chapter 63:the traitors

3K 39 2
                                    

Third Person Pov:

"Hindi lang ako ang may galit sa inyo karryle, madami. Madaming may galit sa inyo,! Alam niyo ba yun ha? Hindi sana kayo magkakaganito kung hindi niyo kami inunahan" sigaw ni kylene habang dinuro-duro pa sina skyler at karryle. Muli nanamang kinutuban si karryle sa sinabi ni kylene,akala niya mag-isa lang si kylene na may galit sa kanila. Pero parang nagkakamali ito. Hindi niya alam na may taong galit na pala sa kanila

"Sino" malumanay na sabi ni karryle kay kylene, biglang ngumisi si kylene nang nakakaloko. Bigla siya tumingin sa gawi ng pinto at may isenenyas

"KAMI karryle. Kami" sabay na sabi nung dalawang babae at lalaki. Biglang napalingon si karryle at skyler sa gawi nung nagsalita. Pareho nilang hindi inaasahan ang mga taong iyon. Pareho silang dalawang gulat sa nakita nilang babae at lalaki na nakatayo sa entrance ng pinto. Pareho silang nagtataka kung ano nga ba ang dahilan kung bakit ito galit sa kanila

"B-bakit? A-ano din bang kasalanan ang nagawa namin sainyo?" Malumanay na sabi ni karryle sa taong nasa harap nila ngayon,hindi sila makapaniwalang dadating din ang panahon na yung mga taong malapit sa kanila ay magawa silang traydorin

"Madami karryle,madami alam mo ba yun ha?. Inagaw mo lang naman ang taong mahal ko,inagaw mo lang naman ang atensyon ng lahat na dapat sa akin lang naman,at kung kailan nakamove-on na ako sa taong inagaw mo at handa na sana akong magmahal ulit,inagaw mo nanaman ang bagong lalaking gusto ko. Hindi ko nga alam karryle eh,kung bakit pa tayo close, eh sa salot ka lang naman sa buhay ko,lahat nang gagawin ko tutol kasi nakadepende sayo ang mga tao,lahat nang kasiyahan ko kukunin mo at wala ka maski isang iniwan, minsan nga rin nagtaka ako sa mga parents ko eh ,kasi ako yung anak nila, papapagalitan at hindi papayagan kung ano man ang gusto ko samantalang ikaw na hindi naman nila masyadong kilala ang siyang inaalala at hinahanap nila,hindi ko alam kung anong klaseng kulam ba ang ginawa mo sa mga tao sa paligid ko para lumuhod sila sa atensyon mo. Bakit ba kasi lahat nalang ang meron sakin? Aagawin mo,ha karryle,? Kailan mo kaya ako hahayaang maging masaya,kailan mo kaya ibibigay saakin ang atensyon na hinahangad ko,at kailan ka kaya mawala sa landas ko? Para ako naman ang titingalahin nila at inaalala nila diba?"nakangising sabi nung babae kay karryle,parang pinunit pira-piraso ang puso ni karryle sa narinig niya sa taong pinagkakatiwalaan niya,hindi niya matanggap-tanggap na tatraydorin silang dalawa ni skyler

"I-ikaw? A-anong kasalanan namin sa inyo,akala ko ba kaibigan tayo? Akala ko ba hanggang dun lang ang trato natin sa isa't-isa, na bilang magkaibigan lang?bakit nangyari ang lahat nang ito? Bakit nakisali ka pa sa kanila? Ano din ba ang rason mo? Bakit niyo pa dinamay ang walang kamuwang-muwang na anak ko? Ha bakit? Tinuri ko kayong kaibigan kasi yun talaga ang nararamdaman ko para sainyo,ang isang mabuting kaibigan. Pero bakit? May ganyan bang magkakaibigan na nagtatraydoran? Bakit kailangan pang humantong sa ganito ha?" Sabi ni karryle sa lalaking kaibigan niya. Umiyak siya at naninikip ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwalang kaya nila itong traydurin. Tumingin naman siya sa kaibigan niyang babae at doon niya palang napansin na buntis pala ito

"B-buntis ka?" Nauutal na tanong ni karryle sa babaeng kaibigan niya,para namang nataranta ang babae sa sinabi ni karryle at mas lalong nadagdagan ang galit nito kay karryle. Nagulat naman ang lalaking kaibigan niya sa narinig mula kay karryle

"T-totoo ba?,t-totoo ba na b-buntis ka?" Nauutal na sabi ng lalaki. Bumilis ang tibok nang puso ng babae dahil sa sinabi nang lalaki. Parang anytime ay maamin niya talaga ang katotohanan. Hindi siya makasagot sa tanong ng lalaki

"Ano? T-totoo b-ba? Kaya b-ba umumbok na ang tiyan mo? Kaya ba moody ka na ngayon? Ano? Sabihin mo saakin? Sino ang ama sa batang dinadala mo ngayon" biglang sigaw ng lalaki kaya napaiyak narin yung babae,di alam kung ano ang sasabihin, di alam kung saan sisimulan. Nanatiling tahimik lang ang babae na umiiyak

"SINO ANG AMA NG BATANG DINADALA MO NGAYON? SABIHIN MO?" sigaw ng lalaki habang niyugyug ang balikat ng babae

"IKAW,IKAW ANG AMA NG BATANG DINADALA KO NGAYON, IKAW ANG LALAKING MAHAL KO AT HANDA KONG GAWIN ANG LAHAT MAPASAAKIN KA LANG,MAY NANGYARI SAATIN NUNG MINSANG PUMUNTA TAYO SA CONDO MO AT NAGLASING,ANO? MASAYA KA NA? MASAYA KA NA DAHIL NAKUHA MO NA ANG GUSTO MO? MASAYA KA NA KASI NAKUHA MO NA AKO?ANO SUMAGOT KA?,DI KA MAKASAGOT KASI AYAW MO AKONG PANAGUTAN? MAHAL NA MAHAL KITA PERO  NASA IBA ANG ATENSYON MO,ANO? KASI NASA  PESTENG BABAENG YAN ANG PAGMAMAHAL MO? ANO SAGOT? AHHHHHH *booggsshh*" natatarantang sabi ng babae at wala sa katinuag binaril si karryle. Agad nanghilo si karryle nanlalabo na ang paningin niya. kung saan-saan ipinutok nung babae ang baril na hawak niya,

"KARRYLE,RAZE" sigaw ni skyler sa kanyang asawa na nakahandusay na sa sahig at ang anak nilang natamaan nang ligaw na bala

"ANO? MASAYA NA KAYO? MASAYA NA KAYO DAHIL BINARIL NIYO NA ANG ASAWA'T-ANAK KO? HINDI NIYO BA NAALALA KUNG GAANO NIYA KAYO ITINURING NA KAIBIGAN DATI? HINDI NIYO BA NAALALA DATI NA KAHIT HIRAP NA HIRAP SIYA,GINAWA NIYA PARIN ANG LAHAT PARA SAINYO HA? IKAKASAYA NIYO NA BA YAN?ANO NA NGAYON? BINARIL NIYO NA ANG ASAWA'T ANAK KO SA TINGIN NIYO MAPAPATAWAD KO PA KAYO?" sigaw ni skyler sa mga kaibigan nila,agad naman silang nataranta sa sigaw ni skyler.Agad din silang nakonsensya,para bang ngayon palang sila natauhan sa ginawa nila,bigla-bigla ay nakaramdam agad sila nang awa

"WAG KAYONG MAAWA SA KANIYA,PINAPAKONSENSYA KA LANG NIYA PARA MAAWA KAYO SA KANYA,AT ITIGIL NA ITO. HINDI NIYO DIN BA NAALALA DATI? HINDI KAYO PINAPAHALAGAHAN NI KARRYLE, KAYA DAPAT LANG SAKANYA YAN DIBA?" para namang nabrainwash silang dalawa sa sigaw ni kylene,kaya mas lalong nakaramdam sila nang tuwa sa nangyari kay karryle na ngayon ay wala nang malay

"Hindi niyo ba naalala dati na kahit walang-wala siya,kayo parin ang inaalala niya?" Sabi ni skyler sa kanila. Agad nanaman silang nakonsensya,di alam kung saan makikinig,di alam kung sino ang paniniwalaan at di alam kung sino ang pagkatitiwalaan

"Please kylene itigil nanatin to,kahit anong gawin namin kaibigan parin namin siya" sabi ng babae na ngayon ay umiiyak na

"Kung ayaw niyong gawin,ako ang gagawa. MGA DUWAG" sigaw ni kylene sa kanila at inagaw ang baril ng babae

Ipinutok niya iyon sa gawi ni karryle at pinutukan sa may bandang dibdib,napasigaw nanaman si skyler dahil sa nakita niya. Sunod namang pinutukan ni kylene ang gawi sa anak nina karryle at skyler

."please wag ang anak ko,please ako nalang"pagmamakaawa ni skyler pero parang walang narinig si kylene,ipinutok niya ito sa taong may dala sa anak nila,nandun parin sa loob ng net ang anak nila. At ganun nalang ang paninikip nang dibdib ni skyler nung makita niyang nakahandusay narin sa sahig ang taong may dala sa anak nila. Narinig niya nalang na parang may nahulog sa ilalim

Parang pinagkaitan siya nang mundo,parang binuhay lang siya sa mundo para makatikim nang panandaliang kaligayahan,hindi niya matanggap-tanggap sa kaloob-looban niya ang nangyari sa mag-ina niya, iyak lang siya ng iyak na para bang wala na siyang pag-asa na mabuhay pa ang mag-ina niya,lalo na't silang dalawa lang ni karryle ang sumugod sa mga kalaban nila, tuluyan na nga siyang nawalan nang pag-asa na may magliligtas sa kanila,hindi niya din alam kung paano niya iligtas ang mag-ina niya

"ANO? MASAYA NA BA KAYO RYLE?MASAYA KA NA DIN BA JANE HA?TINGNAN NIYO? WALA NA ANG MAG-INA KO? ANO PA BANG AASAHAN KONG GAGAWIN KO SA INYO HA?," umiiyak na sigaw ni skyler sa kanilang kaibigan

"Hindi niyo alam kung gaano kasakit mawalan nang mahal sa buhay,akala ko ba magtropa tayo ryle bakit mo ginawa saamin ang lahat nang ito?" Mahina na sabi ni skyler

"Mahal ko ang asawa mo sky,simula noong hindi ko pa alam na mag-asawa kayo,unang kita ko pa lang sakanya alam na alam ko na kung anong papel niya sa buhay ko,masakit saakin sky na makita ko ang taong mahal ko na masaya sa iba, pero mas masakit pala kung makita ko yung kaibigan kung nangungulila dahil sa nangyari sa asawa't-anak niya,masakit din pala na makita ang taong mahal ko na nasasaktan at nahihirapan,pasensya ka na skyler" sabi ni ryle kay skyler,agad ding pumunta si jane sa gawi ni skyler

"I'm sorry din sky,dahil sa kaselfishan ko,dahil sa inggit ko umabot pa sa puntong nagkakaganito siya,totoong wala siyang ginawa saakin,tanging inggit lang ang nararamdaman ko sa kanya" umiiyak na sabi ni jane

"Para saan ang sorry niyo? Kung wala na? PARA SAAN? SABIHIN NIYO?" Umiiyak na sabi ni skyler,naiisip niyang 'siguro karma niya ang lahat nang nangyari sa kanya,karma niya noong palagi niyang sinasaktan at pinaglalaruan ang mga babae niya'

***

#october 5,2017

Vacant😍

The Desperate Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon