8

48 3 0
                                    

Nagising ako ng mga alas kwatro ng madaling araw, naramdaman kong hawak ko parin ang kamay ni Jalene habang payapa siyang natutulog.

Binitawan ko siya at lumabas, medyo madilim pa n'on.
Paglabas ko, parang lumipas lang ang new year dahil sa sobrang kalat ng paligid.
Nakabukas pa ang mga disco light at tumutugtog pa ang sound system. Ang iba naman ay doon na nakatulog sa lapag dahil na rin siguro sa kalasingan.

Nakita ko si Elle sa gilid at tulala.

Nilapitan ko siya.

"Elle?" sabi ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

"Oo naman." sagot niya, halatang matamlay siya. Ano kayang nangyari?

"Dylan. May tanong ako." sabi niya.

"Ano 'yon?" sabi ko.

"Dahil kaibigan mo naman si Jalene, gusto ko lang malaman kung mahal ba talaga ni Jalene si Alex?"

"Oo. Mahal na mahal niya. Sobra." sabi ko na may lungkot sa tono ng boses ko.

"So, alam mo na pala? alam mo nang mayroong relationship silang dalawa?" sabi niya.

"Yep. To be honest, ayun ang dahilan kung bakit ako nandito." sabi ko.

"Sabi na nga ba eh." she smirked.

"Hindi lang pala ito kutob. Totoo palang may alam ka." sabi niya.

I nod.

"Tulungan mo siyang mahulog sa'yo at makawala siya kay Alex." sabi niya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"He doesn't love Jalene, me neither." nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kaniya.

"Naguguluhan ka. Alam ko. Mahal ko rin si Alex, sobra..." napatigil siya at pinunasan ang luha niya.

"Matagal na akong nagpapakabaliw sa kaniya. Nagulat ako noong sinabi niyang mahal niya rin ako. Napaniwala niya ako doon, to think that I'm just one of his toys. Kapag wala ako or si Jalene, may iba siyang babaeng kasama. Nagbubulag-bulagan nalang ako para sa kaniya.

"One time, nalaman kong may nangyari sa kanila ng isang college student na malapit sa campus namin and after several months, nalaman kong may nagbunga sa kanila, pumunta 'yong babae sa campus namin para sabihin 'yon pero di man lang niya kinausap. Gusto kong magalit sa kaniya pero di ko magawa, doon ko na-realize na mali na ang ginagawa ko, mali na 'yong nagmamahal ako sa isang taong may iba, gusto ko siyang sigawan, gusto ko siyang saktan kaso di lang sila basta mayaman eh. Lahat nakukuha niya at lahat kaya niyang gawin. Ngayon, di ko na alam kung nasaan na 'yong babae.

"Ayokong isipin mo na pinapalayo ko si Jalene kay Alex not because gusto kong maging akin siya ng solo. I want to take a revenge. Kasi kung iiwan ko man siya, may Jalene pa siya. Ewan ko rin ba kasi sa babaitang 'yan kung bakit baliw na baliw kay Alex. Kaya nga mas lalo kong dinidikit ang sarili ko kay Alex para layuan niya na at para wala nang matira sa kaniya. Masakit man para sakin, but sometimes doing a revenge and letting someone go is the right thing to do."

"Bakit di mo  kausapin si Jalene?"
sabi ko

"Hindi naman kasi ako maintindihan ni Jalene eh. Iniisip niya palagi na aagawin ko si Alex sa kaniya."

"May gusto rin akong tanungin kaso okay lang ba sa'yo? may pagka-personal kasi eh." sabi ko.

"Okay lang." sabi niya

"Totoo ba'ng naging member kayo ng fraternity at doon ka humahatak sa grades?"

Naningkit ang mata niya na parang nagtataka.

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon