9

43 3 2
                                    

Pagdating namin doon nagkahiwa-hiwalay kami dahil pumunta 'yong iba sa mga gusto nilang rides.

Pumunta kami sa mga shooting stand at halata sa mukha ni Jalene na manghang-mangha siya sa mga nakakakuha ng jackpot prize.

"Jalene--" naputol ang sasabihin ko sana.

"Love, gusto mo 'yong malaking teddy bear?" sabi ni Alex.

"Uhh- mahirap makuha 'yong jackpot prize eh. Di pa naman ako sharp-shooter." sabi niya.

"Ako bahala sa'yo." then he winks.

Pumunta siya sa isa sa mga stand at naglaro. Tumingin lang si Elle kay Alex, halata sa mukha niya ang pagseselos.

"Elle, nakikita mo 'yong teddy bear na 'yon? ibibigay ko 'yon sa'yo." sabi ko kay Elle.

"Wag na Dylan, nakakahiya naman." sabi niya.

"Tss. Nahiya ka pa, eh isa lang din naman akong malaking mokong dito." sabi ko at dumiretso na.

Tatlong hit lang bawat isa at dahil sa sobrang galing ko. Natamaan ko kaagad 'yong jackpot prize gamit ang pinaka-unang bola. Sharp-shooter kaya 'to.

Kinuha ko agad 'yong malaking teddy bear at dumiretso na kay Elle.

"Wow! nakuha mo 'yong jackpot! Thank you ah!" sabi niya habang napalakpak na parang batang nabilhan ng candy.

"Sabi sa'yo eh." tinaas ko 'yong kamay ko at pinakita ang braso ko.

"Thank my maskels." sabi ko while wearing a grin.

"Ewan sa'yo Dylan." sabi niya at tumawa na rin.

Nakita namin ni Elle si Alex na halatang nabi-beastmode na dahil hindi siya makatama.

"Kanina pa 'yon ah." sabi ni Elle.

Nagkatinginan nalang kami ni Elle at lumapit.

"Ilayo mo 'yong attention ni Jalene." sabi ko at pumunta sa tabi ni Alex.

Nagbayad ako pagkatapos maubos ang 3-shots ni Alex.

Tumira ako at no doubt, nakuha ko kaagad ang jackpot.

Binigay sa'kin ang malaking teddy bear at inabot ko kay Alex.

"Ibigay mo sa kaniya." I said.

Tinignan niya lang ako at kinuha niya na.

"Sana sharp-shooter ka din sa ganiyang mga bagay at hindi ka lang sharp-shooter sa kama." bulong ko.

"What did you say?" sabi niya at hinarap ako.

Hinawakan niya 'yong kwelyo ko.

I smirked.

"Sabi ko, ibigay mo na 'yan and pretend na ikaw ang nakakuha."
binitawan niya ako at tumalikod na.

What a deaf ass.

Sana narinig niya.

Sa lahat ng mga rides na sinakyan namin, kami-kami lang din ang magkakasama. And swear, ang bigat ng atmosphere naming dalawa ni Alex. Di ko alam kung ano ang problema niya sa'kin, ito 'yong mga choices eh:

a. mas madalas kaming magdikit at mag-usap ni Elle.
b. hindi niya natamaan ang jackpot prize
c. nakita niya kanina na nakapatong si Jalene sa'kin
or
d. All of the above.

'D' siguro 'yan. *evil smile*

Marami kaming sinakyan at ang pinanghuli namin ay 'yong roller coaster kung saan magkakasama na kaming lahat.

Pero bago kami lumabas ng carnival, may nakita akong tindahan ng souveneirs. Sumaglit muna kami doon, may isang bagay na naka-agaw ng pansin sa'kin.

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon