XVII

46 3 0
                                    

Pagkatapos ng mga pangyayaring 'yon, lumabas kami nila mom and dad kinabukasan.

Ngayon lang ulit nila ako binilhan ng mga gamit, damit at tinreat sa isang restaurant. 'Yong tipong sila ang tutulong sa'kin sa pagpili ng mga damit at 'yong tipong sabay-sabay kaming kakain habang nag-kekuwentuhan. Na-miss ko 'to, kahit alam ko'ng kulang na kami ng isa.

Pero di ito mangyayari kung hindi dahil kay Dylan, sinabi kasi sa'kin ni dad ang tungkol sa pinag-usapan nila. Naramdaman din ni Dad na mahal na mahal ako ni Dylan, nagbiro pa nga sila mommy na susulitin daw muna nila akong kasama baka raw kasi kasal na raw ang susunod.

Kaya sa buong week daw na 'to bago sila bumalik sa business trip nila sa London ay mag-babonding lang daw kami.

Pinapasama rin nila mommy at daddy si Dylan, speaking of Dylan, naikwento ko rin sa kanila kung paano nagsimula love story namin, nagalit pa nga si daddy dahil sa ginawa ni Alex kaya pinakalma ko si daddy na magiging maayos ang lahat ngayong alam kong nasa tabi ko lang palagi si Dylan.

Ito'ng week na 'to ang masasabi ko'ng pinakamasayang linggo sa tanang buhay ko. Nag-bonding lang kasi kami ng mga magulang ko kasama si Dylan, dinala din ni Dylan sila mommy doon sa bukid at nag-enjoy naman kaming lahat doon.



Fastforward...

Ngayong gabing 'to ay aalis na sila mommy at daddy papuntang London.
Ang bilis ng panahon, parang dati hindi ko pa sila makasundo pero ngayon halos lahat nasasabi ko na sa kanila.

Bago sila umakyat sa eroplano, niyakap muna nila ako at nag-iwan ng mga habilin sa'kin pati narin kay Dylan, pagkatapos no'n ay umalis na sila.

"Bbq, tara na?" sabi sakin ni Dylan at inabot niya ang kaniyang kamay.

"Tara na."  at kinuha ko ang kamay niya,

"Bakit ang lamig ng kamay mo?" sabi ko.

"'Di ko alam eh, malamig lang siguro." sabi ni Dylan.

"Huh? summer pero nilalamig ka?" sabi ko habang naglalakad kami palabas ng airport.

"Iba lang siguro ang takbo ng katawan ko." sabi niya at tumawa.

Tinanggal ko 'yong blazer ng dress ko at pinatong ko sa likod ng balikat niya.

"Baka naman lamigin ka niyan, sleeveless pa naman 'yang damit mo." sabi niya.

"'Di naman ako nilalamig, naiinitan pa nga ako eh. Suotin mo 'yan, magagalit ako sa'yo." sabi ko.

Sinunod naman niya ako at nanahimik nalang siya.

Mga isang oras bago kami nakarating sa subdivision namin at naglakad nalang papunta sa bahay.

Narinig ko'ng tumunog ang phone ko.

From: Alex

You're mine.

Umiling nalang ako,

"Sino 'yan?" tanong ni Dylan,

"Ah-- wala, wrong send lang siguro. Unregistered eh." sabi ko.

"Baka may lalaking umaaligid sa'yo ah." sabi ni Dylan.

Ngumiti ako at pinisil ang kamay niya

"Wala ah. Tsaka kung mayroon man di ko na kailangan pansinin." sabi ko.

"So, mayroon nga?" sabi niya

"Bakit? nagseselos ka?"

Pumunta siya sa harapan at pinigilan ako.

"Paano kung oo? kasi maraming puwedeng magkagusto sa'yo, maganda ka tsaka matalino, mabait? puwede na rin hahaha tapos mayaman pa. Tapos ako, pogi lang tsaka mabait tapos maraming lalaki diyan na puwedeng manligaw sa'yo na mayaman at pogi rin." I tiptoed and reach his nose to kiss.

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon