba! 'di kami mayaman! wala kaming ipang-raransom sainyo! Just. let. me. go!!!!" sabi niya.

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon