Three

82 4 2
                                    

Pagkauwi ko ng bahay nag-online agad ako para hanapin ang facebook account ni Alex, masyado kasing snob 'yong babaeng 'yon kaya naiwan niya 'yong binili niyang libro.

Flashback

"Saan ka ba bababa?" tanong ko sa kaniya.

And again, di niya ulit ako pinansin.

May naisip akong kalokohan para asarin siya.

"Sorry na kasi bbq. Ang mahal kasi no'ng necklace na pinapabili mo eh. Ganito nalang ba tayo palagi bbq?! ha? mamahalin mo lang ako kapag may kailangan ka?" sinabi ko 'yon ng malakas para marinig ng mga pasahero.

Hindi naman ako napahiya, kasi nagbulungan ang mga tao habang nakatingin kay Jalene.
Bwahahahahahaha that serves as your punishment Jalene wahahahaha.

Nakita ko namang nanlalaki ang mga mata niya.

"What do you think you are doing? you're such a nuisance" bulong niya sa akin.

"Bbq, ngayon naman gusto mo hiramin credit card ko?" sabi ko na may halong drama. Para effective *winks*

Pero ang totoo, wala talaga akong credit card, bank account nga wala credit card pa kaya?

She nudged me para tumigil ako.

"Manong para po!" sabi niya at aakmang tatayo na nang tumingin siya sa'kin.
"Ewan ko sa'yo. Rot in hell, maniac." at dirediretso na siya.

"Bbq?" sabi ko, kunwari worried ako pero deep inside halos nagpipiyesta na ang mga lamang loob ko.

Nakita ko 'yong binili niyang libro na naiwan sa kinauupuan niya.

"Manong para po." sabi ko para habulin siya. Nagalit pa nga si manong kasi di pa daw ako bumaba kanina, di ko nalang din siya pinansin para masaya. Jalene lang ang peg.

Hahabulin ko na sana siya kaso nakasakay na siya sa tricycle kaya di ko na naabutan. Sumakay nalang din ako ng tricycle pauwi.

End of flashback

Tinype ko ang 'Alex Cariño' sa messenger at buti na lang ay online siya.

Me: Alex..

Alex: Oh, si Jalene pala?

Me: Nakauwi na yata. Iniwan nalang ako bigla eh

Napaisip ako bigla, kagagawan ko rin naman kaya niya ako iniwan kanina. Pero 'di bale na.

Alex: Ah, oo. Nag-text na siya sa'kin.

Me: Naiwan niya pala 'yong libro niya sakin. Bibigay ko sana sa'yo para ikaw na ang mag-abot.

Alex: Bigay ko nalang sa'yo number niya. May inaasikaso kasi talaga ako eh.

Me: Huh? ano ba 'yong inaasikaso mo? mangingibang bansa ka ba?

Alex: Ahh-uh hahaha hindi. Papeles sa university na papasukan ko. Doon sa pinag-aaralan ni gf.

Me: Ah ni Jalene?

Medyo natagalan siya bago nakapag reply.

Alex: Huh? hindi siya. Teka, ano ba ibig mo'ng sabihin?

Me: Ah wala wala. Akala ko kasi may something kayo eh.

Alex: Sige na. May gagawin pa ako. Ito number n'ya. 09*********.

Sineen ko nalang siya pagkatapos n'on.

Napaisip ako doon sa gf niya. Kung si Jalene ay sinasabi niyang boyfriend niya si Alex, eh sino naman 'yong tinutukoy ni Alex? baka iba naman ang meaning ng 'gf' sa kaniya?

baka 'girl-friend', as in kaibigan? teka, ano ba 'yan? panggulo naman sila sa utak masyado.

Sinave ko yung number niya pagkatapos ay tinext ko na siya.

To: Bbq

Hey. Si Dylan 'to, kamag-anak ni Brad Pitt, pinaglihi kay Leonardo De Carpio
at ang pinakagwapong lalaking kasama mo kanina. Gusto ko lang sabihin na naiwan mo 'yong libro mo.

Trip ko lang talaga na 'Bbq' ang ipangalan ko sa contacts niya. Wala lang, trip ko lang talaga.

Nagreply naman agad siya.

You're really an annoyance! napaka-yabang mo at feeling gwapo! kanina pa ako inis na inis sa'yo ah!

Wow! ang ganda naman ng reply niya, so KIND naman. Kung di ko kaya ibalik 'tong libro niya?

Nag-reply 'agad ako.

So, di mo na kailangan? akin na lang? Salamat! mukhang maganda pa naman 'tong libro tapos makukuha ko lang ng libre.

Wala pang 1 minuto ay nag-reply na siya.

Bring back my book, you jerk! kung gusto mo ng libre basahin mo sa wattpad! Bukas! same spot and same time!

Tawa ako nang tawa sa sala habang binabasa ang text niya, iniimagine ko 'yong itsura niya.
Hanggang sa binato ako ng nanay ko ng limang piso, aba sharp-shooter din ang lola, sa noo ka talaga tumama.

"Hoy! Dy! Napapraning ka na diyan! bumili ka nga nang magic sarap doon kila Aling Pasita para mawala ang toyo sa ulo mo! ipang-adobo ko 'yan eh!"  sabi ni nanay habang naggigisa ng di ko alam. Basta may ginigisa siya doon.

"Opo. Nay ito na."
FYI, lola ko siya 'nanay' talaga ang tawag ko sa kaniya o minsan pa nga ay 'ina'. Siya na kasi tumayong magulang ko simula pagkabata. Ang tunay ko'ng nanay, namatay na simula noong pinanganak ako samantalang ang tatay ko naman OFW siya sa Dubai. Minsan na lang siya nakakauwi dito dahil stable na rin ang trabaho niya doon, hindi ako 'yong tulad ng ibang bata na keme hindi inuuwian ng magulang di na daw siya mahal tapos magrerebelde na tapos iinom, mag babar, mambababae. Kalokohan! Huwarang bata ako, ano? I deserve an award hoho!
Iisa lang akong anak dahil ako lang yung nag-iisa nilang anak, ano ba? basta ayun na 'yon! in other words, ako ang panganay at bunso. Bahala na kayo umintindi, kaya niyo na 'yan *winks* malalaki na kayo.

Di kami mayaman di rin kami gano'n kahirap, basta simple lang. May dumadaang mabibigat na problema pero ginagawa ang lahat para makaahon agad!

'Di na rin nag-asawa ang daddy ko, o diba sosyal? daddy tawag ko, pangmayaman bes!
O sige balik tayo sa kanina, dahil nga loyal daddy ko sa tunay na nanay ko! *grins*

Kaya idol ko 'yon eh! kapag ako nagmahal ng babae, sisiguraduhin ko'ng loyal ako at siya lang talaga.

And that was the reason why I let my heart open and broken. Because of loyalty...

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon