XVI

40 3 0
                                    

"Sige na. Goodnight na, next time ulit." sabi niya sa'kin pagkahatid niya sa'kin sa harap ng gate.

"Goodnight, Dylan." I said and still manage to smile after what happened.

He left me with a smack and waved his hand goodbye.

Nakatayo lang ako dito habang pinapanood siyang naglalakad palayo.

Naramdaman ko nanaman 'yong feeling na naramdaman ko kanina.

"Dylan!!" sigaw ko.

Humarap naman siya kaagad.

"Ingat ka sa pag-uwi!"  dagdag ko.

Kumaway ulit siya.

"I love you!" sigaw niya pabalik.

Kinabahan nanaman ako sa ginawa niya.

"Dylan, mag-iingat ka ah! I love you more!" sabi ko pero 'di niya na narinig ang sinabi ko dahil malayo na siya.

Pag-pasok ko sa sala, nagulat ako dahil may dalawang tao na nakaupo doon at nakatingin sa'kin...

"Mom? Dad?"

"Si Alex ba 'yong nakita namin kanina at 'yong lalaking sinasabi nila yaya na dumalaw dito kanina?" sabi ni Dad

"D-dad..." natatakot ako dahil ang alam nila, kami parin ni Alex. Natatakot ako na kapag nalaman nila na 'di gano'n kataas ang antas ng buhay nila Dylan ay baka 'di sila pumayag sa relationship naming dalawa.

"Wala ba siyang kotse? bakit naglakad lang kayo?" sabi ni mom, kinakabahan ako sa tono ng boses nila.

"Mom...Dad....he's not Alex." sabi ko na nakatungo.

"Don't tell me you're flirting with some other guy? Kapag nalaman ko'ng lumalandi landi ka sa labas, malilintikan ka sa'kin." sabi ni Dad

May bumagsak na luha mula sa mata ko.

"No, I'm not flirting dad--"

"I don't wanna hear some alibis. Tell me, who is he?" sabi ni mom.

"Dylan, my boyfriend." lakas-loob ko'ng sabi. Kung tutol man sila sa'min, ipaglalaban ko siya.

"You're flirting, then! Alex was so passionate and real to you! tapos malalaman nalang namin na may iba kang kasamang lalaki!"

"NO! DAD! HE'S--"

*PAK!*

Naramdaman ko ang bigat ng kamay na dumampi sa pisngi ko kaya di ko na napigilan ang umiyak.

"'Wag na wag mo akong pagtataasan ng boses! Bakit sino ka ba rito?!" sabi ni dad.

"Your daughter dad! YOUR DAUGHTER! Bakit?! alam niyo ba ang dahilan kung bakit ko pinagpalit si Alex?! it's because he's not respecting me! ganiyan pala kayo?! hahayaan niyo lang ang anak niyo na masaktan?! hahayaan niyo lang ang anak niyo na maghabol sa isang lalaki at gamitin nang harap-harapan?! Ay, wait! Di ko pala ramdam na anak niyo ako, kasi pinatay niyo na rin ako simula noong namatay si Jade!" sabi ko then I ran upstairs and I shut the door.

Nagtalukbong ako at umiyak nang umiyak.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko.

From: Bbq(Dylan)

Nakauwi na ako! matulog ka na bbq, see you in each other's dream!

I smiled.

Nag-ring naman ang phone ko at tumawag siya...

Dylan: Bbq?

Di ako makapagsalita dahil baka malaman niya na umiiyak ako.

Dylan: Naistorbo ba kita? hehe sorry na. Matulog ka na ulit. I lo--

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon