7

54 3 0
                                    

Kinabukasan, bumalik kami sa bahay para maligo at kumuha ng mga gamit. At dahil sa nagpahinga muna sila doon, napag-isipan ko'ng maglakad-lakad muna sa labas.

Pumunta ako sa garden at kitang-kita doon 'yong Taal Volcano, umakyat ako sa pader kung saan nagsisilbing barrier ng garden. Dahan-dahan akong umupo dahil bangin na ang ikalalagyan ko dito. Mahal ko ang buhay ko, ayoko pa mamatay.

Pinikit ko ang mga mata ko habang dumadampi ang hangin sa aking mukha.
"Mabuti nalang at hindi ka natatakot." narinig kong may nagsalita sa likod ko, tumingin ako sa baba para tignan kung sino.

"Jalene." sabi ko at nginitian ko siya.
"Saan naman ako matatakot?" dagdag ko. Nakita kong umaakyat din siya.

"'Wag ka nang gumaya baka mahulog ka pa." sabi ko ulit. Kaso nakaupo na siya sa tabi ko.
"Ang tigas na nga ng ulo mo di ka pa namamansin." sabi ko at ngumisi.

"Ewan ko sa'yo, ayoko lang talagang pakinggan ka." iniwas ko nalang ang tingin ko sa kaniya, ayoko munang makipag-away sa kaniya. Wala pa ako sa mood.

"Dylan."

"Hmm?" sagot ko habang nakatingin sa view.

"Di mo pa sinasagot ang tanong ko." napatingin ako sa kaniya. Pagtingin ko, direkta akong napatingin sa mata niya. And I felt something that I can't explain.

Ngayon ko lang napansin na ang jolly ng mukha niya pero ang lungkot ng mga mata niya. Napansin ko rin na...

Maganda siya. Oo maganda naman talaga siya pero di ko ma-appreciate ang ganda niya. That beautiful round brown eyes suits her thin and sly lips.

"Dylan." she snapped.

"Di mo rin naman sinagot ang tanong ko. Saan naman ako matatakot?" sabi ko habang nakatingin parin sa mga mata niya.

"Ang mahulog." sabi niya at tumingin naman siya sa baba.

"Yes, I'm afraid of falling but I know that I won't fall as long as I keep myself holding through this wall. Eh ikaw?" tumingin ulit siya sakin para sumagot.

"I'm already falling and hurting. Therefore, why should I need to be scared from falling if I'm already  hurting? besides if you fell, you'll end up hurting." sabi niya.

"Mga banat mo nanaman ah." I jested as I laugh, a fake laugh.

"Di ka pa ba naiinlove?" tanong niya sakin.

"Inlove? crush oo. Pero ang mainlove? ayoko pa." I said as I smile.

"Di ako sanay." sabi niya at tumawa.

"Sanay saan?" tanong ko.

"Di ako sanay na seryoso kang kausap." sabi niya sakin.
I just smiled.

"I love your smile." she said habang nakatingin sa lips ko.
And again, I felt that weird feeling on my chest and my stomach. Parang may World War 3 sa loob at nagkakagulo.

"Dylan. I want to feel special for awhile. That's my command." she added.

"If you said so, madame." I nod.

she leans her head against my shoulder.

"You know what? I never felt like I'm special. My parents never treated me like that. Simula kasi namatay 'yong kakambal ko, nawalan na sila ng gana sa'kin. It was my fault after all."

"May kakambal ka pala?" sabi ko.

"Yep. Nag-summer vacation kami sa isang beach noon. Habang naglalaro kami ni Jade sa tubig, iniwan ko siya doon para kunin 'yong laruan namin. Pagbalik ko nawala na siya. Nalaman nalang namin na inagos siya ng alon. Sinisi nila mom and dad ang lahat sa sarili nila pati sa akin kasi iniwan ko raw at simula noon nanlamig na sila sa akin." she heaved a sigh, tapos nakita kong pinunasan niya ang luha niya.

Now I know why she's forcing herself to  Alex from loving her back. She's lack of love and attention.

Nilagay ko ang isa kong kamay sa balikat niya to comfort her.

"Di ko alam na sa sungit mo'ng iyan, may tinatago ka palang kadramahan sa buhay." sabi ko.

"Che. Lahat naman tayo eh." sabi niya as she hit my arm.

Humiwalay ako sa kaniya,
"I'll make you feel special." I said then I wink.

-

Maggagabi na nang bumalik kami sa camp site.

Nakita naming may sineset up sila doon.

"Love! bakit ngayon lang kayo?" sabi ni Alex na naka-shirtless at pawis na pawis habang papalapit sa'min.

Siguro kung di ko lang talaga kaibigan 'to, kanina ko pa 'to nasuntok. Kahapon pa ako naaasar sa kaniya, pinipigilan ko lang. Ang landi niya ah. Pinagseselos niya ba si Elle?

Napatingin ako kay Elle at nakita kong nanunuod lang siya dito at di maipinta ang mukha niya.

"Nagpahangin pa kasi kami ni Dylan, Love." sabi ni Jalene.

"Na-miss kita, Love." he said while pulling her to hug her.
Nagpaagos lang si Jalene kay Alex.
"Pawis na pawis ka oh." sabi ni Jalene between her laugh at pinunasan niya ang pawis ni Alex ng panyo niya.

"Ehem. I'm still here." I said.

Pero patuloy parin silang nag-PDA. SIGE! AKO NANAMAN ANG DI PINANSIN DITO!

Umalis na lang ako at iniwan sila. 'Special-special' daw, tapos kaunting landi lang sa kaniya, mahuhulog nanaman siya?!

Nakabusangot nalang akong tumulong sa kanila, may party daw kasi mamaya dito at dito sa gubat 'yon mangyayari. Kesa naman sa mabadtrip lang ako dito.
But why the hell I care? 'di ba dapat okay lang sa'kin 'yon? bakit ako naaasar?

Mga 7 pm nang matapos namin ang set up. Ready na ang sound system, disco lights at nakaayos na ang mga pagkain at beer.

"LET'S PARTY!!!!!!!!" sigaw ni Lauren at tinaas ang beer.
Tinaas din namin ang beer namin at ininom.
Uminom din naman ako pero tikim lang, iniwan ko nalang 'yong iniinom ko sa lamesa at nilamutak ang mga pagkain. Food is life, you know.

Di ko alam kung saan galing 'yong ibang mga babae at lalaki. May iba na kasing mga tao kaming kasama ngayon at lahat sila sumasayaw, pero sigurado akong hindi ito 'yong mga maids nila Alex. Halatang mga laki sa yaman eh.

Mga naka-shirtless ang mga lalaki samantalang masyadong kita na ang kaluluwa ng mga babae sa mga suot nila. Samantalang ako lang ang naka damit dito ng maayos nang nakaupo at kumakain. Naka sando kasi ako at olive shorts.

Napatingin ako sa side nila Elle, may kausap na babae si Elle at nagtatawanan habang nasayaw.
May naramdaman akong inis at galit nang napatingin ako kila Jalene. Napansin ko ring nagbihis na si Jalene ng damit, naka sleeveless siya pero backless ito at naka mini skirt. Nakahawak si Jalene sa leeg ni Alex samantalang nakahawak naman si Alex sa bandang likod ng hita niya. Dikit na dikit ang katawan nila habang sumasayaw at tumatawa, napansin ko rin bigla na kung saan-saan na lumilibot ang kamay ni Alex.

Di ko namalayan, nakagat ko 'yong buto ng manok na kinakain ko.
Sa pagkainis ko, naibato ko 'yong buto sa kung saan. Kaso na-realize ko na baka manuno ako.
Tabi tabi lang po, di ko po sinasadya hihi.

Nakita kong papalapit si Elle sa side nila Alex kaya napagpasyahan ko na lapitan din sila.

Pagkahawak ni Elle sa braso ni Alex, hinatak ko kaagad si Jalene at nilayo doon.

"Dylan!" sigaw niya nang nagpupumiglas sa akin.

Tumigil ako at hinarap siya.

"I told you that I'll make you feel special. It means that you're mine tonight. Madamot ako sa kung ano'ng meron ako." sabi ko sa kaniya.

Napatingin ako sa likod at may nakita akong kinainisan ko.

Titingin na rin sana si Jalene kaso pinagdikit ko ang noo naming dalawa.

"Don't be such a fool, Jalene." pumikit ako at bumuntong hininga.

"Open your heart to somebody who deserves you. Open your heart to me."
Binuksan ko ang mata ko at nagkasalubong kaagad ang mata naming dalawa.

"Jalene, I think you pushed me on that cliff lately. Because I think

I'm already falling."

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon