XVIII

54 3 1
                                    

A/N:

Please Play 'Summer Love by One Direction' while reading this chapter.

----

Nagising ako sa araw na tumama sa mukha ko, kinapa ko 'yong katabi ko at na-realize ko'ng wala na si Dylan.

May naamoy ako'ng mabango mula sa kusina.

Paglabas ko, nakita ko si nanay na nanonood ng t.v.

"Goodmorning po." bati ko.

"Oh, Jalene! Napasugod ka raw dito kagabi dahil nag-alala ka raw kay Dylan? Aysus, jusmiyo kayong mga bata kayo oo. Walang mangyayari diyan kay Dylan. Dylan! Paghain mo na si Jalene, masama magutom at aalis pa kayo!" sabi ni nanay.

Natawa nalang ako sa mga nasabi ni nanay.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko'ng may nakahain na sa mesa.

"Goodmorning bbq." sabi niya.

"Goodmorning din. Ikaw nagluto?"

"Oo naman. Kaya kumain ka na at tikman mo 'to." sabi niya at pinahigop niya sa'kin 'yong sopas na niluto niya.

Nang sinubo ko 'yong pagkain, hindi ko maitangging masarap 'yong sopas na niluto niya.

"Masarap 'di ba? Puwede na akong mag asawa." sabi niya at tumawa.

"Soon." I answered as I giggle.

Tinawag na namin si nanay at kumain, maya-maya'y tinawagan ko na rin 'yong driver namin para iuwi ako.

Nang nakapag-ayos na ako, bumalik ako sa bahay nila at umalis na kami.

Mga ilang oras din ang lumipas ang pag-eenroll namin dahil marami kaming inasikaso at marami din ang nag-eenroll.

Inabot na rin kami doon ng tanghali kaya napagpasyahan muna naming kumain sa malapit na fast-food chain.

Pagkatapos namin mag-tanghalian ay bumalik ulit kami sa pag-eenroll.

Mga hapon na rin kami natapos no'n, mas nauna pa nga siyang natapos kaysa sa akin eh. Tinulungan nalang niya ako para makatapos na rin.

Niyaya ko siyang mag-mall at hindi naman siya tumanggi.

"NBS tayo?" sabi ko.

Napangiti siya.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Wala lang. Naalala ko lang bigla no'ng nasa NBS tayo noon tapos ang sungit mo pa noon."

"At inis na inis pa ako sa'yo noon." sagot ko at natawa sa fact na hindi pa kami magkasundo noon pero ngayon, magkahawak pa ng kamay.

Napatigil kami sa tapat ng Mcdo.

"Kung hindi dahil kay Mcdo, hindi tayo magkikita." sabi ko.

"Kakain tayo diyan mamaya ah." sabi ni Dylan.

"Sige ba." at naglakad na kami.

"Napapansin mo ba?" out of the blue niyang sinabi.

"Ano?"

"Na parang umiikot lang ang mga pangyayari. Parang bumabalik."

"Ano'ng ibig mo'ng sabihin?"

"Tignan mo, noong nakauwi tayo mula sa Tagaytay parang umuulit lang ang lahat. Naaalala mo 'yong ahm...nag-propose ka sa'kin? 'di ba naulit 'yong nasa tent tayo noon?"

pinutol ko 'yong sinabi niya

"Sinasadya ko 'yon."

"Oo, alam ko. Pero simula noon, parang bumabalik ang lahat. Naulit 'yong nanghuli tayo ng insekto, pati ang manuod ng sunset, tapos ngayon pupunta tayong NBS."

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon