chapter 58:time to choose I

2.5K 33 2
                                    

Karryle Pov

Pumunta na kami sa lugar kung saan ibinigay nung caller ang location kung saan nila dinala ang anak ko. Hanggang ngayon nangangatog pa rin sa takot ang mga tuhod ko.

Fvk please wag niyong saktan ang anak ko, i can't bare seeing my child in pain. Di ko talaga kakayanin, mas mabuting ako nalang ang masasaktan kesa sa anak ko na walang kamuwang-muwang

Pinahurot ni sky ang kotse niya at agad naman naming natuntun ang location na binigay nung caller. Mas lalong nadagdagan ang takot ko nung nakalabas na kami. Nagdadagundong na sa kaba ang puso ko. Nilibot ko ang paningin ko at wala maski isang tao ang nandidito

Isa siyang malaking bahay na inabandona na,ewan ko pero sa tinagal-tagal na pamamalagi ko dito sa manila,ngayon ko palang napupuntahan to. Ang creepy ng paligid dumagdag pa ang madilim na eskinita. Buti nga natuntun namin ni sky ang binigay na location eh

"Where's our son" biglang sigaw ni sky,na para bang nasa gitna siya ng kagubatan at hindi takot kung ano man ang makasalubong niya. Walang sumagot sa sigaw niya kaya mas lalo akong kinabahan.

Ang creepy kasi itong bahay nato,malayo kasi ito sa karsada kaya walang sinuman ang makakakita sa bahay nato. Sabay naming pinasok ang abandonang bahay nato na wala masking isang dala na armas para iprotekta man lang,nasesense kung may tao sa paligid. Kaya mas lalo akong kinabahan. Tinulak ng mahina ni sky ang pinto at nagpamauna siya habang ako naman ay nasa likuran niya, na nangangatog na sa takot. Pero hindi! Hindi takot ang kailangan ko ngayon, kung hindi lakas ng loob at tatag para mahanap namin ang anak ko

"Maghihiwalay tayo sky,wag mo na akong alalahanin,sanay na ako dito" pageencourage ko kay sky. Totoo,sanay na ako sa sapakan nung nasa canada kasi ako ay nag-aaral ako ng martial arts at yung pinili ko talagang trainor ay yung professional na,matagal man bago ko namaster ang martial arts,pero natuto rin di kalaunan

"No jazz. I won't leave you,baka ikaw nanaman ang kukunin nila. Sapat nang kinuha nila ang anak ko,wag lang pati ikaw," sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Huminga ako ng malalim at kumalas sa pagyakap niya sakin

"Sky,i need to do this. Hindi natin siya mahahanap kung sabay natin siyang hahanapin. Maghiwalay tayo para mas maging madali ang paghanap natin sa kanya" sabi ko at nginitian siya. Ninakawan ko siya ng halik sa labi at nagthumbs-up. unti-unti akong lumayo sa kanya. Hanggang sa hindi na siya nakita ng mga mata ko

Paglingon ko sa harap ko nagulat nalang ako nung may papalapit saakin na dart. Fvk buti mabilis ang reflexes ko at agad akong nakaiwas. Pilit kung hinanap kung sino ang bumato nun kahit madilim ang buong bahay,tanging buwan nalang talaga na malapit ng matakpan ng ulap ang nagsisilbing liwanag sa buong bahay. Wala kang maski isang makita sa paligid mo kundi madilim. Pero sanay na ako sa madilim at nasesense ko lang na nasa malapit lang ang kuntra kapag bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ako mapakali.

Wala akong maski isang dalang armas para iprotekta sa sarili ko. Patuloy parin ako sa paglinga-linga nung may lumabas na tatlong lalaki sa harap ko

"Nasan ang anak ko" tanong ko sa kanila. Pero parang pipi lang sila kasi hindi sila sumagot. Nagsmirk muna ako at inihanda ang sarili ko

'Let the battle begin dudes'

Unang sumugod saakin yung isang lalaki pero bago pa siya makalapit inunahan ko na siya ng sipa sa tiyan at agad namang siyang tumilapon sa lakas-lakas na pagsipa ko sa tiyan niya. Yung dalawa naman ay agad ding naalarma at dalawa pa talaga silang sumugod saakin. Pasugod pa lamang sila sa akin pero umupo ako at pinatid ang tuhod nila ang siyang dahilan kung bakit sila napadaing sa sakit. Mas lalo akong naganahan kasi matagal-tagal narin nung muli akong lumaban at nagensayo

Sabay pa talaga silang tatlo na bumangon at nakangisi na pasugod saakin. Hindi ko na sila hinayaan pang lumapit at ako na ang lumapit sa kanila. Sinipa ko sa mukha yung isa at yumuko ako para suntukin sa sikmura yung pangalawa,habang yung pangatlo naman ay tinulak ko ng pagkalakas-lakas at tumilapon siya sa pader. Hindi pa ako nakuntento at pinaulanan ko ng suntok ang sikmura niya. Nung nanghihina na siya ay ngumisi muna ako atsaka ako humarap

*booooggssshhh*

"Ouch! Fvk ang sakit" daing ko kasi sinipa ang mukha ko ni boy 2, fvk ang sakit, naramdaman ko agad yung likido sa bibig ko. Fvk di ako makakapagpayag na hindi makaganti. Tumayo ako galing sa pagkaupo ko at sinugod yung tatlo na nakarecover na,amputa ang titigas ng bungo. I need to find my son pa,puta

Kung kinakailangan kong pumatay,gagawin ko para sa anak kung walang kamalay malay na dala-dala sa demonyo,

Nagpalinga-linga ako at sakto ding may nakita akong lubid,kahit madilim tumakbo ako sa may lamesa para kunin yung lubid. Nagtaka naman yung tatlo sa ginawa ko. Bumalik ako sa kanila at tinago ko muna ang lubid sa likuran ko. Muli silang sumugod saakin pero bago pa sila makalapit saakin,ginawa kung latigo ang lubid at nilatigo yung tatlo, nadapa sila sa kinatatayuan nila. Tinake advantage ko ang pagkakataon na yun at kinuha ang baril nilang tatlo, yung isa tinago ko sa gilid ng jeans ko,at yung dalawa ko namang kamay ay dala-dala yung dalawang baril. Bago pa sila bumangon binaril ko sila and in a snap nawalan sila ng malay.

Kahit madilim pinilit kung inaninag ang madilim na bahay na ito habang nagpalinga-linga sa paligid. Narinig kong may kumaluskos sa bandang kaliwa ko kaya agad akong pumunta dun,

"Pssst" sitsit ko sa dalawang lalaki na gaya nung naencounter ko kanina ay nagmask din sila. Bago pa sila lumingon sa gawi ko binaril ko na sila. Nice silencer gun

Patuloy parin ako sa paghahanap sa mga men in black na madadaanan ko. Nagpalinga-linga pa ako nung maramdaman kung may malamig na bagay sa leeg ko

"Welcome" sabi niya at narinig ko pa siyang ngumisi kaya yung kaninang confident na confident na makipag-away ay biglang nawala. Napalitan ng takot,kaba at galit

"Nasan ang anak ko" sabi ko sa kanya na hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan namin ngayon. Pilit kong iwinaklis sa isip ko ang takot. Iikot na sana ako para mabitawan niya yung malamig na bagay sa leeg ko nung magsalita siya

"One last move,at sa sementeryo ang bagsak ng anak mo" sabi niya at ramdam na ramdam ko ang pagnginsi ng putangina

***
#september 9,2017

Happy birthday sa lahat ng may birthday,

Wew pakalz kanina dudes,,ba't di ko pa ba didiretsuhin?hmmpp

By the way happy birthday pala ni crush,hmmppp ang tanda mo na crush,18 ka na pala samantalang ako nag15 nung april. Hmmppp sana masaya ka na sa gf mo,susuportahan nalang kita,kasi yan naman ang routine ko,ang taga suporta sa lablayp ng taong mahal ko.. Oo na ako na pangit,hmmpppp

The Desperate Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon