Karryle Pov:
May mga bagay talaga na hindi para saatin. May mga bagay talaga na kahit anong takbo mo pa,pag si tadhana na ang naglaro ng buhay mo maabutan ka talaga nito. Ito ang araw na kinatatakutan ko. Ito yung araw na ayaw kung mangyari. Ayaw kong mawala si skyler saakin. Mahal na mahal ko siya
Aaminin ko nung nasa harap nila ako,nagpanggap akong matapang but deep inside nasasaktan na talaga ako. Matapang man ako sa paningin ng ibang tao,pero si skyler parin ang kahinaan ko
Pinigilan ko ring huwag maiyak sa harapan nila,but my tears are traitors..kusa silang pumatak na hindi ko namamalayan
Natanaw ko na silang dalawa na pababa,,natutulog pa si angela sa kwarto ko kaya ako lang ang nandito sa sofa
Nakabihis na si sky pati na rin ang balbal na kabit niya,pupunta sila sa abogado kasi ipa-walangbisa na ni sky ang kasal namin
Lumapit ako sa kanila at lumuhod
"Sky,please wag mo namang gawin sakin to,sky please nagmamakaawa ako sayo,lahat ng sakit tiniis ko para makasama lang kita,lahat ng paghihirap tiniis ko para makita kita ng mas matagalan,sky please don't do this to me,i'm begging you. Sky please,titiisin ko kahit masakit. Wag mo lang gawin to? Please sky mahal na mahal lang talaga kita sky eh. Wala akong pakialam kung magmahalan man kayo ni crisel,wala akong pakialam kung maglambingan pa kayo sa harap ko. Pero skyler please? Wag ka ng magfile ng annulment please? Para sa ganitong paraan may ugnayan pa ako sayo" umiiyak kung pagmamakaawa habang nakaluhod sa harap niya
"Ano ba?my decision is final,i want an annulment karryle,gusto kung si veronica ang mapapangasawa ko hindi ikaw. Si veronica lang ang gusto kong maging ina sa mga anak ko at kahit kailan man hinding-hindi magiging ikaw yun. Naiintindihan mo ba?" Sigaw ni sky sa akin habang nanlilisik ang mga mata
"Awts kawawa ka naman haha" sabi ng balbal at naghalikan pa silang dalawa sa harap ko. Naghalikan sila samantalang ako nakaluhod sa sahig at iyak ng iyak na nakatingin sa kanila. Ang sikip na ng dibdib ko
"Sky,wala na bang pag-asa?ginawa ko naman ang lahat diba?..diba ikaw pa ang may sabi na susubukan mo akong magustuhan?natatandaan mo ba yun sky?" Umiiyak ko paring sabi habang pinipigilan silang umalis
"Oo na,sinabi ko ng susubukan kung magustuhan ka,,pero kahit anong pilit kung gustuhin ka,hindi nakiayon saakin ang puso ko,,hinding-hindi kita magugustuhan kahit kailan" sigaw ni sky habang salubong ang mga kilay niyang nakatingin sakin
"Pero sky,ginawa ko naman ang lahat diba?sky kahit hindi mo nalang ako piliting magustuhan,basta kasama lang kita lagi" sabi ko sakanya habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko
"Hah?yan karryle eh,,yan ang ayaw ko sayo,,kahit hindi ko gusto pinipilit mo akong gustuhin,,in short nasasakal na ako sayo" sabi niya
"Pirmahan mo ang kontrata,kung ayaw mong patayin ko ang anak mo" nanlilisik na mga matang nakatingin siya sakin
"Sky,hindi ko kaya sky,,mahal na mahal kita,,please sky lahat gagawin ko wag ka lang magfile ng annulment..." Pagmamakaawa ko sakanya
"Ahh lahat gagawin mo?sige magpakamatay ka nalang,baka sakaling maging masaya na ako nun,kasi wala nang sagabal sa buhay ko,isama mo narin ang anak mo" sabi niya at tumalikod na sila
Iyak lang ako ng iyak,,nanghihina ang tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig
Sky ayokong mawala ka,ikakamatay ko yun
"K-karryle,karryle anong nangyari sayo?" Lumapit sakin si angelo at inalalayan ako patayo
"Angelo,hindi ko kakayaning mawala sakin si sky,ikakamatay ko angelo,,huhuhuhu angelo tulungan mo ako..ang sakit-sakit na ng dibdib ko,,lahat naman ginawa ko para mahalin niya ako pabalik eh..sa tingin mo angelo?hindi ba ako deserve na mahalin?" Umiiyak kung tanong sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/104869248-288-k112642.jpg)
BINABASA MO ANG
The Desperate Wife (Completed)
HumorAng babaeng nangangarap na makamit ang lalaking mahal niya Ang babaeng handang magpaka-desperada kahit masaktan man siya ng paulit-ulit Magiging masaya nga ba siya pag malaman niyang isang araw abot-kamay na niya ang taong mahal niya? Magiging masay...