Four

64 3 1
                                    

Papunta na ako sa mall para ibalik ang libro niya.
Pagdating ko doon, dumiretso ako sa McDonald's at nakita ko siya kaagad doon. Naka-blouse siya at skinny jeans tapos nakalugay lang 'yong buhok niya. Ewan ko pero nagagandahan ako sa kasimplehan niya. Hep! nagagandahan lang, wala nang malisya. I admit maganda naman kasi talaga siya.

Bago ako lumapit, inayos ko muna 'yong kwelyo ko pagkatapos tinignan ko 'yong sarili ko sa reflection ko sa cellphone ko. Nakita kong may nakalawit na buhok kaya nilawayan ko 'yong palad ko sabay punas sa buhok. Ayan! pogi na!

Lumapit ako ng confidently beautiful with a heart.

"Hi, Bbq." sabi ko habang nakangiti.

"Akin na 'yong libro ko. At 'wag mo akong tatawaging 'bbq', nakakasuka." Inabot ko 'yong libro at tumayo na siya at aakmang aalis na.

"Di ba tayo kakain?" tanong ko.

"Kumain ka mag-isa mo." sabi niya at nilagpasan ako.

Napabuntong-hininga nalang ako. Sayang naman 'yong polo-shirt, jeans at vans kong sapatos pati narin yung pag-aayos ko gamit ang laway ko, pati narin 'yong pamasahe papunta rito, pati pagbili ko ng 'Clear' na shampoo para anti-dandruff at mabango ang buhok, pati narin 'yong Gatsby na ginamit ko para maging flat 'yong buhok ko, 'yong sinulid na pink na dinekwat ko pa sa Selecta na ice cream na sewing box ni nanay para ipang-tahi sa butas kong favorite na medyas, may burda pa 'yon ng mickey mouse. Sayang talaga ang oras, pagod, pawis at dugo pagpunta ko rito, nakasalubong ko pa kanina ang mga Spartan sa daan at nakipagbakbakan, buti nalang dumating ang buong Avengers para tulungan ako. Wala naman pala akong mapapala.

Palabas na rin sana ako nang dismayadong dismayado nang nakita ko'ng nakahinto si Jalene at nakatingin sa malayo.

Bumalik siya sa akin at hinatak ako.

"O ano? pagkatapos ng lahat babalikan mo din naman pala ako eh!" sabi ko habang tumatakbo kami.

"Shut up!" tignan mo 'to, pinapatahimik ako pero siya din naman 'tong maingay. Isigaw ba naman ang 'shut up'?

Nandito kami ngayon sa harapan ng girl's restroom, buti nalang at wala masyadong nag-ccr.
"Jalene, kung may pagnanasa ka sa'kin, sabihin mo lang! hindi 'yong ganito! pinapagod mo ak--" tinulak niya ako sa pader habang tinatakpan niya ang bibig ko.

May tinitignan siya sa likod, kaya napatingin na rin ako.
Madaming tao masyado, sino ba 'tong tinitignan niya?

Maya-maya'y binitawan niya ako at may tinanong.

"Tell me, is that Alex?" tinuro niya sa akin 'yong lalaking naka-blue na shirt na may ka-holding hands.

"Ah, 'yong may kasamang babae? oo siya 'yon!" napatingin ako sa kaniya habang nakangiti.

Di ko alam pero may mali yata akong nasabi, lumungkot bigla itsura niya eh. Kaya nawala din 'yong ngiti ko.

"Akala ko busy siya." sabi niya nang may namuong luha sa gilid ng mata niya.

"Sabi niya may aasikasuhin lang siya, idedate niya lang pala si Elle." patuloy niya habang patuloy din na bumabagsak ang luha sa mata niya.

"Ako 'yong legal eh. Ako 'yong kilala ng mga magulang as a girlfriend. Ako  dapat ang nasa kalagayan ni Elle ngayon." sabi niya, kaya tinapik ko lang 'yong likod niya. Nag-hehesitate pa ako no'ng una kasi baka magalit nanaman pero hinayaan niya lang ako.

"Ahm..may I ask you something?" sabi ko, tumango lang siya.

"Niloloko ka ba niya?" ngumiti siya ng mapait.

"'Wag dito, baka kung ano ang isipin nila. Nasa girl's comfort room tayo oh." tapos pinunasan niya na 'yong luha niya at kinuha ang kamay ko. Bumalik kami sa Mcdo nang patago.

Um-order muna kami ng sundae at burger.

Pagkaupo namin, walang may balak magsalita. Nang nagkaroon na ako ng lakas ng loob, nagsalita na ako.

"Ahm..Jalene? a-ano ba'ng meron? I mean uh.." sabi ko nang nauutal, aba aba aba ngayon pa ako nakaranas nito ah.

"Since grade 7, may gusto na ako kay Alex kahit transferee lang siya. Kaso mas una niyang nagustuhan  si Elle n'on that time. Habang patagal nang patagal na naging kaklase ko si Alex, mas lalo akong na-fafall. After 1 year, nalaman ko'ng sila na. Pero dahil nga sa life status ni Elle, di siya matanggap ng family ni Alex. Ayaw nila kay Elle dahil nga sa nakakulong tatay niya dahil sa pagiging drug pusher at nanay naman niyang vegetable vendor, scholar lang talaga siya sa bawat school na napapasukan niya dahil matalino naman talaga siya. Noong nakita nila ako at 'yong magulang ko sa isang event sa campus, nagustuhan nila ako para kay Alex. Ako 'yong pinipilit nila kay Alex. Hanggang sa may isang subject na nabagsak si Alex at hindi siya mapatawad ng daddy niya, ginawa niya lahat pero di parin mawala ang galit ng daddy niya. Inisip niyang gamitin ako at ipakilalang girlfriend para makapagbati na sila. Ipinakilala niya ako sa magulang niya at pinakilala ko naman siya sa mga magulang ko. Masaya ako sa relationship namin, but I think I am the only one." tumigil siya nang lumuha ulit siya.

Binigyan ko siya ng tissue.

"Bakit ba siya bumagsak?" tanong ko.

"Kasi..." sabi niya.

"Kasi?" sabi ko naman,

"I-I can't trust you."

Napayuko nalang ako no'n.

"Mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan?" nakatingin lang ako sa kaniya. Napaka-seryoso nang usapan naming ito, mahirap magbiro.

"O-okay. He's a m-member of-of.."

she sighed

"Of fraternity since 8th grade. Member din dito si Elle, bukod sa matalino siya. Nakakakuha din siya rito ng matataas na grades. Grumaduate na ako ng Senior High at lahat lahat pero di ko parin alam kung paano siya nakakakuha ng matataas na grades through fraternity."

Nagulat ako sa sinabi niya at sa nalaman ko. This isn't a joke, it's a serious thing. Indeed.
Besides, alam kong pilyo si Alex at hindi maikakailang maraming magkakagusto sa kaniya dahil no doubt that he got the looks. Charming rin kasi 'yong kumag na 'yon.
But fraternity? alam kong hindi niya kayang gawin 'yon, pilyo lang siya pero matino 'yong pagkakakilala ko sa kaniya.

I don't exactly know why people are too determined to do some things that they know that isn't right? just to have something they want?

"Bakit ka naman pumayag? delikado 'yon diba? look, member sila ng fraternity. Baka anong gawin nila sa'yo." I said with a concerned tone.

"Mahal ko eh." napanganga lang ako sa sagot niya

"Foolish love." I sighed.

"Kainin mo na nga 'yang sundae mo. Baka sakaling lamigin 'yang utak mo at magising sa katotohanan." dagdag ko.

"Sana nga gano'n lang kadali mawala ang nararamdaman ko sa kaniya." ngumiti siya sabay subo sa sundae.

Di ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at sinabi ang mga salitang...

"Gusto mo ba?"

"Ang mawala ang sakit? oo. Gusto ko'ng mawala si Elle. Gusto ko akin na lang si Alex. Akin nalang siya."

Medyo nainis ako sa sinabi niya. Pero...

"I'm willing to help you. If you want to." I said.

"How?" sabi niya.

"Be my friend and you can always count on me." ngumiti ako.

Inabot niya ang kamay niya sakin habang nakangiti at sinabing.

"Friends" which is the most special thing I had, but also the worst thing I've got.

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon