6

58 4 0
                                    

Mag-lalunch na nang makadating kami doon, nauna na ako agad bumaba bago pa ako mahabol no'ng higad na 'yon

Malaki ang rest house nila. Old-fashioned ang itsura ng bahay, mula dito makikita mo nang may swimming pool sa likod at mula dito sa kinatatayuan ko ay mayroong labyrinth garden nakapagitan ito sa mahabang daan papunta sa mismong bahay.

"Pasok kayo. Kayo na bahala sa kwartong gusto niyo. Tayo lang naman tsaka mga maids ang nandito kaya feel at home." sabi ni Alex.

"May wifi ba dito?" tanong ni Rhenz.

"Syempre wala, mawawalan muna tayo ng connection sa social media for a month." sagot ni Alex.

Halatang dismayado 'yong tatlong lalaki, samantalang si Klarisse ay nasa tabi ko nanaman *sigh*

"Eh pc wala?" tanong ni Lauren.

"Wala din." sagot muli ni Alex.

"Paano tayo makakapag-League of Legends?" tanong ni Marvin habang kinakamot ang ulo.

"Don't worry guys. Masaya naman kahit wala tayong pc or wifi eh. Marami naman tayong gagawin, diba mahal?" sabi ni Elle na nakahawak sa kamay ni Alex.

Ngumiti lang si Alex at tumango.

Tumingin ako kay Jalene at halatang umiiwas siyang tignan ang dalawa.

"Psh. Lovebirds, matutulog na muna ako." sabi ni Lauren at umakyat na.

"May maganda ba kayong maid dito? maghahanap lang ako ah." sabi ni Rhenz at lumabas.

"Mag-tour muna tayo, hayaan na muna si Lauren at Rhenz, alam naman na nila kung saan sila pupunta ." sabi ni Alex.

Umakyat na kami sa taas. Mayroong 5 floors ang bahay, mga master's bedroom sa 2nd floor, guest rooms sa 3rd floor; gym, sala at bar sa 4th floor at  sa rooftop ay mayroon jacuzzi at mayroon namang wide-screen t.v.

Akalain mo'ng sinaluma ang itsura sa labas pero napaka-modern naman pagdating sa loob.

"Dito na kami ni Elle." sabi ni Alex at pumasok na sa isang kwarto.

Pero napatingin muna si Alex kay Jalene at binaling naman niya sa akin.

"Dy, kayo na bahala sa kwarto niyo." at pumasok na sila.

"Dylan, sa isang kwarto lang tayo huh?" sabi ni Klarisse.

"Sorry pero ayoko nang may kasama 'pag natutulog." biro lang 'yon syempre ayoko lang talaga siyang kasama sa isang kwarto.

Nakita kong naglakad papunta sa kabilang kwarto kung saan katabi ng kwarto nila Alex si Jalene at sinarado niya ito.

Pumunta ako doon sa tapat na kwarto.

Iniwan ko doon si Klarisse nang nakasimangot.

Pagkatapos noon, tinext ko si Jalene.

To:Bbq

Okay ka lang?

It took a few minutes before siya nag-reply.

Yes.

Ramdan ko 'yong lungkot niya kanina pa.

After 30 minutes.
Tumawag na ang mga maids para sa lunch. Doon daw kami sa may pool area kakain.

Pagdating namin doon, nakahain na ang mga pagkain. And swear! nagugutom ako sa mga ulam.

"Anong plano natin?" bulong ko kay Jalene habang ang iba'y nag-uusap.

"I don't have a plan yet. Just wait." sabi niya.

Umupo na ako, so ito ang seating arrangement..
Si Jalene, ako, Lauren at Klarisse habang nasa kabila naman sila Alex, Elle, Rhenz at isang maid na kanina pa kinakausap ni Rhenz.

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon