XI

46 4 1
                                    

Jalene's P.O.V

"Totoo ba Alex? totoo ba'ng may anak ka na?" I said not making any emotion.

"Totoo 'yon, Love. Pero pinili kita kasi ikaw ang maha--" sinampal ko siya na mas doble pa ang lakas ang ginawa ko kay Dylan.

"T*ng@ nga ako ha-ha-ha. Tama nga ang sabi ni Dylan, tama ang lahat ng sinabi niya." sabi ko, kinuha ko na ang mga gamit ko at inayos na ang damit ko.

Sinugod ko na rin ang ulan at umaasang mahahabol ko pa si Dylan. Kaso sa kinamalas-malasan nga naman, hindi ko makita ang lugar dahil madilim at maputik pa.

Wala na akong pakialam kung iwan ko man doon si Alex dahil ang tanging iniisip ko lang ngayon ay si Dylan at ang malaman kung ano 'tong nararamdaman ko sa kaniya.

'Yong pangyayari sa garden, doon nagsimula ang lahat. Nang titigan ko ang mata niya, doon ko naramdaman ang isang bagay na hindi ko naramdaman kay Alex.

Ang makaramdam ng comfort at ang maramdaman ang tibok ng puso ko.

'Yong gabi din na sinabi niya noon sa campsite na nahuhulog na siya sa'kin, may naramdaman akong saya. Kaya pinaulit ko sa kaniya pero iba ang sinabi niya na halata namang napaka-nonsense dahilan para madagdagan ang galit ko.

'Yong parehas na gabi din na 'yon na humihingi ng sorry sa'kin si Dylan sa labas ng tent at nag-kwento siya tungkol sa stars, nasabi ko sa sarili ko na 'sana si Dylan nalang ang minahal ko.' Pero bulag ako eh.

'Yong gabi din na 'yon na sinabi niyang 'he can be my star that shines through my darkest times'. Naramdaman ko na mayroong lumilipad sa sikmura ko.

'Yong gabi din na hinawakan niya ang kamay ko habang nakahiga kami, nakaramdam ako ng kuryente na 'di ko alam kung saan naman nanggaling.

At 'yong gabi din na kinantahan niya ako, umaasa pa akong itutuloy niya pa 'yong kanta na 'yon hanggang sa dumampi ang labi niya sa noo ko dahilan upang makatulog ako.

Everything he did has a magic, I feel so comfortable whenever he's here by my side, my world stops whenever I lay my head on his arms and I forget the feeling of gray and everything turns into blue whenever I'm talking to him.

And there's one thing that I realized...

The thing that I felt towards Alex was just an admiration

And this thing that I felt towards Dylan is love.

Napatigil ako sa pagtakbo...

I'm inlove with Dylan.

Bakit ngayon ko lang na-realize kung kailan nasaktan ko na siya?

Bakit ngayon ko lang namulat ang mata ko ngayong lumayo na siya?

Kanina hindi ako makapagsalita sa mga sinabi niya, dahil hindi parin nag-sisink in sa utak ko. Gano'n na lang ba kabagal ang utak ko?

Nabulag nga ako sa pagmamahal kuno ko kay Alex. Pati ang sarili ko ay di ko na nakikita baka nga nabingi na rin ako eh. Kasi 'yong sinisigaw ng puso at utak ko ay di ko na narinig.

Nagsisisi din ako dahil sinampal at nasigawan ko siya kanina. Nasaktan ako sa mga salitang binitawan niya, nasaktan ako kasi all this time, nagmukha akong asong sunod nang sunod sa isang taong 'di naman ako pinapahalagahan. Ngayong alam ko na ang lahat ng katotohanan, hindi na ako mabubulag pa muli. Bahala siyang linisin ang sarili niyang pangalan sa tatay niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang rest house.

Tumingin ako sa pintuan kung saan ang kwarto ni Dylan.

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon