XX

85 4 5
                                    

A/N:

Play 'Sign Of The Times by Harry Styles' while reading this chapter

*****

"He was the reason why I made college life much better, he came to my life as a lesson. Kung hindi siya siguro dumating sa buhay ko before college, baka wala ako ngayon dito sa harapan niyo. He taught me how to be somebody, he taught me how to fight and to run into the highest peak. Naaalala ko pa noon, ang laki ng galit ko sa umaga. Ayaw na ayaw ko'ng mag-umaga at mas gusto ko palaging gabi. I started to adore darkness, until my parents told me not to crave for darkness. He came to enlighten my night but not to crave for it, he came for my life to learn how to indulge while I'm inside the darkness for me to escape from it.

" Simula noong nawala siya, hindi ko maiwasan ang pag-iyak tuwing gabi, tumagal iyon ng almost two years. Pero sabi nga niya..

'I could be your star Jalene. For when the dark comes, I can be your star to twinkle in your eyes for your night to shine for awhile. Kasi I know, that the day will come and I'll be gone. But atleast I came to your life even just for awhile to make you smile.'

"Four years na ang nakakalipas pero tanda ko parin ang sinabi niya na 'yon. He's my star at aalis din siya. Aalis din siya pagsapit ng umaga pero alam ko na kahit nahaharangan ng sinag ng araw ang mga bituin na 'yon, alam ko'ng nandiyan lang siya at nagbabantay sa'kin, I used him as my inspiration sa pag-aaral. Everytime na nagkakaroon ng difficulties and dilemmas sa pag-aaral ko, humahawak lang ako sa pendant ko at iniisip ko na 'the night has come again, nandito ulit siya para i-guide ako'. People come and go and we don't need to plant hatred inside our hearts for those people who left us, for they serve as a lesson. Treasure them more and learn to let go.

" Katulad ko, sinabi ko'ng hindi ko siya bibitawan. Pero habang tumatagal...

"I finally learnt to let go, natuto rin akong bitawan ang kamay niya.
But the most important thing is we still treasure them, I'm not pertaining to feelings or what they have done to break us but the memories you shared to each other. Kasi doon tayo natuto, doon tayo naging masaya at umiyak and lastly, sa memories na 'yon...

doon tayo nagmahal.

"My star, Bbq, Dylan, kung nasaan ka man ngayon. Always remember that I love you and hinding hindi kita kakalimutan at kung gaano mo ako kamahal. You are my summer love, saglit lang tayo pinagsama pero that was something na dinadala ko na habambuhay. Na-mimiss na kita, lalo na ang corny mo'ng jokes, eyes especially your smile, and I know proud na proud ka sa'kin. 'Till we meet again.

To all faculties, administrative staffs, to our dean, distinguished guests and to all my co-graduates. A pleasant evening to all. Thank you."

Sabi ko at nagsipalakpakan naman sila habang may luha sa mga mata nila. Pagkababa ko, nakita ko ang mga parents ko na umiiyak, nandoon din si nanay na nanonood at umiiyak din. Mga barkada noon ni Dylan na alam kong may pinakamalakas na palakpak at si Leo na nakatingin sa'kin habang nakangiti as he mouthed 'Good Job.'

Pagkaupo ko sa tabi ni Elle,

"I'm sure he's smiling right now. Proud na proud siya sa'yo." sabi ni Elle at napangiti ako.

Grumaduate kami ni Elle nang sabay. Law ang course niya at magte-take na rin siya ng bar exam. Samantalang ako ay natapos ng Business Administration at ipagpapatuloy ang business nila mommy sa London.

At alam niyo ba?

Grumaduate si Elle ng Magna Cum Laude at ako naman as a Summa Cum Laude, kaya nakapag-speech ako sa harap ng maraming tao.

Kung kamusta naman ang love life namin?

Si Elle ay hindi muna inisip ang love life dahil masyado siya'ng nag-focus sa pagiging Attorney dahil gusto niya na mapalaya ang mga katulad ng tatay niya na nadamay lang sa pangyayari.

Mabait naman talaga ang pamilya niya eh, nadala lang sa kahirapan kaya dinamay ang tatay niya sa pagpapadala ng droga sa ibang bansa.

At ako naman, kasalukuyan akong nililigawan ni Leo. Yep, bestfriend ni Dylan.

Sandigan lang kasi namin ang isa't isa simula nang mawala si Dylan. 3rd year college pa siya nanliligaw, tagal na 'di ba?

Ayoko muna kasing magpadalos-dalos sa mga bagay dahil aaminin ko, may sakit parin dito sa puso ko.
Pero nagsisimula na rin mabuksan muli ang puso ko kay Leo. Mabait siya at matiyaga pero 'wag muna. Handa naman siya maghintay para sa'kin eh. Isa pa, naiintindihan naman niya ako.

Si Alex? wala na akong balita sa kaniya, nakulong siya pati 'yong mga kasama niya'ng nambugbog kay Dylan. At dahil nagalit ang tatay niya sa kaniya, tinakwil na siya bilang anak dahil nasira ang pangalan ng kumpanya nila.

Sa buong apat na taon, madaming nangyari. At hindi mangyayari ang mga 'yon kung hindi dahil sa dalawang buwan naming pagsasama ni Dylan. Dati sinisisi ko pa ang sarili
ko na nangyari sa kaniya 'yon. Kasi kung hindi ko naman siya nakilala, hindi naman mangyayari sa kaniya 'yon eh. Kaso tapos na, wala na at tanggapin nalang ang mga nangyari.

Hanggang ngayon, ramdam ko parin ang pagmamahal niya sa'kin dahil nandito ang mga kaibigan ni Dylan para pasayahin ako, si Elle na nandiyan palagi sa tabi ko, si Leo na tapat at totoo, si nanay na palagi nakabantay sa akin, at ang mga magulang ko na naka-suporta sa'kin.
Minsan kinakamusta din ako ni tito, tito? ah oo. Ang daddy ni Dylan, umuwi kasi siya noong burol at kilala niya ako dahil palagi daw akong naikukuwento ni Dylan. Wala  siyang galit sa'kin dahil ako daw ang nagpasaya sa anak niya bago siya mawala.

Dahil sa pagmamahal nila, nararamdaman ko ang pagmamahal ni Dylan. Kasi hindi ko naman sila makikilala kung walang Dylan na dumating sa buhay ko.

Pakiramdam ko na kahit wala na siya, mananatili siyang buhay sa pendant na 'to, sa alaala at sa puso ko.

'Yong pendant na binigay ko sa kaniya noon. Nasa kaniya parin  at suot suot niya. At ang mga pendant na suot namin ang nagpapatunay na habambuhay na nasa puso naming dalawa ang isa't isa.

8 years later...

"Ma, sino po siya?" tanong ni Cathlene.

"Siya ang unang lalaki na nagpatibok ng puso ni mama at siya din ang dahilan kung bakit nagkakilala kami ng papa mo." sagot ko.

"Ah. Ano po itsura niya?"

"Pogi 'yan, inaamin ko mas pogi 'yan sa papa mo."

Tumawa si Cathlene

"Hon, kung anu-ano nanaman ang sinasabi mo sa anak natin eh. Tara na at pupunta pa tayo sa bukid." sabi ni Leo na kakarating lang galing sa palengke para bumili ng pagkain na kakainin namin mamaya.

"Manghuhuli ulit tayo ng salagubang?!" tanong ni Cathlene

"Yes, baby." sabi ni Leo

"Yeheeeey!!"

kinarga ni Leo si Cathlene habang tumatawa at nauna na sila sa sasakyan.

"Sige na Bbq. Aalis na kami. Pakikamusta nalang ako sa kapatid ko tsaka sa mama mo ah." sabi ko at umalis na rin ako.









He came to my life and left but somehow that was everything.

The End.












A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon