Karryle Pov:
"Nandito ka lang pala bes,"sabi nung tao sa likod ko,paglingon ko si jane pala
"Wala,nandun ako sa canteen,haha joke"sabi ko sabay peace sign
"So?ano nang balita tungkol sa oh-so-called-arrange marriage niyo ng labz mo?"tanong niya habang tinapunan ako ng mapanuksong tingin,agad naman yung nawala nung nakita niya akong hindi kinilig
"Ewan ko nga bes eh,hindi ko nga alam kung papayag ba siya sa gustong mangyari ng mga parents namin,seriously sino namang ponchong pilato ang pumayag na ipakasal sa taong di kakilala?"tanong ko sa kanya
"Okay lang yan bes"sabi ni jane at niyakap ako,niyakap ko din siya pabalik kasi i need a shoulder to lean on today,
"Okay lang para sayo,kasi di naman ikaw ang nakaramdam,joke again"sabi ko
"Ashuu mga hugot mo bes"sabi niya
"Pero seriously bes,pano kung hindi siya papayag?pano kung magrerebelde siya sa parents niya dahil ipapakasal siya sa babaeng di niya kilala,pano kung hindi siya susulpot sa meet up namin mamayang gabi?pano kung di niya ako magustuhan?pano kung ikakasal na kami tas hindi siya susulpot?pano kung malaman niyang pangit pala ang babaeng papakasalan niya?pano kun-"naputol ang sasabihin ko when she cut my words using her index finger
"Tangina naman bes oh,puro ka nalang what if-what if,lintek na what if na yan,pano mo malalaman kung hindi mo susubukan,atsaka wag mo nga idown ang sarili mo karryle.maganda ka tandaan mo yan,atsaka bukod sa maganda ka,maganda din ang kalooban mo kaya nga tayo naging magbestfriend diba?nasan na yung confidence mo?" Tanong ni bes na nangangapa ng sagot mula sa akin
"Ewan ko nga bes eh,mawawala ang confidence ko pag siya na ang pinag-uusapan,baka kasi di niya ako magustuhan"sabi ko nalang
"Negative thinker ka kasi karryle,wag ka ngang mag-isip ng mga negative,minsan nga maging positive ka,"sabi niya habang nakakunot ang noo. At alam kung seryoso siya pag nakakunot ang noo niya
"Di ko kasi maiiwasan jane eh,di ko maiiwasan na isipin kung pano kung di niya ako kayang mahalin,pano kung papahirapan niya lang ako?"tanong ko sa kanya
"Yan nanaman ang pesteng what if na yan eh,di mo malalaman kung di mo susubukan bes,kung mahal mo ipaglaban mo,ano namang mapapala mo kung tutunganga ka lang diyan at mag isip ng kung ano-ano?sa hinaba-haba ng panahon tayo naging mag-bestfriend karryle,ngayon ko lang napansin,duwag ka pala"sa sinabi ni jane na iyon,bigla akong napalingon sa kanya,bigla kung naisip na dapat hindi ako magpadala sa mga iniisip ko,bigla kung naisip na simula pa lang ang laban sumuko na agad ako
"Tama ka jane,duwag nga ako..duwag ako kasi hindi ko man lang kayang ipaglaban ang pagmamahal ko kay sky,duwag ako kasi simula pa lang ito sumuko na agad ako,at dahil sa sinabi mo natauhan ako. Kahit babae ako ginawa ko lang ito dahil mahal ko siya ,kailangan kung maging karapat-dapat na maging asawa niya..ipakita ko sa kanya na deserve akong mahalin, tandaan mo Jazzmine Karryle De Guzman maganda ka tiwala lang"sabi ko sa sarili ko at pilit na pinapagaan ang loob ko nagulat nalang ako nung may pumalakpak
"Bravo!Support na lang ako sainyo bes"sabi niya at niyakap ako,niyakap ko din siya pabalik
"Thank you very much bes,salamat kasi pinalakas mo ang loob ko"sabi ko
"Anything to my best buddy bestfriend"sabi niya
"Punta ka sa bahay mamaya ha?tulungan mo akong mag-ayos"sabi ko kasi ngayong alas siyete na ang meet up namin
"No prob"sabi niya at kumalas na kami sa yakapan namin
***
Nung maghapon sabay kaming pumunta ni jane sa bahay
BINABASA MO ANG
The Desperate Wife (Completed)
HumorAng babaeng nangangarap na makamit ang lalaking mahal niya Ang babaeng handang magpaka-desperada kahit masaktan man siya ng paulit-ulit Magiging masaya nga ba siya pag malaman niyang isang araw abot-kamay na niya ang taong mahal niya? Magiging masay...