chapter 48:pictures

3.4K 41 0
                                    

LynXy_06

Hi dzae,idedecate ko sayo ang story na to kasi,atat kang matapos na to,bwahaha peace yow dzae LynXy_06

*****

Karryle Pov:

1 week had pass simula nung makalabas ako ng hospital,dito pa rin ako pinatira ni sky sa bahay niya hindi niya ako pinayagang umuwi sa bahay ni angelo, dahil nanghihina ako nun hindi na ako pumalag at dito nalang ako naninirahan....

Panandalian

1 week had pass nung mangyari ang insidenting hindi namin inaasahan,akala ko tapos na yung paghihirap na nararanasan ko pero may kasunod pa pala

Flasback (1 week ago)

"Pwede ng makalabas si Ms.De Guzman" sabi nung doctor.Balik sa De Guzman ang apelyido ko because i'm no longer acosta anymore,2 days din akong namalagi sa hospital. According to the doctor na over fatigue daw ako,siguro sa pagsuntok at pagsipa saakin nung kapre,atsaka sa stress

Dala na ni sky ang kotse niya and on the way na kami para umuwi,he start the engine at tahimik lang kaming bumabyahe,napansin ko si sky na palinga-linga sa side mirror kaya tumingin ako sa likuran.Actually kanina ko pa din napapansin ang kotseng nakasunod saamin,binalewala ko lang yun kasi malay ko baka pareho kami ng way

"Ba't ka ba palinga-linga sa side mirror ha?" Tanong ko sa kanya,habang nagmamaneho siya, tumintingin din siya sa side mirror,

"Feel ko may sumunod saatin" sabi niya at palipat-lipat ang tingin sa side mirror at sa harap,actually kami at ang nasa likuran  lang namin ang nandito sa kalsadang ito,ito kasi yung daan papunta sa bahay ni sky eh,pasikot-sikot

"Kanina ko lang din napansin yun" sabi ko at ayun nanaman siya sa paglipat-lipat ng tingin,

Biglang sumudsod saamin ang kotseng itim na nasa likuran namin,kaya nabangga nila ang likod ng kotse namin,nagsimula akong kabahan, bakit nangyayari to?

Nakarinig kami ng putok ng baril,mas dumoble ang kaba ko at takot na baka kami ang target nila. Mas binilisan ni sky ang pagmamaneho

"Shit..shit.." Mura niya at di pa rin tumigil sa pagputok ang baril,para kaming nakipagracing dahil sa bilis ng pagmamaneho ni sky,pero kahit anong bilis niya nasusundan at nasusundan parin nila kami

"SKY ILIGAW MO DALI" sinigawan ko siya kasi doble na ang takot at kaba na naramdaman ko

"Shit naman jazz,tumahimik ka naman please. Kahit ngayon lang" sabi niya saakin kaya wala akong nagawa kundi sumandal sa upuan,di ko namalayang tumulo ang luha ko sa takot na posibleng mangyari,kahit nakaupo ako ramdam kung nanginginig ang tuhod ko. Mas binilisan ni sky ang pagmamaneho at malaking pasasalamat ko sa diyos at may nakita kaming eskinita biglang lumiko si sky dun at dahil sa bilis din ng pagmamaneho nung kasunod namin nalagpasan nila ang eskinita

Pheww i thought it was my last day,nagulat ako nung may humawak sa kamay ko

"I'm sorry," sabi niya di ko alam kung bakit siya nanghihingi ng sorry,dahil ba sa insidenting ito?o meron pa?

Bumalik kami sa pinanggalingan namin and in a couple of minutes nakarating na kami sa bahay niya

That was close...

End of flashback

"Ma'am,may nagpapadala po nito" sabi ni yaya celia at inabot saakin ang isang box,singlaki ng shoe box

"Kanino galing ya?" Tanong ko kay yaya,nagsimula na akong kabahan hindi ko alam kung bakit pero feeling ko hindi ko magustuhan ang nasa loob nito

"Hindi ko po alam ma'am eh,sabi mi manong guard may babae pong nakahood na umabot nito sa kanya,hindi po daw niya kilala kasi natatakpan ng mask at nakashade yung babae,para daw po sa inyo yan ma'am,sige po ma'am may gagawin pa po ako" sabi ni yaya,at umalis na sa harap ko.Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi somehow gusto kong buksan pero may part saakin na hindi ko ito magugustuhan

Unti-unti kung binuksan ang box na ito,sa loob ng box may box pa ulit kaya binuksan ko nanaman yung pangalawang box. Pagbukas ko nanaman may box parin kaya binuksan ko yung pangatlong box. Pagbukas ko sa ikatlong box may box nanaman

Ako ba'y pinagloloko nito?

Last na talaga,itatapon ko na talaga to pagbox nanaman ang bubungad saakin. Pagbukas ko sa pang-apat na box ay bigla ko na lang iyon nabitawan,pinagpawisan ako ng malamig,nanginginig ang mga tuhod ko,lumakas ang tibok ng puso ko at nilamon yun ng sobrang takot,nanginginig ang mga kamay ko nung damputin ko ulit yun

It was a pictures of me......











With sky

Eto yung araw na pumunta kami sa enchanted kingdom,kitang-kita ko na ang saya-saya namin nun,pero napuno ng dugo ang picture na yun,

Yung panahong hila-hila ko sky ay puno ng dugo ang nasa picture ngayon,sa di kalayuan may lalaking nakatutok ang baril sa akin,di ko kilala ang lalaki pero parang familiar siya saakin,yung tindig niya familiar na familiar sa akin pero di ko maalala kung sino

Ang daming pictures namin ni sky dito na puno ng dugo,ang lakas lakas na nang  tibok ng puso ko,binuklat ko lahat ng iyon at di lang pala iyon ang makikita ko,

Para akong nasusuka at the same time nandidiri sa nakita ko,isang kuting na sa palagay ko ay hindi pa matagal bago pinatay,nakalabas ang dila at dilat na dilat pa,may dugo pa ang dila at ang ilong. Hindi ko alam kung paano nila pinatay ang inosenting kuting na ito,

Napabalibag ko ng dis-oras ang box na yun kaya dali-daling pumunta sina yaya sa akin

"Anong nang----,ano yan?" Napasigaw sa gulat si yaya sa nakita nung makita niya ang kuting at pictures namin na puno ng dugo,

may nalaglag sa sahig nung binalibag ko ang box na yun,dahan-dahang kinuha ko iyon at pinulot,isang papel

'Ano karryle?masaya ba?balang araw magiging ganyan ka din katulad ng kuting,dilat na dilat ang mga mata at nakalabas ang dila,just wait for my come back kasi sa pagbalik ko sisiguruduhin kung sa sementeryo ka diretso,

Wag kang magtiwala sa mga taong nakapaligid sayo,baka  paggising mo lahat ng pinagkatiwalaan mo,kakalaban sayo

From:anonymousgirl

S-sino tung anonymousgirl na ito?anong ginawa ko sa kanya?ni hindi ko nga maalala kung meron ba akong nakaaway

Atsaka?

What does she mean about 'wag kang magtiwala sa mga taong nakapaligid sayo,baka paggising mo lahat ng pinagkakatiwalaan mo,kakalaban sayo'

Anong ibig niyang sabihin?hindi ko na alam ang gagawin ko. Palaisipan talaga ang nangyayari ngayon at sunod-sunod na ang pangyayaring hindi ko inaasahan

***
#july 20,2017
#at exactly 8:56 pm

The Desperate Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon