Karryle Pov:
Hooohhh ngayon na ang araw na hinihintay ko,ang makasama siya sa harap ng diyos,yun nga lang one sided love lang ang nangyari,ako lang ang nagmahal habang siya naman ay walang pakialam sa nararamdaman ko
Inayusan na ako ng stylist dito,aaminin ko sa loob ng isang buwan hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko,lalo na pag palagi kaming magkasama,iba nga lang sa school,secret married lang ang sa amin,
Ng matapos nila akong ayusan,bumalik nanaman ang kaba ko,mas doble ang kaba na naramdaman ko ngayon kesa nung meet up namin,
Ang daming negative na pumasok sa isip
'Pano kung hindi siya susulpot?'
'Pano kung may pumigil sa kasal namin?'
'Pano kung masira ang okasyon na ito?'
At marami pang negatibong pumasok sa isip ko,wag naman sana
Private din ang simbahan namin,tas yung bestfriend ko,yung mga kaofficemate nina mommy,mommy lean,daddy and daddy dan ang aattend lang sa kasal namin
Hindi nakapunta ang parents ni jane,kasi may problema din ang company nila,damay sana si bes pero gumawa siya ng paraan para suportahan ako,at makita daw niya ang bestfriend niya na ikakasal sa taong mahal niya
Hoohh babanggitin kaya niya ang ' I DO'?
Nang makarating kami sa simbahan,grabe ang kaba na naramdaman ko ngayon,kasama ko si mom and dad sa magkabilang gilid ko
"I can't believe Vince that our daughter will get married"sabi ni mom na panay punas sa luhang nagsisituluan sa kanyang mga mata
"Me too,vanessa"sabi naman ni dad na namumula na din ang mata. And any minute from now tutulo na din ang luha niya gaya ni mom
May isang coordinator ang sumigaw sa loob ng simbahan
"The bride is here"grabe sobrang kaba ko na ngayon,para akong maiihi na ewan,nandun nanaman yung negatibong pumasok sa isip ko
Nandun na kaya siya sa loob? Nang bumukas na ang simbahan nakita ko siya sa harap ng altar,napaiyak ako kasi di niya kami binigo,nagsimulang tumulo ang luha ko sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon
Nauna ang mga bridesmaid at yung mga partner nila,tsaka yung ring bearer yung luluhod sa kasal namin,parang totoo diba?pero ang totoo sikreto lang pala,kunti lang ang nakakaalam,for some random reasons
Kasunod nun ang mga flower girls,kahit arrange marriage lang ito pinaghandaan talaga ng mga parents namin ang araw na ito,
Pagtapak ko sa simbahan naluluha ako,kasi sa wakas ang lalaking pinapangarap kong makasama sa buhay natupad na,pero sad to say di pala ito habang buhay,magwakas din ito after 2 years,isa saamin ang mag file ng annulment,at sigurado na akong si sky iyon.
Nasa kanan ko si mom,nasa kaliwa ko naman si dad,hinatid nila ako sa lalaking pinakamamahal ko,
'Sir,i'm a bit nervous,
'Bout being here today
Still not real sure what i'm going to say
So bare with me please
If i take up to much of your time,
See in this box is the ring for your oldest
She's my everything and all that i know is
It would be such a relief if i knew that
We were on the same side
Very soon i'm hoping that I...'Sana nga siya mismo ang magsabi ni dad na pakasalan niya ako,yung hindi pilit,yung tipong siya yung kusang manghingi ng pahintulot kay dad na pakasalan niya ako,bigla naman akong natawa sa isipan ko nung napagtanto na di pala yun mangyayari at kahit kailan hinding-hindi yun mangyayari
BINABASA MO ANG
The Desperate Wife (Completed)
HumorAng babaeng nangangarap na makamit ang lalaking mahal niya Ang babaeng handang magpaka-desperada kahit masaktan man siya ng paulit-ulit Magiging masaya nga ba siya pag malaman niyang isang araw abot-kamay na niya ang taong mahal niya? Magiging masay...