Two

112 4 2
                                    

"Dylan, di ka pa ba uuwi?" tanong sa akin ni Alex habang naglalakad, napansin nya siguro na iba ang daang pupuntahan ko.

"Di pa eh. Gagala muna ako." sabi ko habang diretso na naglalakad at di nakatingin sa kaniya.

"Sakto, p'wede humingi ng favor?" tanong ni Alex.

"Sige ba, ano 'yon?" napahinto ako napatingin sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at bumulong,

"Pwede mo bang samahan muna si Jalene? bibili lang naman siya sa NBS ng libro. May aasikasuhin lang." napatingin ako sa likod kung saan naglalakad papunta sa amin 'yong bestfriend niya habang nakatingin sa mga stand sa tabi.

"S-sige." sabi ko nalang.

Tinapik niya ang balikat ko,
"Salamat Dy, ingatan mo siya ah."

Ngumiti ako at tumango ako bilang sagot.

ingatan mo siya ah

Di ko alam pero napapaisip at napapangiti ako sa sinabi niyang 'yon, siguro dahil sa natatawa ako dahil nagkakaroon 'to ng double meaning sa utak ko.

Nilapitan niya si Jalene at may sinabi siya dito kaya napatingin siya bigla sa akin, tungkol siguro iyon sa sinabi niya sa akin 'yon. Parang nag-hehesitate pa siya no'ng una. Mukha ba akong rapist o holdaper? grabe siya makatingin ah, kay Leonardo DiCaprio kaya ako pinaglihi.

"Ahh-uhh.. Jalene?" sabi ko, di niya ako pinansin at dirediretso na siya sa pupuntahan niya kung saan man siya papunta. Tinignan ko ang kamay ko di niya ba ako  nakita? baka naman habang kinakausap kanina ni Alex si Jalene ay biglang nag collapse ako sa sahig dahil sa nakain ko o kaya may sniper na mali ang nabaril o kaya may nalaglag na bakal kaya namatay ako at kaluluwa ko nalang 'to kaya di niya ako nakita.

To make it sure, may lalaking bumibili ng ice cream at hinampas ko sa likod. Na-realize kong natamaan ko siya at kumaripas ako ng takbo, buti nalang at maraming tao kaya di agad ako nahuli.
Hinabol ko si Jalene habang hinahabol ang hininga.
"Kamuntikan na ako doon! phew! Jalene, yuhoo?! di mo ba ako nakikita?" sabi ko habang sinusundan ang lakad niya at kinakaway kaway ang kamay ko sa harap ng mukha niya.

Diretso parin ang tingin niya na tila bang wala siyang nakikita.
Tinignan ko lang siya, "bulag ka ba? parang kanina nakikita mo ako ah. O baka akala ko lang na nakikita mo ako kanina?" sabi ko.
Nilalapit ko mukha ko sa kaniya nang biglang...

"Could you please stop bothering me?! I don't need you to accompany me, ayokong may kasabay ako na hindi ko kilala." Pagkatapos n'on ay nagkatinginan lang kami sa isa't isa kasi The Heck! ang lapit ng mukha namin sa isa't isa!

Kasi habang nilalapit ko ang mukha ko sa kaniya, bigla naman siyang humarap at nagsalita. Oy ah, ang bango ng hininga niya ah *winks*.
"Ms. Jalene, di ko naman 'to gagawin kung hindi dahil sa bestfriend mo."
at naglakad na ulit si Jalene.

"Stay away from me, then. That's my command. FYI, he's my boyfriend."

"Eh? boyfriend? eh 'di ba..."

"Shut up. It's none of your business. You have no rights to know something about my life."

"Well, wala ka paring magagawa. Sasamahan kita hanggang sa makabalik si Alex. Mas kilala ko siya kesa sa'yo."

"Kaya nga, kaya layuan mo na ako kasi di tayo magkakilala." sabi niya na mas lalo pang binilisan ang paglalakad

"Di ka ba napapagod? kanina pa kita hinahabol dito ah."

"Huwag mo na kasing habulin kung alam mo namang ayaw no'ng tao sa'yo."

"Woah. Hugot 'yon ah! hahahaha." I burst into laugh habang naglalakad, bigla ba naman kasing babanat ng ganun?

"Whatever. Di 'yon hugot." sagot nalang niya.

Pumasok na kami ng NBS, pumunta siya sa section ng mga novel books, nandoon lang ako sa likod niya at natingin din ng libro.
So she has a fond of books huh? may pagka bookworm pala 'to, di nga lang halata.

She's a type of girl kasi na hindi mo mahahalatang palabasa, kasi mukha siyang happy-go-lucky na tipo ng tao. Mukha siyang masayahin at makulit pero reciprocal pala ng itsura niya ang ugali niya.

Akala mo nakangiti pero 'yon na pala ang poker face niya. Sabi nga naman talaga, "don't judge the book by its cover,"
Napakasungit niyang tao.

Habang sinusundan ko siya, napunta na kami sa wattpad books section.
May nakita akong book na naka-agaw pansin sa akin dahil iisa nalang din 'tong librong ito sa bookshelf.
"Looking For Alaska by John Green." bulong ko sabay ng pagkabasa ko sa title.

Bigla namang hinablot nang parang holdaper 'yong libro. "Aha! ito na 'yong hinahanap ko!" sabi ni Jalene habang ngiting-ngiti.

"Psh. Manners." sabi ko at tumalikod.
"Duhh." narinig kong bulong niya. Naglakad siya papuntang counter at nilagpasan ako.

"You should thank me by that." sabi ko.

"Stay away from me." napangisi nalang ako sa sinabi niya. Bastos din aba.

-

"Puwede mo na akong lubayan, tatawagan ko na si Lex." sabi niya.

"Not until he came." I smirk.

Di niya ako pinansin at tinawagan niya na si Alex.

"Hello.. ahh...sino kasama mo? si Elle? okay... sige... bye....

I love you."
narinig kong sinabi niya 'yong 'I love you' pagkatapos mag  end n'ong call.

"He won't come back. Puwede mo na ba akong layuan?" she said in a weary tone.

"Hanggang sa terminal ng jeep." I said.

Di niya na ulit ako pinansin at nauna na siya. Kanina pa 'to ah, I feel so neglected.

"Boyfriend turing mo sa kaniya eh 'di ba bestfriend lang ang pagpapakilala niya sa'yo?"

"He's my boyfriend." padidiin niya.
Napatango nalang ako, dibale na nga. Bahala siya. Buhay naman niya 'yan.

Nang nasa terminal na siya, tabi ng parking area..

"Puwede mo na ba akong lubayan?"

"Iisa lang naman pala ang daan natin eh." sabi ko nang nakangiti.

"The heck." umirap siya sabay akyat ng jeep.

Napatingin ako sa kaniya pagkaupo ko,

"Mukha ka namang mayaman, pero.."

"Pero nag-jijeep at walang kotse? the way you live doesn't address your status in life, it is the way how we grew up and how we learned in our environment." Pagkatapos n'on ay umupo na siya sa jeep. Napatulala lang ako sa kaniya. Matalino naman pala masungit lang talaga.

"Mahal mo ako eh. Diba? Diba?" narinig kong bulong niya sa sarili habang nakatingin sa phone niya.

And that were the words that I hate the most.

***

A Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon