Karryle Pov:
Iyak lang ako ng iyak sa nalaman ko,hindi ko kakayaning mawala ang mga anak ko. Hindi ko matanggap-tanggap na tuluyan ng mawala saakin ang mga anak ko.
Kasalan lahat ni crisel at skyler ang nangyayari sa mga anak ko. Bakit ba? Kailangan pa nilang gawin yun? Bakit pa ba? Humantong ang buhay ko sa ganitong sitwasyon? Ang tanging hiling ko lang naman ay magkaroon ng masaya at mapayapang pamilya,pero bakit nagkaganito ang nangyari sa buhay ko?
Ang sakit-sakit. Hindi ko matanggap-tanggap. Ang sakit mawalan ng minahal sa buhay. Para akong patay na buhay
Yun bang buhay ang katawan ko,pero patay ang diwa ko. Kasalukuyan akong nakadapa dito sa kwarto ko.Tiningnan ko ang crib ni angela,namimiss ko na ang anak ko,,di nila alam kung gaano kasakit mawalan ng isang anak.Dala-dala ko siya sa pitong buwan na yun,,kahit nahihirapan ako nun kinaya ko para sa magiging anak ko
Last week pa sinabi saakin ni sky ang nangyari, at halos magdamag akong umiiyak dahil namimiss ko na ang anak ko,,pati yung anak ko na nasa sinapupunan ko.Sana ako nalang ang namatay,sana hindi nalang pala ako nabuhay,
Ano?masaya na ba silang dalawa ni crisel? Na wala na ang mga anak ko? Masaya na ba sila sa nangyari sakin?
Hindi ako makakapag-move on,ni hindi ko man lang nakita ang mga anak ko sa huling hantungan nila
Naawa ako sa mga anak ko,wala silang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid nila,hindi nila deserve na mawala agad,,
Pag-maalala ko lang ang mukha ni angela,napahagulhol nalang ako ng iyak,,yung inosenting mukha niya,hindi ko na makikita,,yung mga ngiti niya hinding-hindi ko na makikita,,yung pakiramdam na kargahin siya hinding-hindi ko na maramdaman,,yung mga maliliit niyang kamay na hahawakan ang magkabilang mukha ko,hinding-hindi ko na din mararamdaman
Angela bakit mo iniwan si mommy? Mahal na mahal na mahal ka ng mommy,,bakit mo ako iniwan agad anak?ang daya-daya mo naman eh,,namimiss na kita anak. Pangako ko sa sarili ko anak,ipaghihigante ko kayo sa pumapatay sainyo
Maging ang daddy mo,
Magbabayad sila sa pagkuha nila sa mga anghel ko,,itatak niyo sa isip niyo Skyler James Acosta And Veronica Crisel Leewart..ipaghihigante ko ang mga anak ko
Hinding-hindi ko kayo patitikamin ng langit..magdudusa kayo sa pagpahirap ko sa inyo
Hindi muna sa ngayon pero dadating ang panahon na magbabayad kayo sa pagpatay sa mga anghel ko,lalo ka na Crisel
Bago ako matulog nag-iisip muna ako nang kailangan kung gawin. At ngayon desidido na talaga ako
The next morning maaga akong nagising para pumunta sa abogado namin ni sky,,pepermahan ko na yung annulment papers
Magpapakalayo na ako,kahit mahal ko siya,titiisin ko muna ang mapalayo sa kanya,,dahil sa bawat makikita ko yung pagmumukha niya mas lalong nadagdagan ang galit ko sa pagpatay nila sa mga anak ko
Nang matapos ko ng permahan lahat ng yun. Wala na,wala na kaming connection ni sky,hindi na kami mag-asawa..
Pumunta ako sa bank account ko at nagwithdraw..may binilin pala si mommy at daddy sa bangko ko , makakatulong ito para sa sarili ko. Gusto ko ng magkaroon ng mapayapang buhay, ayokong makulong sa ganitong sitwasyon
Nagwithdraw ako ng 3M,,kinakailangan ko talaga yung ganitong kalaking pera. Bumalik ako sa bahay namin ni sky 'dati' nung mag-asawa pa kami at inayos ang mga gamit ko..isa-isa kong nilagay yun sa maleta ko
Muli kung nakita yung lampin ni angela,,niyakap ko yung nag-iisang alaala niya at bumuhos nanaman ang mga luha ko
Dinala ni sky ang mga gamit ni angela sa mismong kabaong niya,kaya etong nag-iisang lampin lang ang tanging ala-ala ko kay angela,,
Dadalawin muna kita angela,bago ako lilipad papunta sa ibang bansa. Pinahid ko na ang mga luha ko at bumuntong hininga
Alas 3 na ng hapon at mamayang alas 5 na ang flight ko,
Nakita ko naman si sky sa sala habang nanonood ng movie,umiinom siya ng wine,siya lang mag-isa na umiinom at nanonood ng movie
Hindi ko siya pinansin at nagsimulang maglakad palabas ng bahay
"Saan ka pupunta?" Biglang singit niya sa tagiliran ko
"Aalis na ako,,ano pa ba ang saysay ng pagsasama natin sa iisang bubong?,nakalimutan mo bang?hindi na tayo mag-asawa?" Sabi ko at lalakad na sana pero pinigilan niya ako
"Kung yun ay hahayaan kitang umalis" sabi niya
"Skyler let me go,,ayaw kong makita ka,kasi pagmakita ko yang pagmumukha mo,,nadagdagan ang galit ko sa inyo ng girlfriend mo,,kayo ang dahilan kung bakit sila namatay" sabi ko at may pumatak nanamang luha sa mga mata ko
Hanggang kailan ba ako iiyak?sawa na akong umiyak,,gusto ko pagbalik ko,hindi na ako iiyak
Binitiwan ko yung kamay niya at aalis na sana ng magpamauna siya
Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko inaasahang ang isang Skyler James Acosta ay luluhod sa harap ko
"Please Jazz, wag mo kung iwan patawarin mo ako sa mga kagaguhan ko,nagsisi na ako,please jazz bumalik ka na sakin"pagmamakaawa niya sa harap ko
"I'm sorry sky pero pagod na ako,pagod na akong intindihin ka,pagod na akong mabugbog at higit sa lahat pagod na akong mahalin ka,ayoko na,suko na ako,hindi ko na kaya. Baka naman panahon na para layuan na kita"sabi ko habang nakatingin diretso sa mga mata niya
" Jazz,nagsisisi na ako,please jazz,,promise magbabago na ako,hindi na ako ang skyler na kilala mo,,magsisimula ulit tayo jazz,please..I Like You"sabi niya habang nakaluhod parin sa harap ko
He likes me?pero hindi. Siya ang dahilan kung bakit nawala saakin ang mga anak ko
"Alam mo ba kung gaano kahirap magmove-on sa lahat ng nangyayari ha?sky?kahit ilang araw ko nang nalaman ang katotohanan hindi parin naibsan ang sakit,lalo na sa pagkawala ng mga anak ko,," sabi ko,eto nanaman ang mga traydor kung luha kusang pumatak na hindi ko namamalayan
"Jazz,please i need you,,nalaman ko din na Veronica niloloko niya lang ako at nakikipaghiwalay na ako sakanya" sabi niya
Sinampal ko siya,isang napakalas na sampal to the point na namanhid ang mga kamay ko
"Ginamit mo nanaman ako skyler?kaya ba sinabihan mo akong I Like You kasi nalaman mong niloko ka ni crisel?hindi ako laruan skyler,, tao ako.tao..may nararamdaman din,,hindi ako gamit para gamitin mo nalang ng basta-basta,,porket niloko ka ni crisel ako nanaman ang lolokohin mo?hindi ako gamit skyler tandaan mo yan" sabi ko
"Pero jazz,gusto na kita nung hindi ko pa nalamang niloko niya ako" sabi niya ulit
"Tss?kung gusto mo ako?bakit dinamay mo pa ang walang kamuwang-muwang na mga bata?ang sabihin mo kaya mo lang yan nasabi kasi naguguilty ka,tama ba sky?,,aalis na ako baka malate ako sa flight ko,,ginawa ko ito para sa sarili ko..pero hindi mawala-wala ang nararamdam ko para sayo mahal na mahal parin kita skyler" sabi ko and i give him a quick kiss
Pumara na ako ng taxi at nagpahatid muna sa sementeryo.Dumaan muna kami sa flower shop at dumiretso sa sementeryo. Tinext ko din si angelo kung saan nakalibing si angela at natunton ko din ang libing nila.Nagbigay lang ako ng mensahe at umalis na
Walang sino man ang may alam kung saan ako pupunta,
***
#may 24,2017
#at exactly 11:23 pmMukhang hindi ako makaka-UD ng biyernes *may 26,2017*..kasi may laro kami ng volleyball.. Kaya binawi ko nalang ngayon
Don't forget to vote and comment... Ciao
BINABASA MO ANG
The Desperate Wife (Completed)
HumorAng babaeng nangangarap na makamit ang lalaking mahal niya Ang babaeng handang magpaka-desperada kahit masaktan man siya ng paulit-ulit Magiging masaya nga ba siya pag malaman niyang isang araw abot-kamay na niya ang taong mahal niya? Magiging masay...