XII

40 3 0
                                    

"Lumiko kayo pakaliwa sa ikalawang kanto, doon na mahahanap 'yong bahay nila." sabi no'ng ale na napagtanungan namin.

"Sige po salamat po." sabi ko.

Sinunod namin 'yong babae. Pagdating namin doon, nakumpirma namin na 'yon 'yong bahay nila dahil sa address na nakalagay sa gate nila.

Hapon na nang makarating kami rito, mag-gagabi na nga yata eh.

Bungalow lang 'to pero maganda tignan ang bahay nila. Di gaano malaki di rin gano'n kaliit.

Unang nagtawag si Elle.

"Tao po?"

Walang nasagot.

"Tao po?" sabi ko naman.

Nakita naming may matandang lumabas pero di naman gano'n katanda. Malakas pa siya, maputi na ang buhok pero may kaunting hibla ng itim, may wrinkles at medyo may katabaan.

"Neng, ano 'yon?" sabi niya.

"Ahm. Good afternoon po, dito po ba nakatira si Dylan Martinez? Kaibigan niya po kami, gusto lang po namin siya makausap." tanong ko.

"Ay oo. Pasok kayo." sabi niya nang pinag-buksan kami ng gate.

"Salamat po." sabi ko.

Nanay niya yata 'to? pero matanda na ah. Baka siguro matanda na rin nakapag-asawa.

Pinaupo niya kami sa sala nila at pinaghain kami ng meryenda, nakakahiya pa nga sa una eh kaso dapat daw kumain kami dahil galing daw kami sa biyahe.
Tinawag niya si Dylan mula sa kuwarto niya ngunit walang sumasagot, napag-alaman naming umuwi daw siyang may lagnat at puro galos ang binti at braso, pumutok pa raw ang labi niya pero di niya raw sinabi kung bakit.
Nakaramdam ako ng guilt at pag-aalala dahil sa sinabi ng nanay niya.

Maraming kinwento ang nanay niya sa'min tungkol kay Dylan habang pinaghahain kami ng pagkain, nalaman naming lola pala siya sa father side niya at namatay sa panganganak ang tunay niyang nanay. Ang tatay naman niya ay nagtatrabaho bilang OFW, napaisip din ako.
Si Dylan ang matinong tao na nakilala ko dahil kahit hindi niya masyado nakakasama ang mga magulang niya, hindi maikakailang mabait siya.

Nagpaalam na aalis muna si nanay para mamalengke kaya't nag-volunteer na si Elle na samahan siya sa pamamalengke at para makausap ko na rin.
Pagkaalis nila ay pumunta ako sa harapan ng kuwarto ni Dylan.

Kumatok ako.
Walang sumagot kaya binuksan ko na.
Nakatalikod siya at halatang ginaw na ginaw.

Lumapit ako at hinawakan ko ang balikat niya saka umupo.

"Dylan?" nakita kong gumalaw ang ulo niya, pero di siya humarap.

"Dylan, I'm sorry. I became so numb that I didn't even realize that someone loves me." di ulit siya sumagot.

"Snobber ka na rin ah." sabi ko at tumawa.

"Dylan. Kausapin mo naman ako, nawala ka lang saglit pero nagbago ka na agad." di parin siya sumasagot.
Inayos ko yung kumot niya at hinawi ko 'yong buhok niya.

"Dylan, please give me a chance to explain. I want you to know my side. Please." wala parin siyang ginawa.

"Bbq?" I said as I smile.

"Umalis na kayo at 'wag mo akong tatawaging 'bbq', nakakasuka." he said with a rough voice.

Nasaktan ako sa sinabi niya at nalungkot at the same time. But I still managed to smile.

Honestly, ang sexy ng boses niya do'n.

Jalene naman galit na nga 'yong tao sa'yo ganiyan pa ang iniisip mo? umayos ka nga!

"Gaya gaya ka na ah. Kanina snobber lang, ngayon pati linya ko kinukuha mo na." Di ulit siya sumagot.

"Dylan, I also felt the same. Alam kong mahirap paniwalaan pero--"

"You don't need to love me back. 'Wag kang maawa sa'kin. I don't need any pity from anyone else." he said.

"Do you think naaawa ako sa'yo? Dylan." I said.

"Doon ka na kay Alex. I don't believe you." he said.

Medyo naasar na ako doon.

"Dylan! Umayos ka nga! Ito na nga oh, nag-sosorry na oh. Magpapaliwanag ako sa lahat! Makinig ka naman sa'kin!" I said.

Narinig kong bumuntong hininga siya.

Dahan dahan siyang tumayo kaya inalalayan ko lang siya.

Magulo ang buhok niya at halatang namumutla siya.

Kinapa ko ang noo niya.

"Ang init mo masyado."

"Oo. Masyado kasi akong hot." sabi niya as he smirks.

Kung alam mo lang Dylan na ang hot mo nga ngayon.

Messy hair tapos mukhang bagong gising na mukha and his cold treatment?

Oh no no remove that 'cold treatment' di ako sanay.

"Ang yabang mo nanaman eh." I said then I laugh.

"I need your explanations right now. And don't ever look at my face." he said tapos iniwas niya ang tingin niya sa'kin.

"Bakit naman?" I said.

"B-basta. Kita mong bagong gising ako oh." natawa nalang ako sa sinabi niya.

Conscious ba siya sa mukha niya?

Dahil doon sa buhok niya lang ako nakatingin, medyo mahirap 'to ah.

"Kagabi, hinabol kita dumiretso ako sa kuwarto mo para kausapin at magpaliwanag pero wala ka na pala doon." napatigil ako.

Nakita kong lumunok siya at tumingin sa bintana.

"Dylan, I'm sorry sa lahat. I'm sorry kung nagpaka-manhid ako, I'm sorry kung napaka-gaga ko at hindi ko napansin ang nararamdaman mo, I'm sorry kung naging bingi at bulag ako and I'm sorry kasi hindi ko manlang pinakinggan ang puso at isip ko. Ang tanging pinakinggan ko lang ay ang sarili ko. Ang sarili ko na nagsasabing 'itulak mo pa ang sarili mo kay Alex'. Akala ko love ito eh, hindi pala. Kabaliwan 'to, isa itong malaking kalokohan. Dylan, nagmula noong nasa garden tayo..."

hinarap ko ang mukha niya sa'kin.

Tumingin ako sa mata niya and here we go again, something's crumbling in my stomach, I felt the palpitation of my chest and the electricity that I felt through my skin.

His eyes...

"Dylan..."

"Dylan, I also fell for you. Sabay tayong nahulog sa cliff na 'yon. Maybe hindi natin nasalo ang isa't isa agad kasi parehas tayong nahulog eh. Yes, I fell for Alex too. Pero hindi niya ako sinalo, but this time may kasabay na ako at hindi ako pinabayaan ng taong 'yon, inalalayan niya akong tumayo at ngayon naman na siya ang nahulog at nasaktan..

I'm here to help you stand again, to love again and to be truly inlove again, kahit ilang beses na akong nasaktan but please....please.."

Pinagdikit ko ang noo naming dalawa.

"Love me back so I wouldn't feel the pain again."

Humiwalay siya at sinabing....

"Prove it."

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon