10

45 3 0
                                    

Written in these walls are the stories that I can't explain,
I leave my heart open but it stays right here empty for days.

"Bago umuwi, may lumapit na babae sa lamesa namin, di ko siya mamukhaan, di ko na siguro maalala kung sino siya.
"Jalene." Tumayo si Alex na kaklase ko noong elementary pa kami at pinakilala nya si Jalene, bestfriend nya daw."

The first day I met her is still clear for me. Everything's clear at wala pa akong idea noong mga panahon na 'yon na mangyayari ito.

She told me in the morning she don't feel
the same about us in her bones.

"Napatingin sya sa akin kaya nginitian ko naman"

Sana kung may idea man ako, pipilitin ko'ng hindi mangyari ito. Edi sana nasa bahay ako ngayon, walang gastos at di pa nasayang ang pagod, pawis at luha ko.

It seems to me that when I die these words will be written on my stone..

""Huwag mo na kasing habulin kung alam mo namang ayaw no'ng tao sa'yo.""

I can still remember those words that she told me. Tama nga naman, huwag nang habulin kung alam namang ayaw sa'yo no'ng tao.

Pero siya mismong nagsabi ay di niya magawa. Ay oo nga pala, di nga naman pala kasi tao 'yong hinahabol niya. Halimaw kasi.

And I'll be gone, gone tonight
The ground beneath my feet is open wide
The way that I been holding on too tight with nothing in between

""Sorry na kasi bbq. Ang mahal kasi no'ng necklace na pinapabili mo eh. Ganito nalang ba tayo palagi bbq?! ha? mamahalin mo lang ako kapag may kailangan ka?" sinabi ko 'yon ng malakas para marinig ng mga pasahero"

'Bbq'? ang corny pero somehow I find it cute. Syempre ako ang nag-isip eh. Self-support lang.

The story of my life
I take her home
I drive all night
To keep her warm and time
Is frozen

""Gusto mo ba?"

"Ang mawala ang sakit? oo. Gusto ko'ng mawala si Elle. Gusto ko akin na lang si Alex. Akin nalang siya."

Medyo nainis ako sa sinabi niya. Pero...

"I'm willing to help you. If you want to." I said.

"How?" sabi niya.

"Be my friend and you can always count on me." ngumiti ako."

Am I good enough? I feel like I'm such a hero for fulfilling somebody else's wish by letting myself to get attached with someone who'll never care about me and now here I am broken and wounded.

The story of my life
I give her hope
I spend her love
Until she's broken inside

"Inabot niya ang kamay niya sakin habang nakangiti at sinabing.

"Friends""

I help her with what she wants and now she's happy with him. Sa una palang naman alam ko nang talo na ako eh, ako lang talaga 'tong uto-uto sa kaniya eh, ako lang naman 'tong walang utak na nahulog sa kaniya eh.

The story of my life.

Nakakatawang isipin, sinasabihan ko siyang t*ng@ pero ako mismo ay gano'n din.

Maybe that's what love really is, it will make you not only to fall but also to be fool in love.

""WAAAAAAAAAAAAAAAH!!" narinig naming sigaw sa kabilang tent.

Humagalpak kami sa tawa ni Jalene nang marinig naming sumigaw sila at pagkatapos no'n ay lumabas kami nang patay-malisya."

Written on these walls are the colors that I can't change
Leave my heart open but stays right here in its cage

Napangiti nalang ako nang maalala ko 'yong nanghuli kami ng daga at tinapon doon sa loob ng tent nila Alex. Di ko makakalimutan 'yong mukha ng kumag na takot na takot at ang unang beses kong narinig na humagalpak ng tawa si Jalene.

I know that in the morning now
I see us in the light upon a hill

""But you know, I could be your star Jalene. For when the dark comes, I can be your star to twinkle in your eyes for your night to shine for awhile. Kasi I know, that the day will come and I'll be gone. But atleast I came to your life even just for awhile to make you smile. Ang cheesy ko 'di ba? ganiyan talaga 'pag pogi." I laughed again, feeling ko nga ako lang ang tumatawa sa sarili kong joke eh.

"And I know that Alex is your day. He is the clouds and the sun, pero sana 'wag naman niya palaging paulanin. Nakakabalahura na eh." I said still looking at the stars."

Di ko namalayan, nag-umaga na pala. Sumilip ako sa bintana ng bus at sumisilip na rin 'yong araw. I told her that I'm only her stars to twinkle through her darkest times but I didn't realize that the day will come and will forget about the time I was there by her side.

Alex is now by her side.

Napapikit ako. First love, first heartbreak? ano ba 'tong naranasan ko.
Dapat crush lang 'to eh, pero hindi eh. Ang lakas ng impact ni Jalene sa'kin.

Although I am broken
my heart is untamed, still..

Habang nag-sesenti ako ay nilipat ni manong driver 'yong radyo sa balita. Napangiwi nalang ako. Ang ganda na ng moment ko eh!

Pero..
Bakit nga pala ako magpapa-apekto sa kaniya?
Sino ba siya? Just another ordinary girl?
Ah oo nga pala, just an ordinary girl na naghahabol din ng lalaki.

Naalala ko rin pala...

Loyal nga pala ang mga babae sa taong mahal nila at handa daw silang ibigay ang lahat para lang sa kanila.

Kahit di siya pinapansin,
kahit may gustong iba at kahit wala namang interes sa kanila ay mamahalin parin nila.

At kapag hinabol-habol naman ng lalaking may gusto sa kanila, tatlong bagay lang ang gagawin niyan.

Ang papaasahin 'yong lalaki

o kaya

Ba-bustedin ang lalaki nang gano'n gano'n na lang.

pwede din naman na

Sasagutin pero sasaktan din sa huli, kaya babalik tayo sa unang choice na papaasahin 'yong lalaki.

Unless kung gusto rin ng babae 'yong lalaki at kung sino pa 'yong nagugustuhan nilang lalaki, sila pa 'yong manloloko. Psh.

Tapos kapag sinaktan naman 'yong babae, sino nanaman ang may kasalanan?

edi kaming mga lalaki.

Napailing nalang ako.

Nakita ko na 'yong lugar na bababaan ko.

Mga ilang oras pa'ng nakalipas ay nakauwi na ako.

Dahil may susi naman ako ng bahay nakapasok kaagad ako.

Nalaman kong tulog pa si nanay kaya pumasok muna ako sa kwarto ko para gamutin ang sugat ko at matulog dahil bukod sa wala pa akong tulog ay mugto pa ang mga mata ko.

The sun has come out and the moon doesn't need its stars anymore.

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon