XIX

52 2 0
                                    

A/N: 

Play 'Walang Hanggan by Quest' while reading this chapter

*****************
Mga nasa ala-una ng madaling araw nang pumunta kami ni Elle sa hospital, pinapatulog ako kanina ni Elle dahil pagod na raw ako at kailangan ko na ng pahinga.

Kaso pinilit ko si Elle dahil wala din naman maitutulong sa'kin 'yon. Mahihirapan lang ako lalo makatulog kung kaya't nagmakulit ako at nagwala sa bahay para payagan akong pumunta sa hospital.

Habang naglalakad kami ay nakita ko ang nanay niya sa harap ng Operating Room na may dalang rosary at nagdadasal.

'Di ko alam kung anong mukha ang ipapakita ko ngayon dahil ako din naman ang may dahilan kung bakit napahamak ang anak niya.

Tumigil ako sa gilid ni nanay at tumingin siya sa'kin. Lumuhod ako, hanggang ngayon ay hindi parin natigil ang pag-iyak ko. Pakiramdam ko, napakarami ko'ng luha at 'di pa 'to nauubos.

"Sorry po 'nay. S-sorry po. Sorry po." sabi ko habang nakayuko.

Itinayo niya ako,

"Jalene, wala kang kasalanan. 'Wag mo'ng sisihin ang sarili mo ah?" sabi niya at pinunasan ang mga luha ko, tumungo ako bilang tugon.

Niyakap ko si nanay habang nakatingin sa walang malay na katawan ni Dylan habang ginagawan ng operasyon ng mga doktor sa katawan niya.

Pinauwi ko na muna si Elle dahil alam ko'ng pagod na siya. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil nandiyan siya para sa'kin.

Isang oras na ang nakakalipas nang
lumabas ang doktor.

"Mrs. ang pasyente po ay nasa malalang kondisyon ngayon. Kasalukuyan po siyang nasa coma ngayon dahil nakatamo po siya ng maraming hataw sa ulo kaya nakabuo ng blood clot sa kaniyang ugat sa may bandang ulo, kaya nahihirapan dumaloy ang dugo sa ulo niya. Delikado rin po ang puso niya dahil hindi po namin makuha ang bala sa dibdib niya dahil tumama po ang bala malapit sa puso niya bukod pa po doon ay maraming dugo ang nawala sa kaniya. Hindi po namin maituloy ang operation dahil baka mawalan po siya ng dugo. Sa ngayon ay umasa po tayong sana patuloy parin pong tumibok ang puso niya para may dumaloy na dugo sa katawan niya." sabi ng doktor, nagpasalamat kami at umalis na siya.

Puwede na rin daw kaming pumasok doon pero may kailangan daw kaming suotin kapag papasok.

"Ang apo ko." sabi ni nanay habang umiiyak.

May sinuot kaming gown na parang sa mga pasyente at mask para makapasok.

Hindi parin tumitigil sa pagtulo ang luha ko habang nakatayo sa gilid ng O.R

Lumuhod si nanay at niyakap ang katawan ni Dylan na puno ng mga kung anu-anong nakakabit na peripherals.

Hagulgol lamang ni nanay ang maririnig sa buong kuwarto at ang tunog ng aircon at ang electro-cardiogram na tumutunog na konektado sa puso ni Dylan.

Nang naka-tahan na si nanay ay nagpaalam na siya na uuwi muna siya dahil umaga narin 'yon no'n. Niyaya niya na rin akong magpahinga kaso tumanggi ako dahil hindi ko kayang iwanan si Dylan dito.

Nang umalis na siya ay umupo naman ako sa tabi ni Dylan.

Mabuti nalang ngayon ay hindi na ako masyado umiiyak.

"Dylan?" sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya.

"Naaalala mo pa ba noong nakaupo tayo doon sa pader sa may garden ng rest house nila Alex? doon nagsimula na mahalin kita. Sana hindi ako nagpakabulag noon at ikaw ang minahal ko, nasa huli talaga ang pagsisisi. Naaalala mo pa noong party? akala ko ang makaharap si Alex ang pinakamasayang pakiramdam sa tanang buhay ko pero hindi pala, ang pagdating mo sa buhay ko ang pinakamasaya at pinakamagandang pakiramdam sa buhay ko. Noong nag-sosorry ka sa'kin sa tent? umiiyak ako noon dahil sa napaka-walang kwentang tao, nasayang lang ang luha ko pero nandoon ka para patahanin mo ako.  Hanggang ngayon naaalala ko parin 'yong mga sinabi mo sa'kin, dahil doon mas lalong gumaan ang pakiramdam ko sa'yo. Pero 'yong sinabi mo'ng

'I could be your star Jalene. For when the dark comes, I can be your star to twinkle in your eyes for your night to shine for awhile. Kasi I know, that the day will come and I'll be gone. But atleast I came to your life even just for awhile to make you smile.'

'di mo kailangan umalis Dylan. Even when the sun shines and the day comes, gusto ko dito ka lang. Dito ka lang sa tabi ko, partner tayo eh 'di ba? Ako si moon at ikaw si stars? Sige ka, papangit ang gabi kung walang stars." pinunasan ko ulit ang luha ko dahil may tumatakas nanaman.

"Sa tuwing nanghuhuli tayo ng mga insekto at kumukuha ng mangga, palagi akong namamangha sa mga nahuhuli mo pati narin kapag nanonood tayo ng sunset, napakasaya at ang gaan sa pakiramdam kasi palagi ako'ng nakasandal sa'yo. Parang mag-boyfriend at girlfriend na nga tayo noon eh kasi palagi nating topic ang tungkol sa buhay natin. Pati noong nahuli kitang naka-tuwalya ka lang *giggles*, naiilang talaga ako sa'yo noon, narinig ko 'yong tibok ng puso mo noong araw na 'yon. Iniisip ko nga kung sino ang dahilan ng pagtibok na 'yon pero ang tanging sinasabi ng puso at isipan ko ay 'sana ako ang dahilan ng pagtibok na 'yon' at sana 'wag mong patigilin ang pagtibok ng puso mo ngayon. Pagkatapos 'yong natumba tayo sa kama mo, halos mabaliw ang buong katawan ko dahil hindi ko maintindihan ang gusto nito, parang gusto niyang magwala na ewan. Noong sa carnival, umaasa akong kukunin mo 'yong jackpot prize doon, kaso naunahan ka ni Alex. Actually, noong panahon na 'yon ikaw na ang inaasahan ko'ng kukuha para sa'kin no'n at hindi na si Alex. Nagulat ako nang inalukan mo si Elle. Iyon ang unang beses na nagselos ako sa'yo dahil bakit si Elle pa di ba?  kung pwede namang ako nalang. Kaya dumikit ako kay Alex dahil madalas kayong magkasama at mag-usap no'ng araw na 'yon. Grabe ang pagkainggit ko kay Elle noon  dahil na sa kaniya na nga si Alex tapos pati ba naman ikaw kukunin niya? At 'yong teddy bear? alam kong ikaw ang nagkuha no'n para sa'kin. Lumapit lang sa'kin si Elle noon at sinabihan niya akong manood sa gagawin mo. Ibinigay mo 'yon kay Alex para sa'kin. Simula no'n nagsisimula na akong manigurado sa nararamdaman ko.

"Ang totoo talaga Dylan, dinala ako ni Alex sa may gubat at di ko alam kung bakit. Sinabi niya sa'kin doon na mahal niya ako at ako ang ihaharap niya sa altar. Dahil doon nagpaagos ako sa mga pangyayari, siya ang unang gumawa Dylan. Nadadala lang ako sa emosyon ko noon dahil ang iniisip ko lang noon ay 'sa wakas, mahal na ako ng taong hinahabol habol ko.' pero mabuti nalang at dumating ka at minulat ako. Sinabi mo ang katotohanan, ang lahat....

"Minulat mo rin ako sa tunay ko'ng nararamdaman dahil sinabi mo'ng mahal ko. Naramdaman ko'ng tumibok ang puso ko noon at may kung anong saya ang hindi ko maintindihan kaya napatitig lang ako sa'yo noon. Hinabol kita Dylan, pero 'di na kita naabutan."

Hinahawakan ko 'yong star sa pendant ko na nakatapat sa dibdib ko.

"Dylan, Bbq, my star.
'Wag mo akong iiwan, dahil sa lahat ng gulo at kulog na binigay ni Alex sa'kin, ikaw ang nagpatahan sa aking mga bagyo. Kung wala na ang mga bituin ko, paano pa ulit magkakakulay ang gabi ko? sino na ulit ang magpapaliwanag sa aking dilim?
Dylan, lumaban ka. Kasi kung wala ka na, mas pipiliin ko'ng habulin ka ulit at susunod ako sa'yo. Kung wala ka na, mas gusto ko pang manatili na lamang sa dilim at hindi na lumabas pa'ng muli. Dylan, simula nang dumating ka, ikaw na ang nagpapatakbo ng bawat oras ko. Dylan ikaw na ang kulay ko, ang buhay ko." sabi ko habang patuloy na lumuluha ang mata ko.

"Dylan, hindi ko kayang bitawan ka. Hahawakan kita hanggang dulo. Pero sana hindi pa ngayon ang dulo. Dahil gusto pa kita makasama nang matagal. Ikaw ang ihaharap ko sa altar, ang apelyido mo ang kukunin ko at ikaw ang magiging ama ng mga anak ko. Kaya lumaban ka, Dylan. Please, Dylan. Please. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita." I said as I gave him a peck on his cheeks

"Hindi kita bibitawan." sabi ko habang hawak parin ang kamay niya habang unti-unti nang pumapasok ang sinag ng araw sa loob ng hospital.























































Pero wala eh....




People do come and go talaga eh...

----

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon