One

237 6 2
                                    

Naglalakad ako sa mall para hanapin ang meeting place namin ng mga kaklase ko simula pa elementary. Na-tripan lang naman namin magkaroon ng simple at maliit na reunion naming magkakaklase dahil nga sa kaka-graduate lang namin ng high school at mag-cocollege na, dahil nga mas busy na kami once na mag-college na kami.

Di naman gano'n ka grandieur ang reunion namin so expect na parang simpleng dinner lang. Di rin naman lahat makakadalo, sabi pa nga na mangilan lang kami sa table dahil 'yong iba ay hindi makauwi dito sa Maynila, ang iba naman ay nakatira na sa ibang bansa at ang iba naman ay di na namin ma-contact. Pero masasabi parin namang marami kami.

Nakita ko ang 'McDonald's' kung saan ang meeting place namin. Pinili talaga namin ang 'McDonald's dahil bukod sa mura ay mas ma-eenjoy namin, ito talaga ang tambayan naming mga magkakaklase simula Grade 7 pa kami.

"Dylan!" narinig ko'ng sigaw ni Leo, kaklase ko since grade 8 at bestfriend ko. Nasa 13 lang kaming nandoon, kakaunti lang talaga. Di rin kasi dumalo ang iba naming kaklase at mangilan lang ang pumunta na dati naming kaklase.
Si Leo, ako, Carlo, Pinky, Melvin at Paulene lang ang dumating na magkakaklase, kami din ang magbabarkada.

"Ano? uwian na ba?" tanong bigla ni Melvin pagkaupo ko, "Pre, bastusan?" sabi ko kay Melvin at akmang aapiran sana kaso "Um-order ka nalang doon, pahuli huli ka eh." nagtawanan nalang sila. Inutusan pa ako ng loko.

Um-order ako ng tatlong bucket meal at bumalik na sa lamesa.
Pagbalik ko,
"Dylan! di mo na ba ako naalala?" sabi niya habang tinutulungan ako sa mga bitbit.

O-kay?

Tinignan ko siya sa mukha,

"Alex?"

"Buti nalang nakikilala mo pa ang pogi kong mukha." he said while smirking

"Sa 12 years na nakalipas, no doubt na mas pogi parin ako sa'yo." sabi ko habang nailing.

Tumawa siya sabay sabing,
"Wala parin palang pinagbago, mayabang ka parin simula grade 1 tayo."

"Nagsalita ang hindi mayabang?"

Inayos na namin 'yong mga pagkain at umupo na.

Si Alex ang partner-in-crime ko noong elementary pa kami, ilang beses kaya kaming napa-guidance dahil sa mga kalokohan namin.
Naalala ko pa nga noong pumunta kami sa cr ng mga girls at nakita namin doon 'yong principal at adviser namin na may ginagawang *ehem* censored.

Kaya noong nahuli kami, imbes na ipatawag ulit ang parents namin, napatalsik 'yong dalawa at napalitan ng bago. Gano'n kami kalupet! ^_^

Pero noong nag-Junior High na kami, lumipat na si Alex dahil nga sa lilipat na rin sila ng bahay. Maganda na rin 'yon, para ako nalang ang natitirang pogi sa school noon.

Wala naman masyadong nangyari, kainan, tawanan at kwentuhan tungkol sa amin. Bago umuwi, may lumapit na babae sa lamesa namin, di ko siya mamukhaan, di ko na siguro maalala kung sino siya.
"Jalene." Tumayo si Alex na kaklase ko noong elementary pa kami at pinakilala nya si Jalene, bestfriend nya daw. Hindi namin sya naging kaklase kaya siguro di ko siya mamukhaan kanina. Napatingin sya sa akin kaya nginitian ko naman.

Saglit lang 'yong nahagilap ng mata naming dalawa ang isa't isa but I didn't imagine that was the time that the new chapter of my book is about to unfold...

***

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon